Chapter 46

710 10 2
                                    

[Trixie's POV]

If there's one thing na pinagpapasalamat ko ngayong umaga ay yung nakauwi ako ng hindi nalalaman ng nanay ko na umalis ako ng bahay kagabi at nagpaulan pa. Naku.. Pag nalaman niya yun sigurado, puputulan ako nun ng paa. O kaya naman kung ang siyam na simbang gabi sa sermon niya.

I placed my right hand to my chest and feel my heartbeat.

It's still beating. Kung may pagkakataon lang ako, I want to see my heart. Marami na kaming pinagdaanan pero tumitibok pa rin sya para sakin. So I must do the same. Forget how it hurts and move on. I don't want Lance to be the end of me. Hindi naman titigil ang mundo niya pag nawala ako di ba so bakit ako papayag na tumigil ang mundo ko dahil sa kanya. 

Tumayo na ko sa kama para ayusin yung resignation letter ko. Mukhang ewan lang eh no. Kung iisipin halos kakaumpisa ko pa lang. 

Habang nagtatype ko, biglang lumabas sa tab ng facebook..

Alyana sent you a message

I closed my eyes and take a deep breath bago ko binuksan yun.

'akla ko, literature was the only place where love is great.. I never thought you can do that. Thankyou. I promise I will do everything to make him happy.

I clicked the chat options button para iturn-off yung chat ko. 

She is the least person I want to talk to right now.

Mayamaya, nakita kong may notification.

Rachel Raquin posted on your wall

oi babae nanakaw ba cellphone mo? Why no response? Mamaya ha. 7pm. Don't you dare to forget. I love you. :*

pagtapos ko ng resignation letter ko, inayos ko na yung iba kong requirements para sa aaplyan ko. 

After 561484754 years, I'm good to go.

Dumaan muna ako sa tindahan para bumili ng bagong sim card. Good thing nakasave sa phone memory lahat ng contacts ko kaya di na hassle mag inform sa iba ng new number ko.

Tapos diretso na sa opisina.

**

"pasok" sagot sakin ni Mam Raki pagkatapos ng dalawang katok ko sa pintuan niya.

Dahan dahan akong pumasok dahil di ko alam kung anong magiging reaksyon niya.

"what can I do for you Ms. Salcedo?"

inabot ko sa kanya yung envelope na dala ko.

"resignation letter? Sigurado ka na ba dito?"

"Mam alam ko pong malaking opportunity yung binigay niyo sakin dito at ayoko din pong sayangin yun. Pero depende din po kasi yun sa sitwasyon eh"

"where will you go?"

"po?"

"Trixie, I have a complete senses. Kaya alam ko kung may mali. Are you going to do some soul searching?"

may sa demonyo ba to si Mam Raki o sadyang may access lang talaga siya sa utak ko?

"gusto ko lang pong gumawa ng bagay para sa sarili ko"

"Goodluck Ms. Salcedo. I'm hoping you will get what you want. It's nice working with you."

"salamat po." lumapit ako kay Mam Raki at niyakap siya ng mahigpit.

"mamimiss kita Trixie"

I decided na bukas ko na lang kukunin yung mga gamit ko . May isang lakad pa kasi ako ngayon at ayokong mahuli dun.

STATUS: Waiting, Hoping and Praying (COMPLETED)Where stories live. Discover now