Chapter 16

1K 15 1
                                    

Pag-uwi ko sa bahay, dumiretso dapa na ko sa kama ko. Hindi ko na kaya. Ang bigat bigat na. Ngayon alam ko na kung bakit umuulan. Kasi di na kayang hawakan ng ulap lahat ng tubig kaya naman bumubuhos na lamang ito para gumaan yung dala dala niya.

Parang ako, punong puno na ko at di ko na mapigilang umiyak. Wala na kong pakialam kung anung sasabihin ng makakarinig sakin. The cried the loudest cry. Kung eto lang yung paraan para mabawasan yung sakit na nararamdaman ko.

“I’m Lance girlfriend”

“I’m Lance girlfriend”

“I’m Lance girlfriend”

“I’m Lance girlfriend”

“I’m Lance girlfriend”

WAAAAAAAAAA!! parang sirang plakang umuulit-ulit yung linyang yan sa utak ko. Parang yung alarm clock na nagpapasakit ng ulo ko sa umaga. Paulit- ulit para magising na ko.

Kagaya ng alarm clock, paulit-ulit to para gisingin ako. Gisingin ako sa isang kasinungalingan para matuto na kong  mabuhay na wala siya. 

Ang pinagkaiba lang nila, ang alrm clock, pwede kong patayin. Pero ito hindi.

The more na nauulit sya, the more the sumasakit.

Sabi ko dati, ok lang na hindi ako yung gusto ni Lance, basta single sya. Pero ngayon. Ang sakit! Ganito pala yun. Kahit sa imagination ko, hindi ko nakitang may girlfriend si Lance. HIndi ko tuloy naprepare sarili ko.

Sniff .. Sniff .. Sniff

Parang ibang Lance yung kaharap ko kanina. Hindi na sya yung Lance na bestfriend ko. Yung may sense of humor, caring, malambing, gentleman. Lahat yun napalitan ng isang monster na Lance na pwede akong patayin anytime.

Tama sila, Strangers can become best friends just as easy as best friends can become strangers.

Mukha akong loka-loka no. Nakakainis naman kasi. Kung sinabi ko ba yung talagang gusto kong isagot sa kanya, ganito pa rin ba? O baka masaya na kami?

Ayoko ng mag-isip. Sobrang pagod na ko. 

Dahil sa nangyayari ngayon, parang nanghihinayang ako. Pero kung iisipin, may dapat bang panghinayangan? 

Mukha namang di ako seseryosohin ni Lance e. Hello, one week pa lang yung lumipas tapos may bago na agad sya? 

Kung trending ngayon yung 3 months lang tumatagal na relasyon, wala akong planong makisali. di bale ng maging out of place ako sa mundong to. 

Para sakin, di uso ang majority wins.

I’m at a payphone trying to call home

All of my change I spent on you

Where have the times gone

Baby it’s all wrong, where are the plans we made for two?

Calling…

Jannine

Ano ba yan istorbo nagdadrama yung tao e.

“hello?” inayos ko muna yung boses ko bago ko sinagot yung phone.

“wow sa wakas, natuto ka ding sumagot ng tawag. Kala ko nagka amnesia ka na e.”

“wag ka ngang nagger. Wala man lang imissyou or anything? Bulyaw agad.”

“e dapat nga ikaw magsabi nyan e. Sino bang hindi nagrereply na mukhang kinalimutan na magcellphone?”

“ok fine! My bad. Bakit ka tumawag? Pls. Ayokong pag-usapan yung nangyari.”

STATUS: Waiting, Hoping and Praying (COMPLETED)Where stories live. Discover now