Asthalia 40

979 31 0
                                    

LAST CHAPTER.

Third Person.


"Hindi ko alam kung babalik pa siya." Marahang sambit ni Azer sa sarili. Nakaupo ito sa sofa, nakayuko habang nakakuyom ang kamao.

"It's been a month, Rayver." Walang ganang banggit ni Austin na tila ba nawawalan narin ng pagasa.

Si Icey na tahimik lang sa isang tabi, nakayuko na tila ba may pinaglalaruan sa mga kamay nito. Iniisip parin ang mga nangyari. Nakita nilang lahat kung anong nangyari, kung paano patayin ng hari si Yarind, kung paano pahirapan ng hari si Asul pagkatapos ng tournament.

Rinig na rinig nila ang sigaw nito na puno ng sakit, para bang paulit-ulit na ginugulpi. Rinig na rinig din nila ang galit na mga boses ni Asul. Ang kauna-unahang pagkakataon na makita nila ito sa ganuong kalagayan. Galit na galit. Malamig, at tila ba anumang oras ay kaya niyang sirain ang buong kastilyo.

"I still can't believe it. Kaibigan niyo pala yung Asther ng Spade Seagles. Sa halos sampong miyembro nito, tanging dalawa lang ang nakaligtas. One of them was Zero. But.. I don't even know if he's considered alive in his state." Wala sa sariling sambit ni Azin.

Isang buwan na ang nakararaan simula ng manalo sila sa palaro. Isang buwan narin simula ng bigla nalang maglaho si Asul. Hindi manlang nagpaalam. Walang bakas na naiwan.

It was just like, Asul doesn't really exist.

Na para bang pinaglalaruan lang sila ng kanya kanyang imahinasyon na minsan sa kanilang buhay ay nakasama nila si Asul.

Isang buwan, at walang nagbago sa Asthalia. They've given a chance to change the King, if.. the King died o di kaya naman ay bumaba ito sa trono na malabong mangyari. He's a demon. Literally a demon.

Halos wala silang mukha na naiharap sa mga Thalians na nanghihingi ng eksplinasyon, na umasa na mababago ang lahat. Hindi man ng mga ito sabihin, ramdam nila sa bawat tingin ang pagmamakaawa ng bawat isa. Ang kawalan ng pagasa. At ang pagtanggap ng walang hanggang paghihirap at anuman ang mangyari, hinding hindi mababago ang Asthalia.

"His name is Yarind, right?" Tanong ni Austin. Agad na naikuyom ni Azer ang kamao ng marinig ang pangalan na iyon.

Yarind, yung pangalan na palaging ibinubulong ni Asul. Palaging pangalan na lumalabas sa bibig nito tuwing nanaginip siya. Ang pangalan na unconciously niyang nasasabi sa tuwing malalim ang kanyang iniisip. Yarind.

And that Yarind is the one who destroyed his wings. Ang tanging dahilan kung bakit putol ang kaliwang pakpak niya at wala ng pagasa para makabalik pa sa dati.

He considered that half of him was dead, at ang kalahati ay buhay pa, na- nanganganib ng mawala. Nawala halos kalahati ng kakayahan nito, nanghina ang kanyang kapangyarihan.

"Kailan ka ba babalik?" Mula sa veranda ng silid niya, nakatayo do'n si Rayver Azer na malayo ang tingin. Hindi alintana ang malalim na gabi, ang tahimik at malamig na paligid.

Bahagyang umihip ng marahan ang hangin at hinayaan niya lamang iyon. Humawak siya sa railings ng veranda at iniangat ang tingin sa kalangitan.

Nawala na ang kalahati ng pagkatao ko, huwag mo namang hayaan na pati ang kalahati ay tuluyang mawala. You're the reason why I'm still living, Axine. Don't make me.. destroyed my whole self. Please..

Asthalia [NOT EDITED]Where stories live. Discover now