Chapter 34

833 9 0
                                    

[Trixie's POv]

pagkatapos ng simba sa hapon, dumiretso muna ako kila Seth para ibalik sa kanya yung mga libro na hiniram ko.

"magandang hapon po. Andyan po ba si Seth?"

"seth, may bisita ka"

"paakyatin niyo na lang po dito"

"andito iha, sige umakyat ka na lang sa kwarto niya."

wow mukhang busy si Kuya. Ayaw paistorbo. Bababa lang e. umakyat ako sa kwarto niya at.

"what brings you here?" tanung niya .

Naku naistorbo ko pa ata. Mukha kasing may inisketch siya e. Hay! Architects and their busyness.

"isosoli lang sana tong mga to" kinuha ko yung mga libro niya sa bag.

"ah sige lapag mo na lang dyan sa table." nilapag ko na yung books sa may table niya pero may nasanggi akong isang libro din at nahulog.

Nung pinulot ko ito, saka ko lang napansin yung nakaipit dito. Picture.

"wow, kayo ba ni Monica to? Ang cute niyo promise. Mukhang super close talaga kayo dati ha."

"yeah."

"eh bakit ngayon hindi na?"

"umalis kasi sya papuntang ibang bansa. End of story"

shtbrix. Si Monica ba yung tinutukoy ni Ate Annia dati?

"eh bumalik naman na sya ah"

"yeah. Mabuti nga at nakita kong maayos siyang umuwi. Teka nga, bakit ba ang dami mong tanung?"

"wala lang. Hehe. Ano yan?" tinignan ko yung dinodrawing niya. Isang bahay. Simpleng bahay. Walang second floor.

"wow ang ganda, para kanino yan?"

"feel ko lang dinrowing"

"weh? Dream house mo no?"

"hindi ah. I based it on someone's description"

"ah. Pero alam mo Seth, ang daya mo. Ako sayo ko unang inamin na may gusto ako kay Lance, pero ikaw, wala ka man lang inaamin sakin"

"ano namang aaminin ko sayo?"

"you love Monica right"

"yeah"

"oh, eh bakit pa torpe torpe ka pa dyan? Go for the gold bro. Binigyan ka na nga ng second chance e."

"umuwi ka na Trixie, marami pa kong gagawin."

"ay ganun, sige. Kung kaylangan mo ng tulong kay Monica, nandito lang ako ha."

***

"Trixie, anong uunahin natin?" hawak niya ngayon yung dalawang DVD na nirent niya daw kanina.

"uhmm .. Just like heaven na lang. Di ko pa napapanuod yan e."

"napanuod mo na tong I am Sam?"

"yeah. Ui wait, pumutok na ata yung popcorns. Titignan ko lang" 

hinango ko lang sa mantika yung mga popcorns at nilagyan ng cheese powder para mas masarap. Yum yum.

Sinalang na din ni Monica yung DVD at nagsimula na itong magplay.

Kumakain at nanunuod lang kami. Walang imikan in short.

Ang ganda lang kasi ng takbo ng story. 

Tahimik lang ako not until dumating na sa part na yun.

STATUS: Waiting, Hoping and Praying (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon