Asthalia 19

1K 32 0
                                    

Asthalia 19

I took a deep breath bago ipinikit ang mga mata. I need to kill 50 Thalians. Kung masasama ang mga ito, kaya ko. Pero kung mga inosente? Ugh. Di ko yata kayang gawin-- pero si ama, si Yarind.

Minsan naisip ko, may pagasa kayang mabago ang Asthalia? Paano kaya kung hindi dugo ng nga purong Thalians ang tanging makakapagpatakbo sa Asthalia? Paano kaya kapag wala ng palaro sa Arc Circle? Paano kapag wala ng Asther? Paano kapag wala ng grupo grupo? O ang mas maganda at maiksing tanong..

Paano kapag napalitan ng may puso ang Hari at Reyna ng Asthalia, may mababago kaya?

Hindi kaya malalayo sa akin si ama at Yarind? Wala kayang komplikasyon na mangyayari? Tahimik parin kaya akong natutulog sa mga oras na to?

Nagpakawala ako ng malalim na buntong hininga. Necrokinesis, yan ang kapangyarihang napunta sa akin. May abilidad akong pumatay sa loob ng O.O3 seconds kahit gaano pa ito karami.

Pero may limitasyon at side effects. Ewan ko nga kung bakit hindi ko magawang patayin ang hari at reyna. Pag pinatay ko sila, maraming thalians ang magiging sakim sa trono at kayamanan. Wala ng susundin ang Helias at wala ng pangkabuhayan. Wala ng magdidikta.

Kaya kahit mali ang pamamalakad nila, hindi ko parin ito magawa. Hindi ko magawa kasi hindi ko kaya.

Asthalia is a very beautiful place. Kung aayusin lamang ito. Most Thalians have no heart. Literally. Ang mga purong Thalians ay walang mga puso. Literal na wala. Nabubuhay sila gamit ang isang 'chip'--yan yung tawag namin sa organ na wala sa mga tao.  Nakalocate ito sa likod ng kaliwang tenga at sa kanang bahagi ng leeg.

Pero ako? Hindi ako purong Thalians kaya may puso ko literally. Have wings at may kakayahang lumipad. I have wings kasi kalahati ng dugo ko ay dugo ng mga agila. Agila ang tawag sa lahi ng mga kalahating ibon at thalians.

Pati narin ang iba pang pinagkalooban ng rare at malalakas na kapangyarihan ay may halong dugo. Kaya combination ng ibat ibang kulay ang mga pakpak nila. Pakpak ang basehan. Well, si Icey ay isang purong Thalians kaya purong puti ang pakpak niya-- katulad ng iba. Pero meron siyang kakayahan na magagamit at malakas.

Mostly ng mga purong Thalians ay puti ang mga pakpak.

Bumangon nalang ako at napagisip-isip na lumabas. Hindi na bago sa akin ang magisa. So why bother? Napahinto ako sa paglalakad ng marinig ang simpleng usapan sa sala.

"What do you think? May plano nanaman ba ang hari?" Boses ni Avier

"I don't know. Si Asul lang ang pinatawag two days ago. At mula nun, hindi na siya lumabas" Si Azin naman ang nagsalita ngayon.

"Dapat na ba tayong maghanda? Ang hindi pagpaparamdam sa atin ng hari sa loob ng mahigit isang linggo ay hindi normal." Si Avier nanaman.

"One thing is sure. Something came up." Ang malamig na boses ni Icey ang tumapos ng usapan nila sa baba.

Huminga ako ng malalim at bumalik nalang sa kwarto. This is better. Hanggang ngayon pala ako parin ang pinaguusapan nila just like two days ago.

Two days ago naganap ang paguusap namin ng hari kung paguusap ba ang tawag doon. At two days na akong nagiisip ng pweding gawin. Kung may butas pa ba akong pweding lusutan sa oras na to.

I'm good at it. Making excuses. So bakit hindi ko ito magawa ngayon? Funny. I just keep on asking myself the same question na alam ko naman na talaga ang sagot.

Padabog akong tumayo at kinuha yung cloak ko bago dumaan sa veranda ng kwarto ko para makababa. Ayokong ma istorbo sila at ayoko rin ng mga naka-ambang nga tanong nila.

Naglikha ng ingay ang pagkakatapak ng paa ko sa lupa dahil sa tuyong mga dahon na nandito.

Its odd. Malamig na hangin, makulimlim na kalangitan, tahimik na paligid.

Bahagya kong ipinikit ang mga mata at tinahak ang pamilyar na daan patungo sa sapa. Tahimik akong naglakad. Walang pakialam sa paligid. Sa mga taong pasimpleng nagnanakaw ng tingin. Mga matang puno ng kuryosidad sa maari kong dalhin. Mga utak na nalilito.

Napaangat ang sulok ng labi ko ng marating ang pinaka masukal na bahagi ng kagubatan. Ilang hawi pa ng matatalim na mga dahon, tuluyan kong narating ang isang paraiso.

Ang lake kung saan may puno na itim ang mga dahon. Sumandal ako sa malaking bato na nandito. Its been a while, simula ng last akong makapunta dito.

Napaka refreshing. Ang naalala kong huling punta ko dito ay yung may mga nagsabing ako ang pumalit kay alon. Yung tumunog ang kampana sa Saxony. That was it.

"Alam ko, pupunta ka dito." Napamulat ako ng mga mata.

Bumungad sa paningin ko si Azer na ilang metro ang layo sa akin, nakaupo siya sa ilalim ng isang matandang puno. Wearing his black cloak. Ang itim niyang mga mata at ang messy niyang buhok na halos tumatakip na sa mga mata niya.

"Paano ka nakakasigurado?" Tanong ko still looking directly at his eyes. May kakaibang kislap ang mga mata nito at naka angat din ang sulok ng labi nito.

Sa pagmamasid ko, napansin ko ang pasa sa kaliwang pisnge nito.

"Trouble?" Tanong ko. Natigilan siya at doon niya lang yata napansin ang tingin ko sa pasa na meron siya.

Wala akong natanggap na sagot mula sa kanya bagkos ay sa isang iglap nakalapit na ito sa akin at nakasandal narin sa bato kalahating metro ang layo sa kinatatayuan ko.

"You know, hindi mo naman kailangang gawin ang mga bagay na hindi mo gusto. Pumunta ka sa mga bagay na makakapagpasaya sayo. Life is too short Axine." Out of the sudden, yang mga salitang iyan ang binitawan niya.

Sobrang layo at talaga namang out of the topic yan. Pero kahit ganoon, natigilan parin ako sa paraan ng seryosong tono nito.

"Bakit hindi mo gawin ang mga bagay na pinapayo mo sa akin?" Tanong ko gamit ang mababang boses.

Doon na siya natigilan at katahimikan ang pumailanlang sa amin. Dahil sa katahimikang iyon, kusa na yatang bumukha ang mga labi ko para magsalita.

"Paano kung yung mga bagay na makapagpapasaya sayo ay malabong makamit mo?" Naghagis siya ng kapirasong bato sa tubig. Naglikha ito ng mahinang ingay ngunit rinig parin dahil sa katahimikan.

"Then create happiness from the things you have." Napalingon ako sa kanya dahil sa sinabi niya. At doon nagtama ang tingin naming dalawa.

Akmang bubuka na ang labi ko para magsalita nang tumunog ang kampana ng Asthalia.

--

Asthalia [NOT EDITED]حيث تعيش القصص. اكتشف الآن