Asthalia 34

653 21 0
                                    


Huminga ako ng malalim. Nasa harapan namin ang isang malaki at itim na bakal na pinto. Isa isa kaming papasok doon. Pormal na nilang sinimulan ang laro. Mula sa kinatatayuan ko, rinig na rinig ko ang malalakas na ungol at ungong ng mga nilalang na nandito, mga hayuk na hayuk sa dugo at patayan.

Hindi nalalayo sa itsura ng Saxony sa tuwing may pinaparusahan. Mariing ipinikit ko ang mga mata, at ikinuyom ang kamao. Nanumbalik sa ala-ala ko ang pagpaslang ko sa 50 na thalians. I silently bit my lowerlips.

Unti unting bumukas ang bakal na pinto, mas lalong lumakas ang hiyawan at ingay. Muli kong minasdan ang maulap na kalangitan. Pumasok ako sa madilim na lugar na iyon, maging ang mga kasamahan ko.

Naramdaman ko ang paghawak ni Azer sa mga kamay ko kaya marahang pinisil ko iyon bilang assurance na magiging okay lang ang lahat. Hindi ko alam kung bakit sa akin nanggaling ang bagay na iyon.

Napalingon kami sa pinto ng marahas at malakas na bumagsak iyon pasarado. Walang pagiingat, nagsanhi pa iyon ng bahagyang pagyanig. Biglang tumahimik ang paligid at para bang nasa isa kaming kawalan. Walang patutunguhan.

"Maging alerto kayo sa paligid. Hindi natin alam kung ano ang susunod na mga mangyayari." Sambit ni Avier na alerto. Binitawan ko ang kamay ni Azer, napatingin siya sa akin pero iniwas ko ang tingin. Ano bang ginagawa mo Axine?!

Naglakad kami sa kawalan. Wala na ang ingay ng paligid, nakakabinging katahimikan patungo sa kawalan. Hanggang sa bigla nalang lumiwanag ang paligid, napapikit ako at kusa akong prinotektahan ng pakpak ko sa marahas na liwanag.

Ng maka-adjust ang paningin ko, bumungad sa amin ang malawak na City. Mundo ng mga tao. Kumunot ang noo ko, bakit kami nandito?

"Virtual Reality, mula sa Isolde." Napatingin ako kay Azin na bigla nalang nagsalita. Nakatanaw ito sa mga tao sa ibaba.

"Pamilyar ako sa ganitong taktika kasi minsan na akong napadpad sa Isolde. Ang mundo ng virtual games at virtual world."  Kagaya niya ay napatingin kami sa baba kung nasaan ang kumpol ng mga taong walang kamalay malay.

"Anumang mangyari, nasa isa tayong mirror society. Lahat ng ito ay virtual at walang kinalaman sa mundo ng mga tao. Hindi sila maaapektuhan, hindi sila masasaktan." Muling paliwanag nito.

Mula sa kinaroroonan naming rooftop, kung saan tamaw namin ang lahat. Lumitaw sa harapan namin ang isang malaking screen. Nakaramdam ako ng hapdi sa wrist ko kung saan nakaukit ang Black Asther. Matingkad ang kulay itim na tinta na iyon, na para bang pinaso at sinadyang i-ukit sa balat namin.

"Matagumpay! Simulan na ang laban!" Ipinakita sa screen ang apat na grupo pa naming kaaban na nasa kanya kanyang rooftop katulad namin. Maikli lamang iyon at napalitan ng mga hayuk na itsura na nanunuod sa Arc Circle.

Marahil ay nasa Arc Circle parin kami at ilusyon lamang ang lahat ng nandito. Napaharap kami sa isa't isa. Tumango si Austin sa akin na agad ko namang tinugunan.

"Walang mamatay." Halos sabay sabay na sambit namin kasabay ng pagbuka ng kanya kanya naming mga pakpak.

Lumitaw sa isip ko ang imahe ng mga Thalians na umaasa sa amin, para mabago ang pinuno, para bigyan ng buhay ang Asthalia. At sa abo't ng makakaya ko, para kay Ama at Yarind, sisikapin kong magtagumpay. Kasama ng mga taong nasa paligid ko. Huminga ako ng malalim at agad na ipinagaspas ang mga pakpak palipad.

Ang kailangan lang namin ay mapatay ang mga kalaban namin, in which, mapatalsik sila sa mismong laro. I bit my lowerlips. Mabilis na nawala ang mga kasama ko.

