Asthalia 35

621 28 0
                                    


Tahimik at dahan dahan akong naglakad. Nakikisiksikan sa libo libong tao sa daan. Inilibot ko ang tingin sa nag tataasang mga gusali. Mga masakit sa matang mga ilaw. Kabilaang mga taong magkakasama at nagkakasiyahan.

Suot ang asul na cloak, walang nagtangkang lumapit sa akin kahit ramdam ko ang mga kunot noo nila habang nakatingin sila sa akin. Lumiko ako sa isang kalye at doon bumungad sa akin ang   tatlong lalaki, mariin na hinawakan ko ang palaso na may bahid pa ng dugo ng pinatay ko kanina lang.

Kitang kita ng mata ko kung paano nila gilitan sa leeg ang limang kababaihan na hawak nila ngayon. Nawalan ng emosyon ang mga mata ko habang tinitingnan silang gawin ang bagay na iyon.

Wala akong maramdaman. Anong nangyayari? Hindi ko alam pero hindi ako kumilos lalo na't ng marinig ang nkakapangilabot nilang mga sigaw at paghingi ng tulong. Sad to say, walang makakarinig sa kanila.

"Look, who's here. The mighty Asther of Black Asther, Asul." Since nakababa ang hood ng cloak ko, malaya nilang nakita ang mukha ko.

May bahid pa ng dugo ang ulo nila mga dmait maging ang kanilang mga bibig. Madilim ang mga mata, nakangisi ang bibig, malaki ang mga katawan.

"What do you need?" I was about to throw my arrow to them nang biglang sumabog ang katawan nila. Napapiksi ako at kaagad na lumabas ang pakpak ko para protektahan ako sa dugo nilang bigla nalang bumulwak.

Nang maramdaman ang pagkalma ng hangin, dugo nalang ang nakita ko sa paligid at ang sabog na katawan ng tatlong lalaki. Lumabas sa tuyo at lumang pader ang isang screen na nagsasabing bawal pumatay ng mortal habang nandito kami sa virtual world. No, hindi ang mga nasa control room ang may gawa kundi ang lason mismo sa loob ng katawan ng limang kababaihang ito.

Muli kong binalingan ng tingin ang walang buhay ng mga babae na may gilit sa leeg. Mulat ang mga mata at kaawa awa ang itsura. Napaiwas ako ng tingin at saktong pagtalikod ko, nawala ang mortal na mundo. Napakunot ang noo ko ng bigla nalang, sa isang iglap, wala akong makita. Purong makapal na kadiliman.

Hindi ako gumalaw sa kinatatayuan ko, takot na isang maling galaw, magkamali ako.

"Glad that you're here now." Mula sa dilim, lumitaw si Azer. May mga mantsa ng natuyong dugo sa katawan nito. Lumitaw sa likod niya sila Icey, Azin, Austin.

Lumalim ang gatla ng noo ko, "Si Avier?" Malamig na tanong ko sa kanila. Umiwas sila ng tingin.

"Hindi pa dumarating." Walang nagtangkang sumalubong ng tingin ko. Hanggang sa bigla nalang lumiwanag ang buong paligid, nakakasilaw na liwanag. Masakit sa balat. Pero ilang segundo lang ang itinagal no'n at ng idilat ko ang mga mata, nandito na kami.

Malakas ang hiyawan sa paligid, umuugong ang ingay, masakit sa tenga. Napataas ako ng tingin kung nasaan nakalagay ang screen nila dito. Nandilim ang paningin ko ng makita ang pag cross out sa mukha ni Avier. He died.

Kapansin pansin ang pagkuyom ng kamao ni Azer maging ng ibang mga kasamahan ko. Naramdaman ko ang pamilyar na pagbigat sa dibdib ko pero hindi ko hinyaan na maapektuhan no'n ang emosyon ko ngayon. Pilit kong ikinalma ang nagwawala kong kamao na gustong ipatikim sa taong pumatay kay Avier.

"Simulan na ang totoong laban!" May iba pang sinabi ang nagsisilbing emcee pero para bang hindi ko na naintindihan iyon. Inilibot ko ang tingin sa iba pa na nasa loob ng ring na ito, kung ring ba na matatawag. Ang pamilyar na aura nf paligid ay nanumbalik. Ang madilim at blankong kalangitan. 

Hearts at Spade Seagles. Tatlong myembro mula sa Hearts kabilang na ang Asther nila habang hindi naman nabawasan ang pitong miyembro ng Spade Seagles. Tatlo nalang na grupo ang nandito at kapwa ipinaglalaban ang kanya-kanyang distrito.

Halos lahat ay galing sa Asthalia.  Pero isa lang ang pwedeng mangyari. Muli kong idinako ang mga mata ko sa screen, marami ng napatay sa simple at maikling oras na iyon.

"Mukhang nawawala ang isa sa inyo ha?" Sambit ni Draku. Tumalim ang tingin ko dito. Hindi nagkumento ang walang mukha nilang Asther.

"Pinatay mo siya. Ang hina mo naman kung ganuon." Walang emosyon na banggit ko. Nagulat ito sa sinabi ko maging ang lahat ng nanunuod.

"Wala ka na bang mas ilalakas? Isang mahinang nilalang ang pinatay mo. Sabagay, ano pa nga bang bago sa isang kagaya mo? Draku." Ngumisi ako dito ng marahas siyang sumugod sa akin. Mabilis na iginalaw ko ang kamay para hawakan ng mahigpit ang palaso ko.

Namuo ang galit sa puso ko. Bigla akong nairita, nawalan ng pasensya dahil sa mga nangyari. Tinaliman ko ito ng tingin, siya ang pumatay kay Avier. Masyadong mabilis ang mga pangyayari at ginamit ng Arc Circle ang Isolde para mapabilis ang pang dispatsa sa mga mahihina.

Nakakita ako ng pagkakataon at sinakal ito sa leeg, iyon ang naging hudyat para sumugod ang ilan pa. Sinipa niya ako sa tagiliran kasabay ng pagpapalabas ng kung anong mahika sa kamay.

"Axine! Damn it!"

Sa isang iglap, pumulupot sa katawan ko ang isang ahas. Malaki ang madulas na ahas. Ngumisi si Draku ng makawala siya sa hawak ko. Nakita ko mula sa baba na sinusubukan akong tulungan nila Azer. Maging si Icey na naging busy sa pagbibigay ng kung ano anong illusion.

At ang alam ko, ang maliit na parte ng patag na parang tenplo na ito kung saan ginaganap ang laban naming lahat, ay pinupuno ng dugo mula sa iba't ibang nilalang.

Napahiyaw ako ng mas lalong humigpit ang pagkakapilit ng ahas sa katawan ko. Nakaramdam ako ng panghihina, ang paglabas ng kapangyarihan ko sa katawan ko.

Sinamaan ko ng tingin si Draku hanggang sa isang kisapmata, naging abo ang ahas na nakapulupot sa katawan ko. Bumagsak ako sa simentong lapag, napaluhod at hinahabol ang hininga. Damn this side effect.

Ipinikit ko ang sariling mga mata at ikinalma ang sarili. Ilang minuto lang ay nawala nadin ang sakit ng ulo ko at pagkahilo.

Tinapunan ko ng tingin si Draku na namumutla hanggang sa bigla nalang siyang naging abo.

--

To be continued.

Asthalia [NOT EDITED]Where stories live. Discover now