Chapter 8

1.2K 15 3
                                    

And its driving me mad, I miss you so bad.

Pati ako nagising sa ringtone ni Trixie.

“Hello Ma? Opo. Ngek Andaya naman. Sayang. Sige hahanap ako ng kasabay. Babye po.”

Nagkunwari akong natutulog pa. Pero alam kong tumingin siya sa direksyon ko. haaaay!! Sana alam niya kung gano kahirap matulog sa sofa tapos wala ka pang kumot. (╥﹏╥) sana di na lang ako umalis sa kama. Wala naman akong gagawin sa kanya e. 

Pero alam ko sa sarili kong tama yung ginawa ko. It's my way of saying I respect her. Syempre lalaki pa din ako e. I have my needs. So Kaylangan ko talagang maging matatag sa temptasyon. At isa sa mga pinaka epektibong paraan ay yung iwasan ito.

nagdial sya ulit sa cellphone niya. Di ata uso sa kanya yung silent mode sa cellphone. Pati keypad may tone.

“Seth please answer the phone.” she murmured

Hindi ata alam ni Trixie na gising na din ako. Pero bakit tinatawagan niya si Seth?

“Seth please. I’m begging”

Hindi pa rin ata nya makontak si Seth kaya nilagay nya na yung cp dun sa side table.

“Lance”

“uhm?”

“magstay ka pa ba dito sa Batangas?”

“syempre” 

“ah cge ok lang. Matulog ka na ulit”

Bumangon sya ng kama. Tapos naramdaman kong inaayos na nya yung mga gamit nya.

“uuwi ka na?” tinanung ko sya. Expected kong hindi pa ung isasagot niya pero mali ako.

Narinig kong bumukas yung pinto.

“hoy! Sino kasama mo uuwi?”

“magcocommute na lang ako. ” naalarma ako sa sinabi niya.

“Hindi kasi nagrereply si Seth e.”

Ah so yun pala yun. Kaya pala nya tinatawagan si Seth kanina. Tapos nung hindi nya makontak saka nya ko tinanung. Oh well, My surname must be second choice.

“babye Lance” narinig kong sinabi niya.

“hintayin mo na ko mag-aayos lang ako.”

oo, second choice lang ako pero di ko sya pwedeng hayaang umuwi mag-isa. 

Pumunta na ko sa kwarto ko. Inayos ko lang yung sarili ko tapos nilagay yung mga gamit sa loob ng bag ko. 

***

“Sana hindi mo na lang ako hinatid kung ganyan lang din naman attitude mo sakin” narinig kong sinabi ni Trixie sa tabi ko.

“Katabi mo na kasi ako, si Seth pa Hinahanap mo” 

“e kasi, sinabi niya na baka umuwi na sya ngayon kaya sya yung tinawagan ko para at least wala na kong iistorbohin”

Di na ko nagsalita. Naiinis talaga ko. 

“LANCE! Ano ba? Stop the car”

napabilis na yung andar pala namin. Yung parang lumilipad na kami.

Hininto ko yung sasakyan tapos binuksan nya yung pinto.

“Subukan mong bumaba, iiwan talaga kita dito.” banta ko sakanya

“Then fine. Leave me here. I’d rather die here trying to find a way out than to be with you with that kind of attitude. MONSTER!” parang iiyak na yung boses niya pero galit.

STATUS: Waiting, Hoping and Praying (COMPLETED)Where stories live. Discover now