Asthalia 36

642 23 0
                                    

Third Person.

Natigilan ang lahat. Napako ang kanilang mga mata kay Asul na kasalukuyang nakaluhod, hinahabol ang hininga at pinagpapawisan. Nanghihina at para bang hindi na niya kayang tumayo.

Mariin na ipinikit nito ang mga mata ng hindi niya magawang kumilos ng maayos. Kaagad siyang dinaluhan ni Azer para protektahan sa kung ano pang kapangyarihan at sandata na ibinabato sa kanya.

Muling umugong ang maingay na sigaw ng manunuod. Puro hayok na hayok sa dugo at patayan. Nakikisimpatya ang ilang hari na nanunuod sa kanila habang nanatili ang ngisi sa mukha ng Hari ng Asthalia.

Ni hindi manlang ito naapektuhan sa pagkamatay ng isa sa mga Black Asther. Masyadong mabilis ang pagkawala nito. Walang pasabi, biglaan. At sa ikaunang pagkakataon, hindi nila nagawang makabalik, at kung mkakabalik man sila, ay hindi na buo.

Ang mga damit ni Draku na nanatili sa lapag. Nagitla ang mga kasamahan nito at masama ang tingin na ipinukol kay Asul. Pero sa kabila ng masamang tingin ng mga ito, naroroon ang takot. Habang ang Asther ng Spade Seagles ay nanatiling walang kibo sa tabi. Nanunuod at hindi nakikipaglaban. What's with him/her?

"Die." Mariing banggit ni Icey at kasabay no'n ang paglabas ng puting pakpak niya. Naglikha iyon ng liwanag, nakakapanibago, nakakaakit. Ang dalawang myembro ng Hearts na kanina lang ay pinagtutulungan siya, ngayon ay nagpapatayan na sa harapan niya.

Hanggang sa apat nalang sa Spade Seagles ang natira at apat din Black Asther. Sugatan na si Azin pero nagawa pa nitong makatayo ng maayos habang may tama naman ng palaso sa tiyan si Austin.

Si Azer na nanghihina pero kaya pang lumaban. Ito na, ito na ang huling pagkakataon para maipaglaban ang pride ng Etrunatic at para mapalitan ang Hari ng Asthalia. Para matapos na ang sumpa. Para maisaayos na ang lahat.

"Zero," bali ang kaliwang braso ni Zero. Pero sa hudyat ng isang kampana, kumalat sa paligid ang aura nitong napaka komportable. Pero hindi nila hinayaang dalhin sila nito sa pagkatalo.

The feeling is familliar. The aura, damn. Mahinang bulong ni Axine sa sarili.

Nagsimulang sumugod ang myembro ng Spade Seagles sa kanila, puno ng galit dahil sa pagkamatay ng kanilang mga kasama.

Nagpaulan si Zero ng iba't ibang uri ng bato na sumira sa halos kalahati ng templo. Hindi nila pinansin ang ingay ng paligid, ang mga hinaing, reklamo, sigaw at request maging ang sinasabi ng emcee sa labanan.

"Austin!"

Mabilis na lumipad si Asul patungo kay Austin kasabay ng pagsabog ng kinalalagyan nito. Parehas silang tumalsik palayo, nasunog ang kalahati ng cloak ni Asul dahil sa apoy pero hindi niya ininda iyon. Nagkaroon din siya ng sunog sa balikat at binti.  Mabilis siyang lumapit kay Austin na kasalukuyang sumusuka na ng dugo, hawak ang tama nito sa tiyan dahil sa isang palaso.

"Damn it. Austin" mahinang banggit niya.

Tiningnan niya si Hez na siyang may gawa nito. Isang bomb manipulator. Anong laban namin na walang special na kakayahan at umaasa lang sa lakas at agility namin bilang mga mamamayan ng ikapitong distrito?!

Sa isang iglap, naging abo ang kinalalagyan nito kasabay ng pagkawala ng balanse ni Asul. Hindi na niya maigalaw ang buong katawan, nanghihina at hindi makapagsalita. Unti nalang ay bibigay na ang talukap ng kanyang mga mata.

Ito ang nangyayari kapag napasobra ang gamit niya sa kanyang kapangyarihan. Sa katotohanan na hindi pa niya ito nako-kontrol ng maayos, naisabak kaagad sila sa laban.

