Chapter 36

829 12 1
                                    

[Monica's POV]

*tok tok tok

excited kong binuksan yung pinto.

"Good Evening" may dala siyang ..

O_O

Groceries? Mukhang pang spaghetti e. Kasi may pasta at may tomato sauce at iba pa.

"tara pasok"

umupo naman sya sa sofa ko sa maliit na sala. Di ko nga matawag na sala yun kasi yung TV, DVD at isang sofa lang yung kasya dun.

"wala pa ba sila Trixie?" tanung niya sakin.

Obvious ba na wala? Sa liit nitong lugar ko, sa tingin niya saan ko itatago sila Trixie?

"wala pa e. Try mo kayang tawagan" ohmygahd! Napupuno na ng mabangong amoy yung buong kwarto ko. At galing yun sa isang nilalang na naka polo shirt na black at naka maong. At ang gwapo nya pa ngayon. 

Nilabas niya yung cellphone niya at dinial ata yung cellphone number ni Trixie.

"hello? .. What? Bakit nyo sinabi agad? Fine! Kaasar to. Sige na. " hininaan niya yung boses niya saglit na parang may sinabing sikreto sa kabilang linya. Bago niya binaba.

"oh ano daw?" tanung ko agad sa kanya.

"nasa Batangas daw sila ni Zeke. Business stuff"

"WHAAAT? Bakit di nila sinabi agad" shooting star! I'm going to spend the whole night with this guy.

"nakalimutan daw niyang sabihin. Sorry daw" napakamot siya sa batok niya bago siya ulit nagsalita "kung gusto mo, uuwi na lang ako" tatayo na sana siya pero pinigilan ko. Sayang naman effort niya.

"ok lang. Tska sayang yan oh" tinuro ko yung dala niyang grocery gamit yung labi ko.

Ngumiti siya bago nagsalita. "akala ko kasi apat tayo. Kaya bumili ako ng makakakain natin."

"ah. Ano bang gagawin mo dyan?"

"iluluto."

=___=++

"oo alam kong iluluto mo yan. Pero anong luto?"

"spaghetti. Yung yung favorite mo di ba?" biglang lumakas yung tibok ng puso ko. Parang may nagpifiesta sa loob. At pakiramdam ko lahat ng dugo ko sa katawan, umakyat na sa mukha ko. Siomai! Nakakahiya o///o

"wow, di mo pala nakalimutan yun. Hehe. Tara iluto na natin yan."

inabutan ko sya ng apron.

"halatang di to nagagamit ah" pang-aasar niya.

"wala na kong oras magluto e." palusot ko.

"wala ng oras? O hanggang ngayon, di ka pa rin marunong?"

pakasama nito!! Tagain ko sya e.

"ang yabang mo porke't magaling kang magluto"

"tara. Turuan kita"

eh?

"wag na nga. Baka masira pa tong masterpiece ko. Turuan na lang kita kung pano hiwain yung hotdog at sibuyas."

"masterpiece mo spaghetti?"

"yhup. Eto yung una kong inaral"

nagsimula nanaman yung banda sa puso ko. Ang assumera ko. Super!

"anong ginawa mo? Diba sabi ko di ganyan?" kinuha niya sakin yung kutsilyo at for the nth time, dinemo niya kung panu hiwain yung hotdog.

"ugh! Ayoko na nga. Ikaw na maghiwa niyan tutal masterpiece mo naman yan" 

STATUS: Waiting, Hoping and Praying (COMPLETED)Where stories live. Discover now