Asthalia 04

1.7K 72 10
                                    

Asthalia 04

Nagising ako dahil sa biglaang lamig na dumikit sa katawan ko. Malamig na tubig ang naramdaman ko na bumasa sa buong katawan ko. Mahina akong napadaing dahil sa hapdi ng sugat ko sa katawan. Kapag ako nakawala sa kadenang to, lahat sila maggiging abo.

Mariin kong ipinikit ang mga mata. Nakatali ang mga kamay ko paitaas kaya malaya nila akong napapahirapan. Halos hindi na dumikit ang paa ko sa mismong sahig. Magulo ang pula kong buhok, puro sugat at galos ang katawan at may ilang dugo pa na natuyo sa balat ko. Kahit binuhusan nila ako ng malamig na tubig ay hindi naalis ang mga bakas na iyon. Pagod na ako at nagugutom. Gusto kong sumuko pero hindi ko kaya.

Paano nga ba ako umabot sa ganito? Paano naging ganito ang kalagayan ko? Sa sobrang tagal ay hindi ko na maalala. Sa bawat paghampas ng latigo o kahit na anong sandata sa katawan ko, unti unting namamanhid maging ang mga ala-ala ko sa mga nangyari.

"Leave us alone."

Nag angat ako ng tingin at pilit na idinilat ang mga mata ng makarinig ng isang matigas at buo na boses.

Mabilis na naramdaman ko ang pagkawala ng  prisensya ng mga Helias. Tanging isang mabigat na prisensya ang naramdaman ko.

"Pamilyar ang mga boses mo.." halos bulong nalang nabanggit ko. Bumigay narin pala maging ang boses ko.

Nagangat ako ng tingin hanggang sa  luminaw ang paningin ko at malinaw na rin kung sino ang nasa harapan ko. May tatlong itim na hikaw sa kaliwang tenga nito. Itim ang mga mata, kakaiba at nakaka akit.

"Ikaw," Napangisi ako at nagbigay ng nakakalokong ekspresyon. "Paano naman napadpad ang isang tulad mo sa ganitong klase ng silid?"  Nanunudyong tanong ko bago dumura ng dugo sa kabilang tabi.

"Gusto kitang makita." tumitig siya sa akin na nakapalaki ng ngisi ko.

"Sa ganitong klase ng situation? Nag papatawa ka ba?" Tumikhim ito at tumitig sa mga mata ko.

"Hindi. Seryoso ako, Axine." Natigilan ako sa pagsambit nito ng totoo kong pangalan.

"Azer, paano mo nalaman ang pangalan ko?" Seryosong tanong ko, napapikit ako ng mariin ng bigla nalang umikot ang paningin ko.

"Ang gandang pakinggan na pangalan ko kapag nangagaling sayo." Hindi siya umalis sa kinatatayuan niya, muli akong tumingin sa kanya.

"Malakas ka para makapabilang sa grupo ko." Grupo? Nakita ko sa palapulsuan nito ang isang tattoo. Anchor siya na dalawa, magkatabi tapos isang arrow ang pinakagitna. Maliit lang ang tatoo kung maituturing.

"Hindi ako papayag na maging parte ng Black Asther." Mariing banggit ko pero nginisihan niya lang ako. His eyes were cold. Damn cold.

"Iyon lang ang tanging paraan para makaalis ka sa impyernong silid na ito."  Umiling iling ako sa sinabi niya.

"Wala akong balak tumakas." Taas noong banggit ko, nandilim ang mukha niyang nakatingin sa akin.

"Dalawang linggo ka na sa itim na silid na to at pinahihirapan ng walang tigil,  malakas ka kasi nagagawa mo pang ngumisi sa kabila ng kalagayan mo ngayon. And I just want to tell you, Icey is in my hand now." 

Natigilan ako. Hindi dahil sa sinabi niya kundi sa paraan ng pagsasalita niya. Marunong pala siya ng tagalog at sobrang bihasa kasi malalalim na salita ang sinabi niya.

