Chapter 43.5

823 12 7
                                    

*continuation

I tried to stop my tears from falling pero di ko talaga kaya. Parang nakahanap ako ng dahilan para ilabas lahat ng sakit na nararamdaman ko. Nakakahiya. Sa harap pa nya ko umiyak ng ganito. Pakiramdam ko ang weak ng tingin niya sakin. Parang Space Shuttle lang umiiyak na ko ng ganito.

Pero sana yun na lang talaga yung paniwalaan niya. I'm crying dahil sa takot sa Space Shuttle at hindi dahil takot akong matapos tong araw na to.

Naramdaman kong lumapit siya sakin and start to hug me tightly.

"Trixie. I'm sorry di na talaga mauulit"

to him, it sounds like a comforting word, but for me. It's call for a goodbye. Oo di na talaga to mauulit.

I buried my face in his chest. Ang bango pa rin niya kahit hindi na yung usual na pabango niya dati yung gamit niya. I want to remember this scent. This feeling.  Naalala ko bigla si Dor sa Timekeeper ni Mitch Albom.

"dor, can you please stop the time now? Kahit ngayon lang please." 

but that won't happen. I know. Ganun talaga eh. Masisisi niyo ba ko? If we really want something kahit, gano pa kaimposible.. Hahanap at hahanap tayo ng paraan just to make it happen right? 

"I'm fine. I'm sorry" lumayo ako sa pagkakayakap niya at pinunasan yung mukha ko. "sorry I over react"

"No. I'm sorry. Di na dapat kita pinilit. Sorry"

"hahaha. Di tayo matatapos dito kung di ko tatanggapin yung sorry mo. Ok apology accepted"

he smiled in relief. 

"tara na. Limited lang ang araw na to. Sayang naman kung uubusin lang natin yung oras sa pagtayo dito di ba?" I said.

"tara na. Saan next ride? You decide" hinawakan niya yung mga kanang kamay ko and I quickly locked my fingers sa kanya. Kahit isang araw man lang.. Masabi kong hindi ko sya binitawan.

"uhm.. Jungle log jam"

huminto sya sa paglalakad at tumingin sakin.

Tinaasan ko sya ng kulay. "what?"

"sure ka? By structure, mala-Space Shuttle din yun eh"

"it's fine. Nung fieldtrip namin naka seven rounds kami ng mga kaibigan ko dyan"

"pero--"

I cut his sentence.

"it's okay. Sorry dun sa nangyari sa space shuttle. First time ko kasing sumakay dun. Sarado kasi sya nung last time na nandito ako. Eh yung jungle log jam, natry ko na ng maraming beses."

"okay. Your wish is my command" 

pagdating namin sa pilahan, mahaba na. What do I expect? Hindi lang naman kami yung tao sa mundo na gustong magrelax at mag-enjoy sa mga panahon na to.

Habang naghihintay kaming makasakay, di ko mapigilang mapatingin sa mga tao. May mga nakita akong magkakapamilya (kasi magkakamukha sila), magbabarkada at magkakakLase. Pero pinaka marami, yung mga mag bf/gf. How do I know? Kasi marami sa kanila naka couple shirt. Tinignan ko saglit sa Lance and I smile formed in my face.

Parang dati lang, nung nakapila kami ng mga kakLase ko dito at tinitignan yung mga couples na nakapila din, I'm secretly wishing na sana nandito din si Lance. Hindi man bilang boyfriend ko at least as my best friend.

But in the back of my mind, I'm convincing myself na baka kaya hindi nakasama si Lance sa field  Trip kasi, one day babalik ako dito kasama sya. Not as my bestfriend or classmate but as my boyfriend.

STATUS: Waiting, Hoping and Praying (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon