Asthalia 16

1.1K 41 0
                                    

Asthalia 16

Nanatili akong nakatingin sa mga taong naka cloak habang nandito parin ako sa silid ko. Magulong tingnan ang pagkakaiba- iba ng kulay ng cloak na suot nila. Nakakahilo pero iba parin yung pakiramdam.

Hanggang ngayon hindi parin mawala sa isip ko yung sinabi nung babae. Tandang tanda ko pa ang eksaktong sinabi nito. Tandang tanda ko pa kung ano yung nangyari.

Isinuklay ko ang mga kamay sa buhok ko at blankong tumingin sa kawalan. Pumasok sa isip ko si Ama at si Yarind. Nasaan na kaya sila? 

Naramdaman ko ang pamilyar na pagbigat ng pakiramdam ko. Pangungulila? Takte. Kailan pa? Siguro dahil si Yarind at ama ang nagsisilbing lalaki sa buhay ko na pinapahalagahan ko. Sila lang ang kasama ko at ngayon hindi ko alam kung nasaan sila at kung ayos man lang ba sila.

Bumaba ang tingin ko sa sarili kong mga kamay. Ang kamay kong nabahiran na ng ilang libong dugo galing sa iba't ibang tao. Parang nakasanayan ko narin ang pagpatay. Walang konsyensya? Sige. Sabihin na nating ganoon pero hindi mo parin masisiguro.

"Ang lalim ng iniisip mo." Nagawi ang tingin ko sa kaliwa ng marinig ang malalim na boses. Nanatili ng blankong emosyon ko.

"Anong ginagawa mo dito?" Walang gana na tanong ko. Tumingi siya sa akin gamit ang itim na mga mata niya.

"Gusto lang kitang makita." Walang ganang sabi niya kaya napatingin ako sa kanya.

"Bakit?" Nagtama ang tingin namin. Ang itim at napakagandang mga mata niya. Pero hindi na niya nagawang sagutin ang mga tanong na iyon dahil sa naramdaman naming pagyanig.

Halos sabay kaming sumilip sa may bintana ng kwarto ko para tingnan kung anuman ang nangyayari. Pagtataka ang naramdaman ko ng makita ang puting liwanag na bumabalot sa mga istudyante.

Napigil ang hininga ko ng makita ang taga ibang Eras na nandirito. Nakalutang sila sa hangin. Kapag sinabing eras ibig sabihin taga ibang distrito na hindi sakop ng Etrunatic.

Minasdan ko ang kilos nila. Parang may hinahanap. Naglalaro ang kakaibang ngisi nito sa labi habang tuloy tuloy sa pag pagaspas ang pakpak niya.

Nagawi ang tingin niya sa amin-- hindi. Sa akin. Nagtama ang tingin namin at doon may lumuwang ang pagkakangisi niya at mabilis na lumipad papunta dito. Sa sobrang bilis halos hindi ko ito nagawan ng paraan.

Sa lakas ng impact ng pagbulusok niya, tumalsik ang mga bubog na mula sa nasirang bintana. Kusang bumuka ang mga pakpak ko para protektahan ako.

Nang maramdaman ang pagkalma ng hangin. Nag angat ako ng tingin, nakangisi ang lalaking ito na hindi naman pamilyar.

Malayang nakasunod ang mga kasamahan niya at tumutong sa silid na kinalalagyan namin. May kanya kanya silang ngisi sa labi na tila ba nasisiyahan sa mga nanngyayari.

"Anong kailangan niyo?" Walang emosyong tanong ko. Bahagya silang natigilan pero kalaunan yung parang nag sisilbing leader nila ay lumapit sa akin. Nanatili akong nakatingin.

Akmang hahawakan niya aang pisnge ko ng marinig naming lahat ang isang malamig at malalim na boses.

"Dont you dare to lay your freaking hands on her." Bumaling ang lalaki ng ngisi kay Azer na nagsalita at dahan dahang ibinaba ang kamay niya.

"Fiesty." Mapanlarong sambit nito.

"Nice choice Rayver."

Naramdaman ko ang tensyon sa pagitan nilang lahat. Ang unti unting pagtagis bagang ni Azer. Ang pagkuyom ng kamao niya at ang pag sama ng tingin niya.

"Kamusta ka na? Siya na ba ang ipinalit mo kay Siriena? Ang bilis mo namang makalimot Rayver. " 

Siriena?  Napakunot ang noo ko habang nakatingin sa kanila. Ramdam na ramdam ko talaga ang tensyon sa pagitan nilang lahat.

"Stop it Draku. Wala kang alam." Mariing sambit ni Azer na sinundan naman ng malakas na tawa ng tinawag niyang Draku.

Wait. Naguguluhan na ako. Anim silang taga ibang Eras na nandito. Limang lalaki at isang babae. Base sa aura bumabalibot sa kanila masasabi kong malalakas sila at bihasa.

Kinuha ko ang isang babasaging baso na nasa maliit na cabinet na kalahating metro lang ang layo sa akin at walang sinabing ibinagsak ito na sahig na naglikha naman ng malakas na ingay ng pagkabasag.

Nabaling ang tingin nilang lahat sa akin. Blankong ekspression akong ngumisi.

"What are you all doing here?" Malamig na tanong ko.

"Beautiful Lady, I'm here to know your name. I'm Zero and you are?" Isang loko lokong lalaki ang bigla nalang lumapit at nagpakilala. Tiningnan ko lang ang nakaangat na mga kamay niya.

Bahagya kong iginalaw ang mga kamay para kontrolin ang mmalaking tipak ng nabasag na baso at walang sinabing itinutok ito malapit sa leeg niya na konting galaw niya lang ay masusugatan na siya.

"Well. Nandito kami para makilala ang bagong Asther ng Etrunatic. We are from Phantom. At tama nga ang sabi sabi. You were such a cold beauty but dumb enough to be decieved" napatawa ako ng walang emosyon sa sinabi niya.

Dumb enough to be decieved? Nginisihan ko siya.

"Spade Seagles." Nadako ang tingin naming lahat ng iluwa ng pinto ang iba pang miyembro ng Black Asther.

Gulat na gulat ang mga mata nila pero kalaunan ay napalitan ito ng sandaling galit at bigla nalang silang nanglamig.

"Anong ginagawa ng mga traydor dito?"

--

Asthalia [NOT EDITED]Where stories live. Discover now