"Wala akong paki-alam kay Icey." Mariing banggit ko. Alam kong may plano ang babaeng iyon ang hindi ko alam ay kung bakit siya
napasailalim sa kamay ni Azer.

"But I know you want to see your father." Nahinto ako sa sinabi niya.  Si Ama.

"Ligtas ba siya?" Tanong ko pero tinalikuran niya ako. 

"Sumali ka at malalaman mo." Sumama ang tingin ko sa katawan nitong nakatalikod.

"Rayver Azer." Banta ko. 

Hinihingal na napayuko ako. Hindi ko magamit ang kapangyarihan ko para alamin kung nasaan si Ama. Napailing iling ako at hindi na nag angat ng tingin ng makaramdam ng prisensya. Mukhang wala akong ibang pagpipilian. Gusto kong makita si Ama, si Yarind at malaman ang lahat.

"Asul," nag angat ako ng tingin. Suot ang magarang kasuotan, nakatayo ito sa harapan ko. Tila ba isang kagalang-galang na reyna.

"Masdan mo ang ipakikita ko sayo.." nakangiting sambit niya. "Nagdaan na ng dalawang linggo ngunit wala paring pinagbago ang ugali mo Asul. Ngayon tingnan natin kung hindi ka pa papayag sa kasunduan. "  Matalim na tingin ang ibinigay ko sa kanya na tinawanan niya lang.

Napakunot ang noo ko nang lumabas ang isang imahe sa harap ko, nakita ko ang higit sampung batang babae na nasa edad dalawa pababa ang hawak ng mga Helias at walang awang pinaslang ito sa harap ng kanilang ina. Hindi alintana ang sigaw at hinagpis ng kani-kanilang pamilya. Nawala ang imahe sa harao ko at pumalis doon ang inosenteng ngiti ng reyna.

Naikuyom ko ang kamao ko.

"Wala kang kwenta." Blankong banggit ko.

"Pakawalan mo ko at papatayin kita." Mapanganib na sambit ko.

Pinilit kong gamitin ang kapangyarihan ko, sunod sunod ang naging pagilaw ang kadena na nakakabit sa mga braso ko. Pinipigilan nito ang paglabas ng kapangyarihan sa katawan ko.

"Hindi lang yan ang kaya kong gawin, alam kong hindi makakaya nang konsensya mo na maraming mawalan nang buhay dahil sa pagtanggi mo binibini." Nakangising sabi niya.

"At sa tingin mo ba makakawala ka sa kadenang iyan?" Taas noo at masamang tiningnan ko siya.

"Oo." Mariing bigkas ko at sabay na nabasag ang kadenang nakakabot sa akin. Kusang lumitaw sa katawan ko ang asul na cloak. Napaatras siya dahil sa gulat at takot na mababasa sa kanyang mga mata. Inayos ko ang tayo ng muntik na akong mawalan ng balanse. Tumulo ang pawis sa noo ko, masyadong malakas ang mahika na nakakabit sa mga kadena kaya hindi ko iyon inasahan.

"Ngayon, kaya na kitang patayin."

Naging abo lamang ang mga Helias na nagtangkang hawakan at lapitan ako. Tumigil ako sa pag hakbang paabante ng macorner ko ang reyna sa pader at nginisihan.

Lumitaw sa mukha ko ang itim na maskara na siyang tumatakip sa kanang bahagi ng mukha ko.
Kaya ko pa... kaya ko pang tumayo ng matuwid. Maglakad, makipagusap at umakto na wala lang ang sakit ko sa katawan. Kaya ko.. kakayanin ko.

"Matatapos ka na ngayon." Diretso ang tingin ko sa kanya na ngayon ay nanginginig na. Hanggang sa may tumutok na patalim sa leeg ko, at ramdam ko ang mababaw na pagbaon ng matalas na patalim na iyon.

"Isang maling galaw at patay ka at  ang iyong ama." 

--
Edited.

Asthalia [NOT EDITED]Where stories live. Discover now