Chapter 15

973 10 1
                                    

Lance’s POV

Trixie, binibigyan kita ng  sampung segundo para bumalik.

10

9

8

7

6


Umalis na sya. Bakit pa ba ako umaasang babalik sya.

5

4

Trixie. Please. Bumalik ka.

3

hindi na ba talaga magbabago yung isip mo?

2

kailangan ko na bang tanggapin na ayaw mo.

Ayoko man. Gusto kong pigilan yung oras.

Pero, 1.

Times up.

Nakatayo pa rin ako. Nakatingin sa lugar na inalisan ni Trixie.

Parang huminto  sa pag-ikot yung mundo ko.

Parang gusto kong bumuka na lang ang lupa, at kainin ako ng buhay.

O kaya umakyat sa bubong sabay talon.

Buong buo akong nakatayo ngayon pero parang pakiramdam ko pinupunit ako.

Binging bingi na ko sa katahimikan.

Ayokong umiyak. Ayokong ipakita sa kanila na nasasaktan ako.

Pero ang luha pala, parang puso. Di mo kayang kontrolin. Naramdaman ko na lang na tumutulo na yung luha ko pababa sa pisngi ko.

Ang sakit. Ngayon lang ako nakaramdam ng ganitong sakit. Di ko maipaliwanag.

Parang kinuha sakin yung buong mundo ko.

“Lance, Bro. Ok ka lang?”

“Lance, baka nabigla lang si Trixie.”

“maybe she have her reasons”

Andami pa nilang sinabi. Puro espikulasyon, pero wala kahit isa ang totoo.

“Hindi gumana yung plano natin.” ngumiti ako sa kanila. Pilit na ngiti. Kumpleto pa pala ang grupo ko.

STATUS: Waiting, Hoping and Praying (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon