Epilogue

1.4K 49 3
                                    

Epilogue

Paano kaya kung sa isang iglap, bigla nalang maglaho ang lahat? Yung tipong nawala nalang bigla, nang walang pasabi, walang nakakaalam.

Paano kaya kung sa isang iglap, malaman mo na kasinungalingan lang lahat? Na sa imagination mo lang. Yung tipong purong kasinungalingan lang ang lahat at wala ni katiting na bahid ng katotohanan.

Yung pangyayari na, nasa dulo ka na. Nanalo ka, naging masaya ka, akala mo tapos na pero may iba palang plano sayo ang tadhana.

Na yung mga pangarap na nagsumikap ka para makamit ay mananatiling pangarap nalang.

Ano ba ang totoo?

Ito yung totoo. Wala namang nangyaring pagbabago. Wala ni katiting na nagbago. Sa kabila ng lahat, walang nagtagumpay.

Sa totoo lang? Isang lihim na lugar ang Asthalia na halos hindi makita sa mapa ng Mundo ng Mahika.

Ang mahirap na buhay sa Asthalia ay mananatiling mahirap.

Ang malupit na pamumuno ay mananatiling malupit.

Ang paparusa ay mananatiling pagpapahirap.

Ang walang kwentang pinuno ay mananatiling pinuno.

Ang dilim ng nakaraan ng Asthalia ay magpapatuloy sa kasalukuyan hanggang sa hinaharap.

Ang pagasa ng mamayan ay tuluyan ng naglaho.

Ang pagbabago ay patuloy na tinatanggihan sa takot na mabigo.

Ang pagibig ay mananatili sa hukay.

Ang pagdanak ng dugo ay hindi kailanman mapipigilan.

Ang mga duwag ay patuloy na nabubuhay sa pagtatago na siyang nakasanayan.

Ang mga mahihina ay patuloy na maapi.

At ang pagsuway sa utos ay itinuturing na kamatayan.

Ganyan kasama ang mundo, sobrang sama na miski katiting na kaligayahan ay hindi ka matatalsikan. Ganyan ang mundo, puno ng kasinungalingan.

Magsisimula ang lahat sa kamatayan at magtatapos din sa kamatayan. Yan ang buhay sa Asthalia, na miski ang pagbabagong dala ng tadhana ay walang patutunguhan. Yan ang mapait na katotohanan.

Sino nga ba ako? Ako si Axine o mas kilala bilang Asul. At sino ako para maghangad ng pagbabago? Isa rin ako sa kanila. Kabilang ako sa kanila. Isang mamatay tao, walang kwenta at hindi marunong umibig.

Ako, na minsan ay naghangad ng pagbabago. Sumubok at nabigo. At ang kamaliang iyon ang ugat ng lahat ng paghihirap na ito.

-

"Habulin niyo siya!"  Napatakbo ako ng mabilis dahil sa mga Helias na humahabol sa akin. Binigyang daan naman ako ng mga Thalians na walang balak mangealam sa mga nangyayari. Ilang kumpol ng Helias ang nagpapagod para lang mahuli ako.

"Aray!" Napahinto ako sa pagtakbo ng mabunggo ang isang batang Thalians. Marungis ang itsura nito at pinagtagpi tagping tela ang suot. Napakunot ang noo ko ng magsimula na siyang umiyak.

"Ayon siya! Hulihin siya!" Napalingon ako sa likod at papalapit na sila ng papalapit. Binalingan ko ng tingin ang bata na umiiyak na ngayon. Nasa edad pito o walo na ang batang babae na ito.

Mabilis ko itong kinarga at kaagad na lumiko sa isang pasilyo. Awtomatikong nawala ang cloak ko at tanging isang simpleng kasuotan ng isang mamayan ng Asthalia ang suot ko.

Asthalia [NOT EDITED]Where stories live. Discover now