Chapter 14

965 13 2
                                    

Lance’s POV

12am pa lang gising na ko. Ang lakas ng tibok ng puso ko super. nagsimula yung araw na to ng hindi ko alam kung ano yung iasagot niya sakin

Pero alam kong matatapos ito na malalaman ko na kung ano.

Gumising akong kinakabahan..

Matutulog ba kong masaya?

malungkot?

Basta ang alam ko, ito na to. Wala ng atrasan.

**ting ting ting ting ting ting ting ting ting ting ting.

9am na. what?? 9am na? Ang aga ko kasing nagising kanina e. PSH!

Pumunta ako sa walk-in closet ko sa cabinet tapos may nakita akong paper bag sa gilid.

Note: Gamitin mo to mamaya. :) Don’t worry, nalabhan ko na yan . :* -Ianne

Ang sarap ng feeling na suportado ka ng mga tao sa paligid mo.

Kinuha ko yung cellphone ko at andami ng mga text. oo alam ko na 8am yung usapan, pero 9am na ngayon at hindi pa ko naka ayos.

Mga 10am umalis na ko sa bahay. Nahahawa na ata ako kay trixe sa pagiging late niya. Masama to.

Pumunta na ako sa venue na pinili at inayos ni Ate Ianne. Basta mga ganitong bagay taalga magaling ang mga babae. Makaayos na lahat ng dapat iaarrange. Pati yung mga instruments na gagamitin namin. Inayos na din yung mga kurtina at mga tela. Basta ang hirap iexplain. Open area kasi to na parang garden. Gagamitan na lang ng lights yung mga puno mamaya/ Basta, bahala na si Ate Ianne. I trust her

“Nervous?” biglang nagsalita si Kuya Jhake sa tabi ko.

Tumango lang ako sa kanya.

“Wag kang mag-alala, Ganyan din yung naramdaman ko kay Ianne dati” tapos tinapik niya ko sa balikat.

Sana gaya ng kanila yung kahantungan nitong preparation na to.

“Lance, naiwan mo ata to kahapon” sabi ni ate Ianne.

Ay oo nga pala yung relo ko. Pero bakit parang basag yung salamin?

Bahala na. Sinuot ko pa rin kahit ganun.

3PM. Dumating na yung apat na kaibigan ni Trixie.

“Oh Lance di ka pa nakayos?” tanung ni Jannah.

“Dapat mag-ayos ka na.”

“OO nga para hindi na maka-hindi sayo si Trixie”

Last three hours para magprepare. Sabi ko nga babae kasi sila e. Matagal magprepare.

“Bahala na kayo dito ah. “

Pagdating ko sa bahay, inayos ko na yung sarili ko.

Konting gel, pabango tapos sinuot ko yung binigay ni Ate Ianne.

White sya na may collar tapos papatungan ng black na parang jacket na may collar din Tapos slacks.

Habang inaayos ko yung sarili ko, biglang pumasok si Mama ng kwarto ko.

Inayos niya yung collar ng damit ko tapos hinarap ako sa kanya.

“Binatang binata na yung anak ko ah. Godbless anak. Baunin mo ang suporta ko” sabi niya sakin habang inaayos yung buhok ko.

I don’t care if you will say na Mama’s boy ako. Maybe I am. Pero sino bang nagluwal sakin? siya naman di ba?

“salamat Ma. Panu mo nalaman?”

STATUS: Waiting, Hoping and Praying (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon