Chapter 4

1.3K 19 4
  • Αφιερωμένο στον/ην lianakei
                                    

[Lance's POV]

"Hoy, bakit?”

“Wala.”

Sumimangot lang siya sakin. I've just pissed her off again. 

Pagdating ko sa bahay dumiretso na ko sa kwarto tapos humiga sa kama. At the end of the day kisame lang din naman pala kakausapin ko.

Nakakainis naman kasi. Nagsisimula nanaman ako. Wala naman talaga akong planong isipin siya e. Pero parang recorder yung utak ko na paulit ulit pineplay yung usapan namin ni trixie tungkol kay Christian.

Nagseselos ba ko? Hindi ko pa naman kasi naranasang magselos noon. Panu ko malalaman kung nagseselos ako ngayon?

'Hello ceiling. How are you today? I hope your doing good. Ako kasi hindi e. Pakiramdam ko nabadtrip nanaman siya sakin dahil sa attitude ko sa kanya kanina. Kilala mo naman na kung sino tinutukoy ko diba? Siya lang naman lagi nating pinag-uusapan e. Sawang- sawa ka na sigurong pag-usapan siya? Di naman kita masisisi e. Ikaw lang naman kasi yung kaya kong pagsabihan lahat ng feelings ko sa kanya. Tingin ko may gusto siya kay Christian. Anong gagawin ko? Pano kung meron talaga? Aamin na ba ko? Pano kung fail? Baka pati yung friendship and closeness namin mawala.

Ganun naman kasi talaga lagi e. Takot tayong sabihin yung nararamdaman natin sa isang tao kasi baka hindi kayo parehas ng nararamdaman. What if ganun. What if ganyan. Ang malala pa, pag nasabi na natin, wala na yung bawian at hindi natin alam kung babalik pa lahat sa dati pag nasabi na natin. So instead of taking risk at aminin na mahal natin siya, hahayaan na lang natin na mapuno ng what if’s yung utak natin.

Telling someone how you feel is the hardest thing ever. Tested and true.

Nakakainis. Sana magsalita man lang tong kisame namin. Ilang taon ko na rin siyang kinakausap pero wala pa rin siyang reply sakin hanggang ngayon.

Tok Tok.. Tok.. Tok..

“Pasok”

Pumasok si Ate Ianne sa kwarto ko. Akala ko naman kung sino.

“Talking to silly ceiling again?” umupo si Ate Ianne sa side ng kama ko.

Di ko na siya sinagot alam kong mang-aasar lang siya.

“What happened, tell me. “ dinugtong niya to break the dead air.

“Wala. Bakit ka nga pala andito?”

Humiga si Ate sa tabi ko. Kahit na ganito na yung age namin, hindi pa rin nawawala yung sweetness niya as an older sister.

“Natatakot ako pag nagiging sweet ka eh” sinabi ko sakanya

“Oh really? So hindi ko na pala kailangan na sabihing can you do me a favor kasi alam mo na? Please. “ nag puppy eyes look technique siya sakin.

“Go. Wag lang pera ha.”

“Syempre hindi to pera anu ka ba. Kasi dadalhin na nung designer yung tuxedo ni Jake bukas. E kelangan maisukat na niya yun para magawan pa ng remedyo kung mali. Kaso yun nga, sa Sunday pa siya uuwi. Magkabody built naman kayo. So pwede bang ikaw na lang magsukat?” isang mahabang explanation galling kay ate Ianne.

“Ok.But don’t blame me kung magkamali yan ha” Tapos tinalikuran ko na siya.

“Really? Thankyou Lance.” Tapos hinalikan niya ko sa pisngi.

“Ano ba yan Ate kadiri ka.” Sinabi ko habang pinupunasan yung pisngi ko.

“Over ka ah. Minsan na nga lang ako maglambing sa baby brother ko e”  tapos nag-pout siya. “Porket may iba ng babaeng nagpapasaya sayo” dugtong niya.

STATUS: Waiting, Hoping and Praying (COMPLETED)Όπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα