Asthalia 33

720 38 1
                                    

Axine.

Nagpatianod kami sa bugso ng iba't ibang nilalang habang iniinda ang paso na nakaukit sa katawan namin. Marami kaming nakitang pugot na ulo na nakasabit sa ilang puno. Mga katawan na para bang nag sisilbing display at warnings.

Bakas na bakas ang paghihirap na dinanas ng mga iyon dahil sa pilat at sugat na nasa balat nila. Hindi na humihinga, hindi pa nabigyan ng disenteng kamatayan.

Napakunot nalang kami ng isa isa kaming itinulak ng mga nilalang na iyon. Malakas at marahas na para bang pinagpapasa-pasahan. Ang nakangisi at magulo nilang mukha habang tumatawa ng malakas.

Ang maingay na paligid. Kung ano anong klase ng salita ang naririnig ko. Hindi narin ako makahinga ng maayos dahil sa siksikan. Hanggang sa malakas nila akong itinulak papasok sa isang itim at bakal na pinto.

Muntik pa akong masubsob pero naagapan iyon ni Avier na siya palang unang nakapasok. Tumayo ako ng maayos at isinuklay ang mga daliri sa pula kong buhok. Nakababa na din ang hood ng asul kong cloak habang nakaitim naman ang mga kasamahan ko.

"Okay ka lang?" Tanong ni Rayver sa akin at hinawakan ako ssa bewang bago hinigit palapit sa kanya. Pinanlakihan ko ito ng mata dahil sa ginawa pero ngumisi lang siya.

"Masama to."

Napatingin kami kay Icey na inililibot ang tingin sa buong paligid. Nasa malawak kaming arena na pinalilibutan ng mga manunuod na hayok sa dugo. Pataas ang upuan nito na na para bang isang football arena. Malaki at malawak.

Nakita ko pa ang nakaupong nakataas sa isang special seat nila sa itaas kung saan king kita nila ang lahat. Dumako din ang tingin ko sa isang malaking bakal na kahon sa right upper part ng arena na may mga aninong halata na may ginagawa. Control room. Iyon siguro yan.

"Humanda! Atin ng simulan ang seremonya ng mga manlalaro sa taong ito! Ang ika-apat na anibersaryo ng palaro sa Arc Circle! Ang muling pagkabuhay ng dugo ng mga disipulo! Ang muling pagtatanyag ng bandila ng Arc Circle. Atin ng simulan!"

Napakalakas ng boses nito. Nagawa niyang patahimikin ang nagwawalang iba't ibang nilalang na ito. Ng matapos siyang magsalita,muling dumagundong ang lakas ng ingay ng mga ito na para bang gustong gusto nilang makakita ng labanan.

Nadako ang tingin ko sa special seat. Nakita ko doon ang iba't ibang hari. Ang Hari ng West, Hiarlco, District 6, Miraculous at maging ang Hari sa Kabilang mundo ay nandito rin. Hindi mawawala ang Hari ng Asthalia na dimonyo ang itsura.

Napaismid naman ako don. Nakatayo lang kami dito sa gilid habang ipinakikilala ang mga kalahok sa palaro. Naka flash sa screen sa itaas na para bang hologram na nakalutang na kita ng lahat ang mukha ng mga ipinakikilalang kalahok.

Nakita ko ang mukha ni Zero, seryosong seryoso maging ang mukha ng mga kasamahan nito. At ang mukha nila bilang isang grupo-- Asther. Isang lalaking itim ang mukha-- wala siyang mukha. Makapal ang cloak na suot nito pero halata na lalaki at makisig ang sinumang naroroon.

Sumunod ang mga babaeng pula lahat ng suot. Masakit sa mata. Napaka-kikay ng mga ito at babaeng babae sa ayos at itsura. Ipinakilala sila isa isa at pagkatapos ipinakita ang kabuuan ng grupo nito. Hearts.

Tila isang pelikula na nag flashback sa utak ko ang mga pangyayaring hindi ko matandaan na nangyari. Ang pagkamatay ng isang babae. Napapikit ako. Walang mukha. Magulo. Pero nakikita ko ang limang bulto, maging ang mga nakapulang babae.

"Axine."

Napamulat ako ng mata at napahawak ng mahigpit sa braso ni Azer. Nagaalala silang tumingin sa akin pero umiling lang ako bilang tugon. Huminga ako ng malalim. Nagangat ako ng tingin sa direksyon ng Hearts at nakatingin sila sa akin. Isang mapang asar na ngisi at pagtaas ng kilay. Ang klase ng tingin nilang nagsusumigaw ng panganib.

Hindi. Hindi ka dapat magpa apekto Axine. Huminga ako ng malalim at pinilit na ipinagsawalang bahala ang nakita ko.

"Sabihin mo kung hindi ka okay." Mahinang bulong sa akin ni Azer at marahang hinalikan ang gilid ng noo ko.

Rinig ko ang bilis ng tibok ng puso nito. Ang higpit ng kapit niya sa bewang ko. Ang makulimlim at grey na kalangitan. Nakakapangilabot na sumasabay ang malamig na ihip ng hangin sa hayok at malakas na sigawan.

Hanggang sa lumitaw sa pinakagitna ang malawak na ring. Pinalilibutan ito ng electric barrier na prumoprotekta sa labas at para walang magtangka na mangealam sa naglalaban sa loob nito.

Alam kong patayan ang ganap. Dugo ang dadanak. Pero bago kami isabak sa impyernong iyon, binigyan nila kami ng pagkakataon para makausap ang mga nilalang na mahalaga sa amin. Pero wala. Walang umalis sa grupo namin na para bang sinasabi na wala silang pamilya na dapat pagpaalaman.

Hanggang sa may yumakap sa akin.

"Icey." Bulong ko nalang dahil sa gulat. Mahigpit ang yakap nito.

"Piliin mo palagi ang nasa puso mo Asul. Gusto ko, gusto nating makita si Ama at Yarind pero hindi tayo nabigyan ng pagkakataon. Lumaban tayo para sa kanila. Ipanalo natin to para sa kapayapaan ng Asthalia." Sunod sunod na bulong nito at tumalikod na.

Ipanalo para sa kapayapaan ng Asthalia. Kapag nagkaroon kami ng pagkakataon, ang mananalo ay magkakaroon ng karapatan para pumili ng hari at baguhin ang kung anumang gustuhin nito. Huminga ako ng malalim.

Nagbaba ako ng tingin at nakita ko na nakaupo si Azin sa gilid habang malayo ang tingin.

"Hindi ko gusto ang plano mo, Axine." Sambit nito at gumawi ang tingin sa akin. Napangiti ako ng mapait at umiling iling. Wala akong magagawa.

"Axine." Umakbay sa akin si Azer at hinila palapit sa kanya at niyakap ng mahigpit.

Isang yakap na mahigpit. Isang yakap mula sa lalaking minamahal at mamahalin ako-- isang bagay na hindi ko kayang suklian.

--



Thank you RDesigns for making the awesome bookcover

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


Thank you RDesigns for making the awesome bookcover. Lovelots ♡

Asthalia [NOT EDITED]Where stories live. Discover now