Asthalia 38

711 28 2
                                    

Third person: HIS MEMORY.

"Anong gagawin mo kapag nakapasok ka kahit saan mang paaralan dito sa Asthalia?" The girl with a red hair asked Yarind. Ngumiti naman ang pitong taong gulang na lalaki sa tanong ni Asul.

"Syempre magaaral. Gusto ko makahawak ng libro, matutong magbasa at magsulat. Kaso mukhang malabo, sabi kasi ni Ina bago siya mamatay ay mas magandang manahimik nalang daw ako kaysa malagay sa peligro ang buhay ko."

"Ina! Ina! Lumaban ka Ina!" May dalawang Helias na nakahawak sa magkabilang braso ni Yarind. Wala siyang pakialam kung pinagtitinginan siya ng mga Thalians sa paligid.

Umiiyak na tinitingnan ang kanyang ina, na nakatali sa isang puno. Binabato ng paulit ulit. Habang may Helias na nanunuod dito.

"Sinubukan niyang magnakaw sa Kastilyo! Iyan ang nararapat sa lapastangan na katulad mo! Batuhin siya hanggang sa mamatay!"  Sigaw ng hari na nakaupo sa isang kabayo.

"Tigilan niyo na 'to! Tama na! Tama na!" Pilit na nagpupumiglas si Yarind. Umaasang matutulungan niya ang kanyang Ina.

"Pasensya na anak." They stoned her to death. Kapwa Thalians nito ang gumawa, dahil kung hindi nila gagawin, mamatay sila. Matagumpay na ngumiti ang Hari kasabay ng pagtalikod nito palayo. Pero natigilan siya, hindi lang siya kundi ang lahat ng may tumamang malaking bato sa ulo nito.

Dumugo iyon pero hindi sapat na patayin ang hari. Napaatras ang lahat ng kumulimlim ang paligid.

"Wala kang puso! Anong klase kang hari!"

Nagmumula iyon sa batang naka asul na cloak. Nanlaki ang mata ng lahat, sa maliit at payat na pangangatawan nito, habang nakasuot ng asul na cloak. Matingkad ang asul na kulay ng mga mata niya at nakakuyom ang kamao.

"Hindi. Asul," nangimbal ang lahat ng bumaba ang hari sa kabayo. Lumapit ang ito sa bata at hindi manlang natinag. Itinatago ang takot sa hari.

Malakas na sinampal nito ang bata hanggang sa tumalsik ito sa puno. Katabi ng bangkay ng Ina ni Yarind.

"Totoo naman! Wala kang ibang ginawa kundi pumatay! Pumatay ng pumatay!"  Nakawala si Yarind sa hawak ng mga Helias at kaagad na lumuhod sa harapan ng hari.

"Na.. nakikiusap po ako. Hayaan niyo na po siya. Pakiusap." Nanginginig na banggit ni Yarind hanggang sa umalis na nga ang hari.

Naiwan sila don, ang bangkay, si Yarind at si Axine. Kaagad na yumakap ang maliliit na braso ni Axine kay Yarind at umiyak ito ng umiyak.

"Bakit... bakit hinayaan mong gawin nila ito sayo?"

"Yarind! Axine!"  Bigla nalang may yumakap sa kanilang dalawa, ang Ama ni Asul.

"Yarind, ang ama mo, napaparusahan sa Saxony." Samit ng Ama ni Asul. Napaiwas ng tingin si Icey at nanatiling nakatayo.

"Wala na siya.. wala na sila.."

Sa murang edad, hindi na lingid sa kanilang kaalaman kung paano mamalakad ang Asthalia. Ang mga sigaw at iyak na palagi nilang naririnig sa tuwing madaraanan nila ang Saxony.

Ang dull at blankong aura ng kastilyo. Ang hari na minsan na nilang kinatakutan hindi lang dahil sa itsura nito, kundi maging kung paano ito mamuno.

"Icey! Bilisan mo!" Natatawang banggit ni Yarind sa kaibigan na ngayon ay nahuhuli na sa pagtakbo. Makulimlim ang kalangitan at nagbabadya na ang malakas na pagulan. Pero hindi nila alintana iyon hangga't sa makalaro sila sa labas.

Asthalia [NOT EDITED]Where stories live. Discover now