Chapter 35.1

776 12 1
                                    

SIS- best way to test your patience. 

Chapter 35

Trixie's POV

"Good Morning Trixie"

"uy Monica! Good morning. Mukhang masaya gising natin ha. Yiiie! May nagpapasaya na ba?" pang-aasar ko sa kanya with matching pindot pindot pa sa tagiliran niya. Nabalitaan ko kasi si mystery guy na naghahatid ng pagkain sa ating prinsesa tuwing lunch. And accidentally, nalaman kong si Seth pala yun. Lumelevel up si Kuya! May nag-switch off na ata ng torpe mode niya. Good for him.

"wala no. Baliw ka Trixie. Teka! Bakit may dala kang sketch pad?"

"a-ah. Eto b-ba w-wala to. Hehehe." sabay tago nung sketch pad sa likod ko. Di kasi kaysa sa bag ko kaya hawak ko lang. 

"weh? Patingin nga" kinukuha nya yung sketch pad ko pero ayaw kong ibigay. Huhuhu! I'm doomed pag may nakakita nito. kahit pa sabihin nating kaibigan ko siya, di pa rin tama na makita niya to.

"wag na kasi Monica.. Monica naman e"

"titignan ko lang naman e. Dali na Trixie"

"ayaw"

"bahala ka na nga dyan." sabay walk-out. Anyare dun?

Medyo naguilty naman ako sa ginawa ko. Nagalit ata.

Pagpasok ko, wala pa si Zeke. Aba himala, late sya? Unbelievable.

Pumunta na ko sa table ko at binuklat yung sketch pad ko hanggang sa page na wala pang drawing. 

Sinimulan kong idrowing yung nasa isip ko. Gaya gaya ako. XD nainggit kasi ako kay Seth e. Kaya magdodrawing din ako ng dream house ko. Ajeje. I know I suck at drawing pero di ba pag may gusto maraming paraan? :)

"Trixie, timpla mo kong kape."

"ay! Kabayo ka!" nagulat ako dun sa nagsalita. "grabe, wag ka namang nanggugulat. Kanina ka pa dyan?" nakaupo na kasi siya sa table niya at di ko man lang sya napansin na pumasok.

"kasalanan ko pa ba yun? Ikaw yung wala sa sariling mundo dyan tapos sisisihin mo pa ko."

Sinunod ko na lang sya. Masasayang lang yung oras ko pag nakipagtalo ako sa kanya. 

"oh kape mo" sabay lapag nung tasa sa table niya.

"masarap ba to?"

"kung di mo type yung lasa, tapon mo na lang" iniwan ko na sya dun at tinuloy ang paggawa ko ng dream house ko. :"> eh bakit ang creative ko talagang mag-isip

dahil wala namang pinapagawa sakin si Zeke, natapos ko yung drawing ng eksaktong tanghalian na. 

STATUS: Waiting, Hoping and Praying (COMPLETED)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin