Asthalia 03

1.7K 74 6
                                    

Asthalia 03

Sunod sunod na singhap ang narinig ko. Mga reklamo sa Thalians kung bakit nagmamagaling daw ako. Kung ano ba daw ang gusto kong gawin sa buhay ko. Iniangat ko ang tingin sa Reyna na malaki ang ngisi dahil sa sinabi ko.

"Sigurado ka ba diyan?" Tumango ako bilang tugon.

"Kung gusto mong madaliin ang iyong kamatayan, pumapayag ako."

Ang hudyat na iyon ang nagsilbing dahilan kung bakit mag hiyawan ang mga tao. ang daming salita na naghahalo, sa sobrang ingay ay hindi mo na alam kung saan ibabaling ang tingin mo.  

Naramdaman ko ang pagtabi nila Ama at Icey, at akmang magsisimula na silang sumugod ng marahas na bumukas ang pinto ng Saxony. Itinulak ng Helias ang taong iyon at napaluhod na lamang ang huli.

"Asul! Argh!"

Binalingan ko ng tingin ang mayari ng tinig. kahit nakatakip ang hood ng cloak sa mukha ko, kitang kita ko si Yarind na nakaluhod at hawak ang mga braso ng Helias habang nakakadena ang mga kamay niya sa likod.

"Masyadong pakialamero. Kung ganuon. Asul ang pangalan mo, marahil siguro ay isa kang makisig na binata."

Napatawa ako sa isip ng marinig ang binata. Paninindigan talaga nila na lalaki ang tingin sa akin.

"Maaari na bang simulan ang laban?" Walang ganang tanong ko sa kanila. Sapat para marinig ng mga taong nakapaligid sa akin.

"Sige."

Iyon ang naging hudyat dahilan para sabay sabay na sumugod ang mga magigiting na Helias. Hindi pa nila ako nakitang nakipaglaban, kaya wala silang idea maging sa kapangyarihan ko. Tanging si ama lang ang nakakalam, si Yarind at Icey.

Hindi ako umalis sa kinatatayuan ko. Pigil hininga ang mga nanunuod na grabe ang panlalait sa akin. Napailing iling ako sa isip ko. Kailangang magamot agad si Ama. Si Icey? Hayaan mo na yan. Kaya na niya sarili niya tsk.

Ang ikinagulat ng lahat, hindi pa man ako nadidikitan ng mga Helias ay naging abo na ang mga ito, nalaglag ang armour na suot ngunit wala ang mga katawan. Kalahati sa kanila ang nawala kaagad.

Iyon ang dahilan kung bakit natigil ang pag sugod. Tumahimik ang lahat at mababakas sa mukha nila ang pagkagulat.

"A-anong ginawa mo?! Helias! Patayin siya!"

Kahit gulat ay nagawa pa nitong magsalita ng diretso. Nagdalawang isip ang mga Helias. Ramdam ko iyon. Natatakot silang lumapit kasi baka matulad sila sa mga kasamahan nila. Natatakot silang mamatay.

Kaya ang ginawa ko, sa isang pitik, sabay sabay na naging abo ang natitirang Helias na siyang ikinatahimik ng lahat.

"It was only 30seconds!" Isang boses ang narinig ko kalayuan sa kinatatayuan ko. May bahid ng pagkamangha ang boses nito at the same time, pagkagulat.

"Akala ko ba magagaling ang Helias ng kaharian? Mahal kong Reyna?" Nangungutyang tanong ko. Nagtagis ang bagang niya at kitang kita ko ang paghigpit ng kapit niya sa railings ng terrace. Sumasayad sa sahig ang pulang kasuotan nito.

"Bilang Reyna. Inuutusan kitang magpakilala, at ipakita ang mukha sa lahat." Taas noong sambit nito. Alam kong gigil na siya sa galit. Bahagya akong yumuko.

"Kung iyan ang gusto mo pero... pakawalan mo muna ang mga kasamahan ko at malaya ninyong masisilayan kung sino nga ba ang taong nag tatago sa asul na kapa." Walang emosyong banggit ko.

