Chapter 3

1.5K 21 0
                                    

Sa totoo lang, hindi ko naman talaga alam bakti kami nagmamadali. Hindi naman aalis yung studio e. Buti sana kung may paa yun.

“Maalala ko Lance, classmate mo si Christian? Parang ngayon ko lang kasi siya nakita.” Sabi ko sa kanya pagsakay namin ng jeep.

“Oo pero ngayong second sem ko lang siya naging classmate.”

“ Ah. “

“Interesado ka sa kanya?”

“ Hindi ah. Pag tinanung interesado agad? Di pwedeng curious muna?  Asa naman. Pero may itsura siya.” Parang ang defensive ng sagot ko pero yun talaga yung totoo.

Gwapo naman talaga si Christian tska mukha pa siyang gentleman. Pero totoo rin yung sinabi kong hindi ako interesado sa kanya.

“Manong Para.” Pagkasabi nun ni Lance, saka ko lang napansin na hindi na pala niya ko sinagot. Parang badtrip nanaman siya. Hay naku. Parang lagi siyang meron. Tapos ngayon ang bilis nanaman niyang maglakad parang wala siyang kasama.

-____-

"oyy!! Bagalan mo namang maglakad." 

*no response.

"parang wala tong kasama" 

*no response.

Inulit ulit ko yan kaso wala pa rin siyang response. So instead of running para maabutan siya, naglakad na lang ako ng normal. Di naman ako mawawala kahit di ko siya sundan.

Pero mas madali pang sundan siya kahit mabilis siyang maglakad kaysa naman sundan yung pabago bago ng mood niya.

Pagdating namin ng studio, kumpleto na sila. Now I know kung bakit kami nagmamadali.

“Andito na kami” nilapag ni Lance yung bag niya so I do the same thing.

“Bakit ngayon lang kayo?” yung tono ni Kirby parang di ko maexplain kung galit ba o ewan.

“May pinuntahan lang kami. Tara practice na.” tuloy tuloy na sinabi ni Lance.

Ano bang problema ng lalaking to? Di ba niya alam na napapagod pa ko? Hello, galing kaya kami sa initan.

“Wait lang. hihinga lang ako” hindi ko na napigilan yung sarili ko na kontrahin siya. Nakakainis na kasi. Napaka selfish niya, kung kila Kirby ok lang na magpraktis na agad, sakin hindi.

“Kanina ka pa humihinga” sagot sakin ni Lance habang tinotono niya yung gitara.

Aba! Pilosopong to. Kalma Trixie, kalma. Ok naman kami kanina e. Tapos ganito nanaman. Pinili kong wag ng magsalita. Wala lang ako sa mood makipagtalo.

“Uminom ka muna. It will make you feel better” inabot sakin ni Seth yung isang bote ng mineral water.

“Thankyou” Buti pa si Seth naiintindihan yung nararamdaman ko.

Pagkatapos kong uminom, tumayo na ko para ayusin yung drums. Kahit na ako lang babae dito, ayoko naman na umastang prinsesa. Sobrang init lang talaga kanina kaya gusto ko lang icompose muna yung sarili ko.

“Alam mo na ba Trix na ikaw kakanta nung pinaka song sa kasal ni Ate Ianne?”

“Ako lang ba? Hindi ba dalawa kami ni Lance? Tska ano bang kakantahin?” sunod sunod kong tanung kila Kirby

“Oo dalawa kayo. Hindi ba pwedeng duet? “ halatang halata yung pang-aasar nung boses ni Seth,

“E anu ba kasing kanta? Baka naman hindi bumagay yung duet dun”  hanggang ngayon, gusto ko pa rin tumakas sa katotohanang ako yung kakanta.

STATUS: Waiting, Hoping and Praying (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon