Chapter 31.1

832 11 1
                                    

[Yannie's POV]

I woke up early in the morning today. Hindi dahil sa gusto ko pero dahil kaylangan. Oha! XD I grabbed some dress on my closet and try each one at a time. 

Antagal na din pala since the last time I wore something like this. Nakakapanibago lang.

After trying everything, I end up wearing a yellow dress na saktong hanggang sa tuhod. Then I fixed my hair in a nice way. Then put some light make up para naman magmukha akong presentable. 

Kinuha ko din yung coat ko sa closet pero di ko muna sinuot. Ang init kaya. 

I proceed to Zeke's room after I fix myself. Eto yung dahilan kung bakit gumising ako ng maaga. I want to help him fix himself.

Pero, I wake up early to find out that he is still sitting in his bed.

"bakit di ka pa nakaprepare?"

"libreng kumatok, walang bayad" he said na hindi man lang ako tinitignan. Alam niyo yun, parang nakatingin lang sya sa kawalan. Kung pwede lang patayin si Edward Cullen at kunin yung superpowers niya ginawa ko na para lang malaman ko kung anung iniisip niya ngayon.

"kelan pa nauso yung salitang yun satin?" i'm starting to be a nagger but I don't care.

Hindi na sya nagresponse as if hindi nya ko narinig. "prepare yourself now malalate na tayo"

he stood up without saying anything.

"hey! Are you ok?" 

"i'm fine" matabang na sagot niya.

Lumabas muna ako sa kwarto niya para bigyan sya ng time ayusin yung sarili niya. Then after that i helped him fix his tie. 

"ready ka na?"

"kinakabahan ako." this time natawa na ko sa kanya. Kaya pala.

"may nakakatawa ba?"

"wala naman . Wag kang kabahan. You look handsome" hindi ko sinabi yun to make him feel better. Actually, ang gwapo niya talaga. Lalo pa ngayon na ang formal niya tignan. He was wearing a white long sleeves and a black na tie with matching black coat. At syempre slacks.

[Zeke's POV]

Pitumputpitong puting tupa!! Kinakabahan talaga ako. Hindi ko alam kung bakit pero parang gustong kumawala ng puso ko sa ribs ko. Ang bilis ng tibok e. Kahit nandito pa lang kami sa backseat ng sasakyan nila.

"Kinakabahan ka pa rin?" tanung sakin ni Yannie.

"Stop asking the obvious Yannie" Nakng!! Napapaenglish na ko. English kasi siya ng english e. Yan tuloy nahawa na ko.

"Naaaaksss!! Ganyan pala epekto sayo ng kaba! . hahahaha. Don't worry Zeke. I'm at your back" with that, tinapik niya ko sa balikat.

Nanahimik lang siya saglit tapos kinuha niya yung kamay ko and start pressing my palm. 

"para saan yan?" 

"para mabawasan yang kaba mo." 

 ginawa niya yung hanggang tumigil yung sasakyan.

Nung huminto na yung sasakyan, binuksan ko na agad yung pinto sa tabi ko bago pa ko ma-glue sa kinauupuan ko.

Paglabas ko.. 

WOW! . Just WOW. 

Nakikita niyo ba sa TV yung mga taong kunwari galing sa probinsya tapos biglang dating sa Maynila? Nakakahiya mang aminin pero ganun yung itsura ko ngayon. this is more than I've ever imagined. Di ko inexpect na ganito pala to kaganda.

STATUS: Waiting, Hoping and Praying (COMPLETED)Where stories live. Discover now