Chapter 10

1.2K 16 3
                                    

Lance’s POV

Wala pa sila Mama kaya yung maid lang namin yung sumalubong sa kin. Pagbaba ko ng mga gamit, kinuha ko agad yung cellphone ko. Tatawagan ko si Ate Ianne. Gusto kong malaman yung kwento nila ni Kuya Jerome?

Pero..

Guguluhin ko yung honeymoon nila para dun?

Binaba ko yung cellphone ko. Wag na lang siguro ngayon. Marami pa namang ibang oras e.

pagbaba ko ng cellphone ko sa table, biglang may tumatawag. Si Ate Ianne. 

“hello Lance?”

“oh Ate? Napatawag ka?”

“Pakisabi kila Mama na uuwi na kami sa isang araw. Di ko kasi sya makontak e.”

“Ah cge. Dito ka ba sa bahay uuwi? “

Baka hindi. Bakit Lance may kelangan ka ba?”

“gusto sana kitang kausapin.”

“sige Lance, pupunta ako dyan paguwi ko. Base sa boses mo, parang masyadong importante yan ah.”

“ok Ate. Oo importante to. At ikaw lang yung makakapaglinaw ng lahat”

binaba ko na yung phone tapos diretso higa. Ang sakit talaga ng spinal column ko. Di ko naman nararamdaman yung sakit na to kanina e. Ngayon lang. Parang aftermaths? O dahil mas nanaig yung saya kaya di ko naramdaman yung sakit? 

Kapit na kapit pa sakin yung amoy ni Trixie. Amoy na amoy ko yung pabango niya. Parang matamis na ewan yung amoy. Basta, amoy pang- babae. 

Speaking of Trixie, iniisip ko kung ano yung nasa isip nya habang nasa balikat nya ko. Honestly, that felt good. 

***

Namamalik mata lang ba ko o may babae talagang nakatingin habang natutulog ako? 

“Lance. Gising na” dun sa boses nya alam ko na agad kung sino yun. Oo nga pala ngayon yung uwi niya. Pero bakit ang aga naman?

“kamusta honeymoon? May pamangkin na ba ko?” umupo ako para mas kumportable.

“adik ka Lance. Yun ok naman. Para ngang di pa kami kasal parang dati lang. Parang boyfriend ko lang sya. Sweet pa din sya. Basta ganun. Anyways, hindi ako nandto para magkwento. Anung pag-uusapan natin?”

itatanung ko na ba? Panu kung di pa sya nakakamove on? Bahala na. Past is past naman na e. It’s now or never.

“Si Kuya Jerome. Gusto ko syang pag-usapan. Anung nangyari?” halata kong nagulat sya sa sinabi ko. Nanlaki yung mata nya. after ng mahabang panahon ngayon na lang ulit ata niya narinig yung pangalan ni Kuya Jerome.

Akala ko di niya sasagutin yung tanong ko kasi ang haba ng dead air pero Tumayo siya sa kama at tumalikod sakin. Nakaharap siya ngayon sa bintana. 

Ganun ba talaga kahirap ikwento yun? kaylangan niya pa ng air- support? 

 Nagsimula siyang magsalita.

“I never thought I will fall for Jerome. Ni hindi ko nga matandaan kung kaylan ko unang naramdaman yun e. Paggising ko na lang isang araw ganun na.”

Bumuntong hininga sya like she is trying to gain all the courage she have.

“nung narealize ko na na gusto ko na sya, no. Na mahal ko na sya, dun na nagsimula yung problema. Gulong gulo ako nung mga panahong yun. Lalo na nung nagsimula syang gumawa ng way para maging close kami. Ayokong maging close sa kanya kasi alam kong mas lalo lang titindi yung feelings ko sakanya. Tinago ko yung nararamdaman ko kasi natatakot ako na baka hindi worth it yung pagbaba ko ng pride. Baka hindi pareho yung nararamdaman namin, baka ako lang pala yung nagmamahal. And I’m afraid na baka ligawan niya lang ako kasi alam niyang sasagutin ko sya. Lance, the day na nakita sya sa dagat, hindi lang parang hinahati sa dalawa yung naramdaman ko. Para akong pinipira piraso sa sobrang sakit. Para akong nasa loob ng isang drum na puno ng tubig dahil hindi ako makahinga. Hindi ko man lang nasabi sa kanya lahat. Kahit sabihin ko sakanya nun kung gano ko sya kamahal, wala na. Hindi na nya yun maririnig”

STATUS: Waiting, Hoping and Praying (COMPLETED)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora