Chapter 47

694 12 2
                                    

[Trixie's POV]

"Trixie mamimiss talaga kita kahit konti pa lang yung time na nakasama kita" niyakap ako ni Jean. Siya kasi yung madalas kong kadaldalan dito.

"mamimiss din kita Jean"

"basta bakla ha. Wag kang mawawala sa kasal ko"

kumalas ako ng yakap sa kanya.

"wala ka pang nabanggit sakin tungkol dyan. Kailan ba?"

"sa January 4 na. Binanggit ko na yun sayo. Eto talaga"

nalungkot ako bigla. Nasa Singapore na ko nun.

"naku girl, nasa Singapore na ko nun. Di bale babawi ako sa binyag. Ninang ako ha"

"nakakatampo to. Sige na nga. Oh mukhang naiinip na yung prince charming mo. Ingat ka dun ha."

"tara na?" tanong niya sakin.

Tumango lang ako sa kanya.

Nung makalabas kami, nalagay na niya yung mga gamit ko sa backseat.

"Seth, salamat ha"

"it's my pleasure Trixie"

I honestly called Seth para tulungan akong magpack ng gamit. Masyado kasing marami at para makapag-usap na din kami.

Paglagayniya ng mga box ko sa backseat, sumakay na kami sa kotse niya at pinatakbo ito. 

"gusto mong kumain? Libre ko"

sabi ko sa kanya.

"ok. Di naman ako tumatanggi sa libre" he smirked.

"sus, sabihin mo namiss mo lang ako" 

tumawa siya ng mahina sa sinabi ko.

"medyo. Matagal na din tayong hindi nakakapag-usap ng ganito. Kamusta nga pala?"

"eto ok naman na."

"happy?" tanong niya.

"kung iniisip mong hindi, let me tell you Seth, relative ang pagiging masaya"

"let me guess kung sinong author nagsabi nun. Uhm.. Someone that starts with letter R--"

hinampas ko sya sa braso. 

"may nagsabi na ba sayo that you suck in acting? Malamang kilala mo kung sino nagsabi nun. Sayo ko hiniram yung libro na yun remember?" 

"may quota ang pag-ibig. Sa bawat limang umiibig, isa lang ang nagiging masaya, kasama ka ba sa quota?"

"tanong ba yan o gusto mo lang talagang irecite yan?" tanong ko.

"I want you to answer it. Di ka ba napaisip nung binasa mo yun?"

actually napaisip ako. Quota? Ang unfair naman. Isa lang yung pwedeng masaya. Kung ganun, para saan ang fate at destiny diba. Sabi nila, simula nung pinanganak tayo, may tao na talagang nakalaan satin. Kaya nga daw maraming broken hearted eh . Kasi daw nila hinihintay yung taong yun. Masyado silang nagmamadali. Kung sabagay hindi naman lahat ng nagkakatuluyan, nagmamahalan. At hindi lahat ng nagmamahalan nagkakatuluyan. Madalas wala na silang choice kundi ang mahalin ang isa't isa kasi nakatali na sila.

Parang kami ni Lance. He may not love Yannie now but maybe in the near future.

"I'm looking forward na makasama ako sa kota. Ikaw ba?"

"pag nakasama na kayo ni Lance sa kota, baka"

tinignan ko si Seth.

"Seth, don't blame yourself. Wala kayong kasalanan ni Monica sa nangyari. Tama ka, telling me the truth won't change a thing. Oras lang. By the way, magkasama kayo ni Monica sa Christmas?"

STATUS: Waiting, Hoping and Praying (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon