Chapter 25

1.1K 10 0
                                    

Ezekiel’s POV

Tok..tok..tok..

Tok.. Tok.. Tok..

Tok.. Tok.. Tok..

Bakit kasi umaasa pa kong sasagot sya? Haay! Di pa ko nasanay.

Binuksan ko na yung pinto. At nakita ko nanaman syang nakatayo dun sa bintana at nakatanaw sa malayo. Di kaya siya napapagod sa pwesto na yan? Bawat araw na lang kasi na ginawa ng Diyos, nakatingin siya lagi dyan. Kala mo naman laging may bago.

“Yannie, eto na yung breakfast mo”

no response. =_=

“Especially made yan ni manang. Alam nya kasing paborito mo yan”

no response =_=

“sige iiwan ko na yan dito ha. Pag tapos ka ng kumaen, babalikan ko na lang yung hugasin”

no response. =_=

Haay! She is really hopeless. 

Nilapag ko lang yung isang tray ng pagkain dun sa side table nya at umalis na kwarto niya. sana naman kahit minsan o kahit isang beses lang, lumabas ako sa kwarto niya na nilingon o kinausap man lang niya ko.

Sinalubong ako ni Manang pagbalik ko sa kusina.

“oh Zeke, kamusta?”

“hahaha. Umaasa pa ba kayo Manang na may pagbabago?”

sumimangot sya sakin at nagsalita.

“sumusuko ka na ba sakanya?”

“Manang naman! For the nth time sasagutin ko yang tanung nyo at last na to. syempre hindi. Hindi ako susuko sa kanya. Peksman. Mamatay man yung aso ng kapitbahay natin” tinaas ko yung kaliwang kamay ko na parang nagpapanatang makabayan.

Ngumiti lang sakin si Manang tapos ginulo yung buhok ko.

“sige Iho. Kumain ka na ng almusal dyan at alam kong kaylangan mo ng lakas para mamaya.”

umupo ako sa lamesa at sinimulang kainin yung mga pagkain dun. Gaya din to nung dinala ko kay Yannie kanina. Special fried rice na hindi na kaylangan ng ulam. Feeling ko nga pag natikman ng mga taga Chowking yung gawa nyang to, magkakandarapa silang kunin si Manang na maging chef nila. Triple kasi yung sarap nito sa chowfan nila. Hindi lang triple. 

Pagkatapos kong kumain, kinuha ko muna yung hugasin sa kwarto ni Yannie para sabay ko na lang silang huhugasan. Sayang kasi sa tubig. ^_^v

Hindi na ko kakatok. Kahit mapudpod naman kasi yung kamay ko kakakatok di rin naman sya sasagot. Baka color pink na yung uwak di pa sya nagsasalita ng “pasok”

kinuha ko dun sa table yung pinggan na pwede ng itaob sa sobrang linis at yung baso na may kalahati pang laman.

“di mo na ba iinumin tong gatas mo?”

“bibilang ako ng lima. Pag hindi ka pa sumagot—-“

pag di pa sya sumagot, anu nga bang gagawin ko?

“isa .. Dalawa .. Tatlo .. apat .. “ 

Hindi ko na pinaabot pa ng lima, wala talagang pag-asa.

Kung di lang talaga sinabi nila manang na nakakapagsalita si Yannie, iisipin ko talaga na pipi sya. Kahit minsan kasi di ko pa narinig yung boses nya. Di niya ba alam na madaming mga pinanganak na pipi na gustong magsalita pero sya sinasayang nya lang yung blessing na yun.

She is really unbelievable. Hindi ko alam pano sya nagsusurvive dun sa kwarto nya. Ang halaman nga kaylangan ng sunlight para mabuhay e, sya pa kaya? She looks really pale. 

STATUS: Waiting, Hoping and Praying (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon