Chapter 24

1K 14 7
                                    

Pagmulat ko ng mata ko, isang puting kisame nanaman yung nakita ko.

“gising na sya.” pamilyar yung boses pero hindi yun yung boses na gustong marinig. Hindi yun yung boses na hinihintay ko para maniwala akong panaginip lang ang lahat.

“Trixie, anak. Ok ka lang?”

gusto kong magsalita pero wala akong maisip na sasabihin. Ni ayaw gumalaw ng buong pagkatao ko. Wala akong maramdamang kahit ano pero paulit ulit naglalaro yung mga nangyari sa utak ko. I can see it living in my head. Yung sweetness namin kanina, yung paparating na sasakyan ni Lance, yung pagsabog.

“Trixie, magsalita ka naman oh”

“trixie may masakit ba sayo”

Utang na loob, hindi yung boses nila yung gusto kong marinig ngayon. Gusto ko ng marinig yung boses nya.

“trixie”

“trixie”

“trixie”

wala pa yung  tatawag sakin na Myrtle. At natatakot akong malaman na hindi ko na maririnig yun.

“maybe she use this as her temporary escape. Gaya nga ng sabi nyo, nakita nya kung panu sumabog yung kotse” narinig kong sabi nung I assume doktor.

“she became mentally mute”

“trixie please respond!” sabi sakin ni Mama pero di ako makasagot sa kanya.

“give her time. Baka hindi kinaya ng utak nya yung mga nangyari” sabi nung doktor.

Lumabas sila ng kwarto kaya si Seth na lang yung natira.

Hinawakan nya yung kamay ko.

“trixie, bilisan mong gumaling. Kakanta ka pa para kay Lance. That will be the last time na tutugtog tayo na buo yung banda natin”

di ko maintindihan. Buo pa yung banda namin? Wala na si Lance. At hindi na sya babalik.

“Seth” pinilit kong magsalita.

“Trixie,”

natatakot akong magtanung. Kasi di ko kayang malaman yung sagot.

“nasan si Lance?”

“trixie”

“sagutin mo yung tanung ko.” 

“Trixie” i heard his voice broke and I already know the answer. Hindi artista si Seth para umiyak sya ng walang dahilan.

Di ko na napigilan yung sarili ko. I cried harder than him. Andun ako, nakita ko yung pangyayari. Pero wala akong nagawa. Hinayaan ko syang mamatay ng ganun na lang. Wala akong nagawa para tulungan sya.

“Trixie”

He hugged me again. and i felt so vulnerable in his arms.

***

Nandito ako ngayon para magbigay ng last respect kay Lance. Pero di ko alam kung anung sasabihin ko. Hanggang ngayon di ko pa rin matanggap na wala na si Lance at parang pinupukpok ko sa utak ko na wala na talaga sya pag nagbigay ako ng last respect.

Marami ng tao nung dumating kami ni Seth. As in kulang yung space ng simbahan. yung iba nasa labas na. MAy mga nakita akong pamilyar na mukha. Mga kaklase ko nung high school at yung iba mga kaklse niya. Andito din sila Jannah, Jannine, Rachel at Leslie.

Nung nakita nila ko, yayakapin sana nila ako pero pinigilan ko sila.

“I’m fine”

I’m afraid na baka pag naramdaman ko yung mga yakap nila, hindi ko mapigilang umiyak.

STATUS: Waiting, Hoping and Praying (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon