Asthalia 37

664 25 2
                                    

Third Person.

"W.. what.. " halos hindi makabuo ng salita si Asul habang minamasdan ang itsura ng kaibigan. Pabalik balik ang tingin niya kay Azer maging kay Yarind na kapwa nasa harapan niya. Magkaiba nga lang ang sitwasyon.

Halos walang galos si Yarind, ganoon parin kayabang ang aura nito, ang ngisi niya na tila ba napaka perpekto. Habang si Azer.. ang pakpak niya..

"Long time no see, Asul." Casual na banggit niya at ibinaba ang mahabang katana na siyang pumutol sa pakpak ni Azer.

"Why did you do it?" Kalaunan ay tanong nito. Ngumisi lamang si Yarind. Hinabol niya ang sariling hininga dahil sa galit.

"I was thought how to." He shrug na para bang normal lang ang ginawa niya.

Sa Asthalia, kayamanan ng bawat isa ang kanilang mga pakpak. Bahagi na ito ng kanilang pagkatao, ala-ala, puso at kaluluwa.

Hindi gumagalaw at nanatiling nakayuko si Azer. Wala sa sarili, takot na takot ang itsura at gulat na gulat. Nanginginig ang mga kamay nito maging ang mga kanyang mga labi.

Sad to say, wala ng ibang paraan para bumalik sa dati ang pakpak nito.Aabutin ka ng mahigit sampong taon para lamang tumubo ng maayos ang pakpak ng isnag Thalians. Pero hindi na tulad ng dati. Mawawala ang pagkapuro nito, mawawala ang koneksyon maging ang kalahati ng kapangyarihan ay mawawala din. Pero may isa at katangi-tanging paraan para maibalik ito sa dati sa maikling panahon. And i guess, no one will dare to do that. It was sacred and painful.

Isang uri ng kamatayan sa mga Thalians.

"Why?" Nanghihinang tanong ni Asul sa kaibigan. Sa isang iglap, nawala ang mga kasamahan niya sa loob ng templo. Maging ang  dalawang kasama ni Yarind na mula sa Spade Seagles.

Hindi magawang magtanong ni Asul kung nasaan ang mga ito,  kung saan sila napunta, kung anong nangyari. Kung bakit ganito.

Sa isang malawak na patag na lugar, kung saan pinalilibutan sila ng iba't ibang klase ng nilalang na humihingi ng isang madugong labanan, naroon sila sa gitna, magkaharap. Binabasa ang emosyon sa mata ng bawat isa.

Umaasa na sa simpleng titigan na iyon, at sa pagkakaharap nila ay mabibigyan ng kasagutan ang walang katapusan na mga katanungan.

Na sa pagpapakita ng kaibigan niyang gabi-gabi niyang hinihiling na makita, mapupunan nito ang espasyo na blanko sa puso niya. Hindi niya magawang ibuka ang mga bibig para magtanong.

"Ang pinal na labanan ay magsisimula na! Sa pagitan ng Asther ng Spade Seagles at Black Asther! Simulan na!"

Pero walang kumilos sa dalawa. Nanatili itong nakatitig sa isa't isa. Pilit pumapasok sa bawat isip, pilit kinokontrol ang bawat emosyon.

"I'm glad you're safe.." mahinang banggit ni Yarind sa kanyang isip. Kung hindi dahil kay Axine ay hindi siya maglalakas loob na sumabak sa ganitong klase ng labanan. Katulad niya, iisa lang ang layunin nilang lahat. Ang maituwid ang baluktot na pamamalakad sa Asthalia.

"What happened.. to you?" Tanong ni Axine gamit ang nanginginig na boses. Her voice almost crack habang pilit iwinawaksi sa isip ang sitwasyon ni Azer. Na si Yarind ang may gawa.

Bago pa ito makapagsalita, umugong ang buong arena. Malalakas na hiyaw, sigaw, cheer ng iba't ibang nilalang. They started to demand something from them. They want fun, a way kind of fun.

At sa isang iglap, nawalan ng emosyon si Yarind na siyang kaharap ni Axine. Axine's eyes are full of unknown emotions. Pagaalala? Pagtataka? Galit? Pagsisisi? Name it all.

Asthalia [NOT EDITED]Where stories live. Discover now