Asthalia 18

1K 40 0
                                    

Asthalia 18

Axine.

"Kilala mo ba sila?" Yan ang bungad ni Azer ng makapasok siya sa silid ko. Tumingin ako sa lupain ng Asthalia.

Nakakamangha na sa loob ng limang minuto nagawa nilang ibalik sa dati ang silid ko. Walang bakas na may nagpunta dito at may nangyaring gulo.

"Ikaw, kilala mo ba sila?" Balik tanong ko bago lumingon sa kanya. Blanko ang tingin. Ang itim niyang mga mata.

Umangat ang sulok ng mga labi niya na tila nagpapahiwatig ng pagsang-ayon, pagkamuhi, galit at pangungulila.

Parang isang napakalalim na dahilan ang pweding pagugatan ng lahat. Natatago na anumang oras ay pwedi ng mabunyag. Wala na akong balak alamin ang bagay na iyon.

"I know them."

Tumingin siya sa malayo. Nakita ko ang pamilyar na emosyon sa mga mata niya. Ang mga emosyon na nasambit ko sa nauna. Galit, pangungulila, panghihinayang, pagkamuhi.

"Ikaw? Kilala mo ba sila?" Ulit na tanong niya. Napangisi ako sa tinuran niya

"Hindi mo na kailangang malaman ang bagay na yun." Tumalikod ako sa kanya. At naglakad palayo.

Napahinto ako at napasinghap ng sa isang iglap--  mariin na akong nakasanda sa likod ng pinto ng kwarto ko. Naglikha pa iyon ng ingay.

"A-anong ginagawa mo?"  Kapos hiningang tanong ko. Masyado siyang malapit na halos hindi ako makahinga ng maayos. Nanghihina ako, nawawalan ng lakas ang mga tuhod ko.

"A-are you controlling me?" It was almost a whisper against his lips. Tumitig ako sa mga mata niya.

"Bakit? Ano bang nararamdam mo?" Nakangisi niyang tanong. Alam ko. Pinaglalaruan niya ako, iginala ko ang tingin sa kabuuan ng mukha niya.

Nararamdam ko ang init ng katawan niya, ang paghinga niya.

"Why are you making this hard for me, Axine?" His voice was low, deep and husky.

"Isa ba to sa mga laro na sinimulan mo Azer?"

Tumingin ako sa mga mata niya. Hindi ako nagiwas ng tingin kahit alam kong talo ako.  Our lips were almost touching.

"Laro lang ba to para sayo?" Hindi siya sumasagot ng maayos. Nagbabato ako ng mga tanong at pilit niya itong binabalik sa akin. Wala siyang kwentang kausap.

Ang malalim at nakakalokong itim na mga mata niya. Para kang hinihigop, nanghihipnotismo, delikado. Na anumang oras pwedi niyang baliktarin ang sitwasyon. Azer is somewhat good at playing games. Hindi ko malaman kung anuman ang takbo ng utak. He seems so serious. At nakakatakot iyon.

"Tell me, Axine. Is this a game for you?" Muling tanong niya. Sobrang lakas ng tibok ng puso ko. I'm nervous. Nakakahilo. I dont know what to feel. Nakakabaliw.

Bumaba ang tingin ko sa mga labi niya. I can feel the sensenation building inside of me. I want to taste those lips-- damn! What are you thinking Axine?!

"I dont know." Bulong ko. Still looking at his lips.

Out of curiousity, tuluyan kong tinawid ang natitirang espasyo sa pagitan naming dalawa. Alam kong natigilan siya. Ramdam ko.  I closed my eyes and deepen the kiss.

Wala akong naramdang hiya. Its was just like, hindi ako to. Is he controlling me? I dont know. Ang alam ko nalang ngayon ay mga mga labi niyang tumutugon sa halik na sinimulan ko.

Mas lalo niya akong idiniin sa pinto. His hand were on my waist at yung isa nasa pisnge ko. Ipinalibot ko ang mga kamay sa batok niya habang patuloy sa paglalim ang halik na yun. Nararamdaman ko na yung init na unti unting lumalakas at tumataas. The intensity and ferocity inside this room.

Napahinto ako at tila bumalik sa tamang pag iisip ng may kumatok sa pinto.

"Asul?" Tumingin ako sa mga mata ni azer. He's looking at me intently. Pumikit ako at bahagyang lumunok bago bawiin ang mga kamay kong naka yakap parin sa kanya. Tuluyan akong humiwalay at inaayos ang sarili. Nang mabawi na ang tamang paghinga ay binuksan ko ang pinto.

"What?" Tanong ko.

"You're sleeping? Again?" Napahinto ako. Sleeping? Kung sleeping ang tawag dun.

"Yeah." Lumabas ako ng kwarto at hinayaan si Azer sa loob nun. I know mawawala din yun sa loob. E ang daming paraan para makatakas.

"Pinapatawag ka ng hari." Again? Tumango nalang ako sa sinabi ni Avier. Bumaba na ito. Pumasok naman ako muli sa kwarto at kinuha ang asul na cloak.

"Where are you going?" Hindi ko siya tinapunan ng tingin.

"King."

Bumaba na ako at hindi na hinintay ang sasabihin niya. Mamaya nalang kami maguusap. I know isa nanamang kalokohan ang pagpapatawag sa akin ng hari. Isa nanamang katangahan ang gusto niyang ipagawa.

I should compose my self. Hawak nila si ama. At hangga't hawak nila si Ama wala akong ibang pweding gawin kundi sumunod. Hangga't hindi ko pa nababawi si ama wala pa akong hakbang na pweding isagawa kundi ang magpanggap na sumunod sa utos niya.

Nakarating ako sa hari. Nakaupo ito sa trono niya. Mukhang dinadama kung gaano kasarap ang maupo sa trono. Easy lang, mawawala din yan sayo. Walang pinagbago ang pangit niyang itsura. Pangit na nung nauna, pangit parin hanggang ngayon.

"What do you need?" Nakabantay sa likod ko ang dalawang Helias na nagaabang ng mga gagawin ko.

"Asul, " banggit niya sa pangalan ko at ngumisi.

"May laro akong sinimulan sa loob ng Saxony. It was a game between life and death. Alam mong dugo lang ang pweding magpanatili sa Saxony na matibay at dugo lang din ang maaring magprotekta sa enerhiyang bumbalot sa Asthalia." Tiningnan ko lang ang Hari.

Alam ko na dugo ang nagpapatakbo sa Asthalia. Dugo ang nagsisilbing source of energy para manatiling nakatayo ang mga istraktura. Dugo ang nagsisilbing dahilan para mabuhay ang mga thalians.

May dapat magsakripisyo ng sariling dugo para manatiling buhay ang sinuman. At iyon ang dahilan kung bakit nananatiling nakatayo ang Asthalia.

Wala ng napaparusahan dahil sa deal ko sa Hari. At alam ko na iyon ang dahilan kung bakit naglunsad siya ng palaro sa Saxony. Alam kong marami ang dadalo para maipamalas ang kanya kanyang galing at lingid sa kaalaman nila, marami ring buhay ang makikitil.

"Lahat ay required na sumali. Kailangan mong kumitil ng buhay Asul. Para sa demonyong tulad ko. Papatayin mo ang limangpung katao na lalaban sayo sa loob ng Saxony."

---

Asthalia [NOT EDITED]Where stories live. Discover now