Iniangat nito ang kamay para senyasan ang mga Helias. Kasunod no'n ay narinig ko ang pagkasira ng mga kadena kay Ama, Yarind at Icey.

"Asul, umalis na tayo. Halika na." Narinig ko mula sa likod ko ang boses ni Yarind na nagmamakaawa. Hindi ko pinansin ito. Hindi halos lahat ng oras, maiiwasan natin ang problema sa pamamagitan ng pagtakbo.

"Ngayon, maari mo na bang ipakita sa  madla ang iyong katauhan? Asul." Umangat ang sulok ng labi ko ng banggitin niya ang salitang Asul.

"Axine anak. Huwag. Pakiusap." Natigilan ako ng marinig ang nag susumamong boses ni ama pero iniling ko ang ulo, at dahan dahang ibinaba ang hood ng cloak na suot ko.

Gustuhin ko mang hilahin sila paalis, ang tumakas kasama sila pero hindi ko pwedeng gawin.

Bumungad sa lahat ang mahaba at kulay pula kong buhok, ang asul na mga mata ko. Ang buong kaliwang mukha ko lang ang nasilayan nila kasi natatakpan ng itim na maskara ang kanan kong mukha.

"Babae si Asul?!"

"Ngayon lang niya pinakita ang mukha niya. Kalahati pa dito ay natatakpan"

"Kung ganoon hindi lalaki ang matagal ng hinahanap ng mga Helias?"

"Asul.."

Ramdam ko ang gulat nila ng makita na babae ang nagtatago sa asul na kapa pero napahinto ang lahat ng may tumamang kung ano sa maskara ko dahilan para malaglag ito.

Napayuko ako para sundan ng tingin ang pagkalaglag ng Maskara ko sa lupa dahilan para matabunan ng pula kong buhok ang mukha ko.

"Shoot! Ngayon Asul, ipakita mo ang totoo mong mukha sa lahat!" Boses ng isang lalaki.

Nagangat ako ng tingin at wala sa sariling isinuklay ang kamay sa pula kong buhok. Matalim na tiningnan ko ang lalaking nagsalita.

"Avier." Ngumisi ako. Nakatulala na ito at wari'y hindi alam kung anong gagawin. Sa isang iglap may narinig akong bulong sa kaliwang tenga ko.

"Beautiful.." hindi ako gumalaw. "Perfect." Muling bulong nito sa akin.

"And now? Mine."  ramdam ko ang ngisi nito pero hindi ako nag react.

"Iharap siya sa akin." May humawak sa magkabilang braso ko. Wala akong nakitang bakas nung lalaking bumulong sa akin ng kung ano, naramdaman ko nalang ang malamig na bakal sa kamay ko mula sa likod.

"Asul! Hindi! Akala ko ba papakawalan niyo na kami?!" Inis na sigaw ni Yarind.

"Ama! Argh! Bitawan niyo kami! Asul!"

Ipinasok nila ako sa Kastilyo. Hindi ko na nagawang makita sila Icey, Yarind at Ama kasi pinigilan nila ako. Umupo ang Reyna sa trono niya. Nanatili akong nakatayo. Ang hari na nanatiling nakamasid habang may ngisi sa labi. Hinayaan niya ang reyna na gumawa ng lahat.

"Lumuhod ka at mag bigay galang." Napangisi ako sa sinabi nito.

"Hindi ako lumuluhod sa mga Thalians na walang kwenta." Matapang na saad ko.

"Alam mo ba ang sinasabi mo?" Nangigigil na sambit nito.

"Alam ko. Alam na alam ko."

Pumulupot sa akin ang isang latigo at lumabas doon ang ilang boltahe ng kuryente dahilan para mapasigaw ako sa sakit. Pero hindi ako lumuhod. Halos mawalan ako ng balanse pero hindi ako lumuhod. Matalim na tiningnan ko ang reyna.

"Simula ngayon, magpapagamit ka sa akin. Dahil sa mismong oras na to, nakasanla na ang kaluluwa mo sa demonyong katulad ko."

--

Rye's short message:

The cover at the multimedia is made by my bestfriend.  bleumich

Asthalia [NOT EDITED]Where stories live. Discover now