Chapter 45

795 10 6
                                    

[Zeke's POV]

"yes Sir, we will finish the contract tomorrow so that we can start the project as soon as possible" sabi ko habang nakikipagshake hands sa isang investor.

"you are really an intelligent kid. Di nagkamali si Lucio ng pagpili sayo as his heir"

heir? No way. One year or two, siguradong wala na ko dito. Yannie will take over. Sa kanya naman talaga to eh.

Ngumiti siya bago umalis.

"Sir, bukas pa po yung next na meeting niyo for now po free na kayo"

tinaasan ko ng kilay yung secretary ko.

"uhmm.. Sorry Sir. Hindi naman sa minamadali ko kayong umuwi. Kasi ano.. Ano po kasi"

"say it"

"pwede na po bang mag-out na hindi magiging half day yung sweldo ko? Kasi po si Arki iniwan kong nilalagnat eh. Yung sweldo ko po nakasanla na sa mga gamot niya"

"ok you may go now. Wala ka na rin namang gagawin dito" kinuha ko yung wallet ko sa bulsa at kumuha ng 2,000. "eto oh. Pambili ng gamot tska kung anong gusto niyang kainin"

"naku sir, wag na po. Ok na po yung pauwiin niyo ako ng maaga"

"I don't accept no for an answer. Afterall, this is not for you. This is for your son"

"naku sir Zeke, salamat po. Salamat po talaga. Simula ng nagtrabaho ako dito, wala na po kayong ibang pinakita kundi puro kabutihan. Tama po sila, ang swerte ng girlfriend niyo"

"magiging girlfriend" I said thinking about Trixie.

"ay sorry Sir. I stand corrected. Sige po. Mauna na po ako ha"

kinuha niya yung bag niya saka nagmadaling lumabas sa pinto.

She's a nice girl. Ewan ko kung bakit iniwan pa sya ng Daddy ng anak niya. Yes, she is a single mom na bumubuhay sa 3-year old na bata.

Hanga nga ako dyan eh. Todo kayod para sa anak niya. At maliban sa pagiging career woman, she is also a mom and a dad at the same time.

Naisip ko tuloy bigla si Trixie. If ever she will chose to marry me, I will not let her experience the same thing.

Kinuha ko sa table yung cellphone ko. Kung may makakakita lang siguro sakin ngayon, iisipin nila nababaliw na ko. Pag nakikita ko kasi yung wallpaper ko, I can't help but to smile. We really look good together.

I long pressed number two.

"the number you have dialled is either unattended or out of coverage area. Please try your call later"

simula kaninang umaga walang nagbago sa sinasabi ng operator. Ano kayang nangyari dun kay Trixie.

Nag-isip ako ng mga pwedeng tawagan about Trixie. Una si Monica then si Seth. I dialled Seth's number. Tingin ko kasi mas capable syang sagutin yung mga tanong ko knowing na matagal na silang magkakilala ni Trixie.

[hello?]

"Seth. This is Zeke"

[I know. Anong kailangan mo?]

"pwede ba ko pumunta dyan?"

[Zeke, I'm busy. May tatlong project akong ginagawan ng draft ngayon. Next time na lang]

"ah okay."

bahala na nga. Tumayo na ko at inayos yung mga gamit ko. Wala naman na kong gagawin kaya pupuntahan ko na lang si Sir Lucio.

I took the elevator on my way down.

*ting!

Bumukas yung elevator para sa iba pang sasakay.

STATUS: Waiting, Hoping and Praying (COMPLETED)Where stories live. Discover now