Chapter 1

2.8K 24 7
                                    

Chapter one

I'm only up when you're not down

Don't wanna fly if you're still on the ground

It's like no matter what I do

Well, you drive me crazy half the time

The other half I'm only trying

To let you know that what I feel is true

And I'm only me when I'm with you

OHHH!! CRAAAAP! Bakit ba sa tuwing ang sarap sarap pa ng tulog ko, saka naman tutunog tong alarm clock na to? Inaantok pa yung tao e. =___=

I reached out for my cellphone sa side table para patayin yung alarm. 

"Di naman siguro big deal if I will extend my beauty rest for another five minutes right?" I mumbled  to myself.  In-off ko na yung alarm ng cellphone ko and placed it under my bed. Five minutes at promise babangon na talaga ako. I hugged my pillow back again and closed my eyes. 

bzzzz.. bzzzz… 

Ang agang istorbo lang? 

bzzz. bzzzz..

five minutes na lang please. five minutes.

tinanggal ko yung cellphone ko sa ilalim ng unan ko para atleast di na ko maistorbo at makatulog ako ng maayos.

And you know everything about me

You say that you can't live without me

I'm only up when you're not down

Don't wanna fly if you're still on the ground

It's like no matter what I do

Bigla nanamang tumunog yung ringtone ko. 

O_O

Pinatay ko na yung alarm ah? Ibig sabihin may tumatawag. Kung sino ka man, sana alam mo kung pano mo sinira ang umaga ko.  >0<

Inabot ko ulit yung cellphone ko na kakalagay ko lang ulit sa side table. Pero nung nahawakan ko na, saka naman umistop yung tunog. At 'one miss call' na lang yung nakita ko sa may screen with 15 messages received

From: Lance

Pangit !. Gising na. Bawal malate . :) 

Grabe makapangit tong lalaking to ha. Ang gwapo mo Lance ah. >____<

Salamat. salamat talaga.  ͼ(ݓ_ݓ)ͽ  

From: Lance

Hintayin kita sa LRT ng 6:30am ha. kukutusan kita pag nalate ka . :) 

sighed * kamusta naman yung integrity of time nitong lalaking to? Sobrang aga ng 6:30am. Ano ako guard? Hindi naman ako yung magbubukas ng school so bakit kaylangan kong gumising ng maaga? 

From: Lance

ang sakit walang reply. </3 

Yung ibang message puro blank na lang. Ayoko talaga ng 7:30am na pasok. Kailangan ko laging gumising ng umaga. Pano ba naman, ang layo pa ng lalakbayin ko. pero kahit ganun, di naman sumagi sa utak ko magdorm. Sabi nga, mas masaya ang byahe kaysa sa destinasyon.

Pagkatapos kong basahin at burahin yung mga walang kwenta niyang message, nireplyan ko na siya. Siguradong pag hindi ko pa siya nareplyan, mag faflood nanaman yun. 

To: Lance

Istorbo ka talaga! Alam mo bang nasa kalagitnaan ako ng panaginip ko sa crush ko? Tapos.. hay nako.. Ang sarap mong kutusan. >.<

STATUS: Waiting, Hoping and Praying (COMPLETED)Where stories live. Discover now