"Ahhh!"

Naramdaman niya ang lamig nahatid ng simento, habang rinig niya ang sunod sunod na sigaw ni Icey na para bang nahihirapan.

Gumagapang sa katawan niya ang lamig na hatid nito, ang pag ugong ng napakaingay na paligid. Ipinikit niya ang nga mata, habol ang hininga at marahas na tumitibok ang kanyang puso.

Bakit ba ako nandito? Ano bang pinaglalaban ko? Marahang tanong nito sa sarili. Sa pagkakapikit, lumitaw ang emahe ng kanyang ama na matamang nakangiti sa kanya.

Sumunod ang estudyante at mamayan ng Asthalia na buong pagasa na nakatanaw at nakatingala sa kanila. Sapat na ba iyon para lumaban pa? Muling tanong nito sa sarili. Hindi. Sino ba naman ako? Para ipaglaban yung bagay na in the first place ay hindi naman sa akin? I'm just a mere Thalian.

"Azin! Hold on! Damn it! Don't die!"

All of this, lahat ng 'to ay nangyari dahil sa pagkakamali ko. Lumitaw sa isip niya ang kastilyo ng Asthalia. Kung gaano ito kaganda ngunit ka blanko. Ang mga sigaw ng mga Thalians na pinahihirapan sa Saxony. Ang mga panahon kung saan pilit siyang hinahabol ng mga Helias. Yung mga panahon na tahimik siyang nabubuhay kasama ang dalawa niyang kaibigan.

"Lalaban tayo Axine. Lalaban tayo para sa Asthalia." Tila isang sirang plaka ang mga memorya na naglalaro sa isip niya.

"Walang mamatay! Laban lang!" Sunod sunod na nag echo ang ilan pang mga kataga sa utak niya. Hindi niya malaman kung saan nanggagaling, kung pinaglalaruan ba siya ng sariling isip.

"Axine, lumaban ka anak."  Marahan siyang napangiti ng marinig sa isipan ang boses ng kanyang ama.

"Lumaban ka."

"Noo! Rayver! Huwag mong gagawin! Mamamatay ka!"

Napamulat siya ng mga mata ng marinig ang pamilyar na pangalan. Rayver Azer. Yung lalaking iyon, na pilit pinararamdam kung gaano siya kahalaga. Rayver... Azer.

"I'll protect her!"

Yung taong alam niyang sa huli, masasaktan niya lang. Rumehistro sa utak nito ang asul na kalangitan. At sa isang iglap, tila ba bumalik ito sa tamang pagiisip na mabilis na tumayo at tiningnan ang nangyayari.

Hindi niya ininda ang panghihina at ang paghahabol sa sariling hininga.  Halos hindi na makatayo si Icey sa gilid, duguan ito at may mantsa din ng dugo ang puti niyang mga pakpak.

Si Azin na nakapikit pero kitang kita ko na humihinga pa naman ito, may malaki itong sugat sa binti at halata sa mukha ang labis na paghihirap.

At si Azer na pilit nilalabanan ang dalawang miyembro ng Spade Seagles. Nakita ng mga mata nito kung paano siya paulit ulit na saksaking at pagtulungan. Hanggang sa mangyari ang ikinabigla ng lahat. Gamit ang isang matalas na espada, pinutol ng Asther ng Spade Seagles ang kaliwang pakpak nito.

Hindi makakilos si Axine. Tumahimik ang buong paligid at isang napakalakas na sigaw ang nag echo sa bawat sulok. Tumulo ang luha ni Azer habang nakapikit kasabay ng bumagsak sa harapan nito ang putol na pakpak niya.

Parang may marahas na bumara sa lalamunan ni Axine. Hindi siya makagalaw at mariing nakakuyom ang kamao. Habang nakangisi naman ang naka cloak. At lalo siyang nagimbal ng makita kung sino ito.

Nanginginig ang mga labi na nagsalita. Malakas at marahas ang pagkabog ng dibdib. Pinagpapawisan ng malagkit. Sa pagkakaluhod ni Azer, nakayuko at tila nawalan ng emosyon at gumuho ang mundo. His eyes glimmered with horror and shock. Hindi maalis ang tingin ni Axine sa Asther ng Spade Seagles.

"Yarind."

--
Tobecontinued.

Asthalia [NOT EDITED]Where stories live. Discover now