"Axine, anuman ang mangyari, mahal kita." Natigilan ako ng humarang sa harapan ko si Azer. Ang mga mata nito, hindi ko kayang tingnan siya ng diretso. Hindi ako makapagsalita hanggang sa umalis na siya. Naiwan akong magisa dito. Sorry Rayver Azer. Dapat sinunod ko nalang yung sinabi ni Azin.

Nagpatuloy ako sa paglipad. Naghahanap ng pwedeng makalaban. Pwedeng patayin.

"Pwede ng pagtiisan to," napalingon ako sa likod ko dahil sa nagsalita. Dalawang miyembro ng Hearts ang nasa harap ko. Kapwa may hawak ng pulang latigo, at masama ang tingin sa akin.

"Hindi ko inaakala na ikaw ang mauuna naming makita, Asther." Hindi ako nagsalita bagkos ay itinago ang kamao ko sa likod ko.

"Tingnan mo kung sino ang nandito," napaatras ako ng lumitaw sa gilid ang hindi ko maalala kung taga saan. Dalawang lalaki, asul ang mga pakpak. Pahaba ang mga tenga.

"Sayang pre, mga chicks pa naman." Tila nanghihinayang na bamggit nung isa. Ipinikti ko ang mga mata at hinawakan ng mahigpit ang arrow ko. Nanatiling nakasabit sa balikat ko ang bow nito.

Walang salita na ibinato ko iyon sa isa sa mga miyembro ng Hearts at lumipad paitaas. Agad nila akong nahabol. Hinila nito ang buhok ko at napaatras ng tadyakan niya ako sa tiyan. Magbabayad kayo. Sa isang iglap, naging abo ang babaeng iyon sa harapan ko. Naiwan ang gamit niyang lumulutang sa ere.

"N.. nakita mo yung mga mata niya pre?" Naghi-hestirikal na banggit nung isa sa mga lalaki. Tumayo ako ng maayos at ipinagaspas ang pakpak ko pabulusok sa kanila. Gamit ang arrow, ipinadaan ko iyon sa kanilang mga leeg.

Hindi na sila nakapagreact dahil sa gulat na makita ang mga mata ko. Sa kabila ng maskara na suot ko alam kong tumingkad ang kulay ng mga mata ko.

Habol ang hiningang binalingan ko ang dalawang lalaki na bumagsak sa simento. Sabog ang bungo at pinagkakaguluhan na ng mga tao sa ibaba. Serves them right. Mahigpit na hinawakan ko ang palaso na may bahid ng dugo ng dalawang iyon.

"Look who's next." I grin.

"You're a monster!" Sigaw niya na gulat na gulat sa ginawa ko. Walang pawis na natapos ko ang tatlong iyon. Lumapit ako, mabagal pero sigurado.

Hindi ko inalis ang mga tingin sa mata niya. Puno iyon ng takot. Punong puno ng takot. Tuluyan akong nakalapit, lumipad ako sa likod nito at inilapit ang bibig sa tenga niya.

Marahan na idinikit ko ang dulo ng arrow sa leeg niya at walang sabi na malakas iyong itinarak doon. Tumalsik pa sa mukha ko ang dugo na bumulwak mula sa leeg niya.

Nanatili akong nakatayo at muling dinukot ang arrow bago ibalik iyon sa kinalalagyan niya sa bewang ko.

Minasdan ko ang dilat nitong mata na mahulog sa simento. Hindi ako gumalaw, hindi ako nagkomento. Tumingin ako sa screen na alam kong nakamonitor at nakita ng lahat ang gianwa ko. Wala sa wisyong ngumisi ako do'n.

Ito ang totoong ako. Nabuhayan akong muli ng dugo at oara bang gusto ko pang makakita ng dugo mula sa hinang hina at walang kalaban laban nilang katawan.

Napatingin ako sa wrist ko ng gumihit sa ibaba ng Black Asther ang numero na 65. Matingkad. At kasabay no'n ang muling pagilaw ng screen. Nandoon ang mukha ko, nakataklob ang asul na cloak sa ulo ko at nakasuot ng maskara. Ang imahe kung saan hawak ko ang arrow na may bahid ng dugo.

At ang mga pangalan at itsura ng mga taong pinatay ko. Ang itsura nila ngayong patay na sila ay naka flash din sa screen.

Napangisi ako doon lalo na ng makaramdam ng excitement sa loob ko.

--
Rye's note: hoping to finish this soon.

Asthalia [NOT EDITED]Where stories live. Discover now