Asthalia 05

1.6K 70 1
                                    

Asthalia 05

Napahinto ako at nawala ang ngisi sa labi. Nagmadali ang Reyna na umalis sa harapan ko. Humarap ako sa hari na siyang ibinaba na ang mahaba niyang espada.

"Mag iingat ka sa mga galaw mo Asul." Madilim ang mukha nito. Handa niya 'kong patayin anumang oras na maisipan niya. Walang emosyon akong nakipagtitigan hanggang sa ngumisi ito sa akin.

"Nasaan si Ama?"  Walang emosyong banggit ko.

"Wala akong sasabihin sayo."

Kalmado at walang emosyon ko siyang tiningnan. Hindi alintana ang mga sugat ko sa katawan, ang kumukulo kong sikmura. Ang masakit kong ulo at ang nanghihina kong katawan. Hindi ko piannsin ang mga iyon, kaya ko pa. Kakayanin ko.

May kulay itim na marka ang noo ng hari hanggang sa pisnge. Purong itim ang eyeball nito at puti naman ang mata niya. Ang normal na Thalians ay may mata na para bang tao, kadalasan puti ang nasa labas at itim naman yung bilog. Sa kanya, baliktad.

"Sumunod ka." Lumabas ito ng silid. Sinundan ko siya hanggang sa pumasok kami sa isa pang kwarto. Pinilit kong ilakad ang mabigat na pangangatawan ko.

Bumungad sa akin ang isang mahabang hapag kainan.  Nakahanda ang iba't ibang potahe ng pagkain. Mga prutas. Magagara at sandamakmak. Pumasok tuloy sa isip ko yung unang beses na pumasok ako sa kastilyo kung saan ganitong klase rin ng hapag ang nadaanan ko.

"Sabihin mo kung nasaan ang aking ama." Iwinaksi ko sa isipan ang mga bagay na pwedeng gumulo sa akin.

"Patay na siya." Tumatawang sambit nito.

Nandilim ang paningin ko, sumama ang tingin ko sa kanya. Sa isang iglap lahat ng Helias na nandito ay naging abo. Tunog na lamang ng mga bakal na armour na suot nila ng narinig kong bumagsak sa sahig na naglikha ng masakit sa tengang mga ingay.

Nakita ko ang gulat sa mga mata nito.

"Kung hindi mo babawiin ang sinabi mo, susunod ka sa kanila." May diin ang pagbigkas ko ng mga salitang lumalabas sa bibig ko. Nakita kong nagulat siya at halos hindi makagalaw pero agad ding ngumisi.

"Magaling ka." Hindi nito pinansin ang pagbabanta ko. Umupo ito sa pinaka unang upuan na parang trono. Kumuha ng mansanas at hinati ito gamit ang kutsilyo bago isinubo.

"Ikaw ang napili kong maging Asther ng Black Asther. " Ngumisi ako sa sinabi niya.

"Asther? Bakit? Wala na ba kayong ibang mapulot na papalit kay Alon?" Tumawa ito na parang wala ng bukas. Akmang sasagot siya ng may umeksena.

"King.." yumuko ang hindi pamilyar na lalaki sa Hari bilang pag galang.

"Gusto ko lang ipaalam na si Asul ang napili ng grupo bilang kapalit ni Alon. " 

Nag angat ito ng tingin. Nakasuot ito ng kaswal na kasuotan.  Nakita ko kung paano niya inilibot ang tingin sa paligid na nagtataka.

"Ano pong nangyari sa mga Helias?" Imbis na makarinig ng salita sa Hari tinawanan niya lamang ito. Hindi niya sinagot ang tanong ng lalaki.

"Asul, ikaw ang napili at naatasan ng lahat bilang kapalit ni Alon." Pagdiriin niya. Matigas ang boses nito habang nagsasalita. Umiling iling ako.  Kung normal lang akong Thalians ay mapapasunod niya ako,pero hindi ako isa sa mga Thalians na hindi marunong lumaban.

"Papayag ako sa isang kondisyon." Walang emosyong banggit ko. Magsasalita pa sana ako ng sunod sunod na Thalians ang pumasok. Ramdam ko ang aura na taglay nila, mga miyembro ng Black Asther. Hindi parin nagbabago.

"Mabuti at dumating na kayo. Magsiupo kayo." Nag siupo sila sa kanya kanyang upuan na nakaatas para sa kanila sa harap ng hapag.

"Umupo ka." Umupo ako sa upuan na isinenyas sa akin ng Hari.  Sunod na dumating ang Reyna na masama ang tingin sa akin at ang dalawang Prinsesa. Hindi ako nagkumento. Sila ang may kailangan sa akin kaya nararapat lamang na humingi ako ng kundisyon kapalit ng pinagagawa nila.

"Ngayon, ipaalam mo sa amin ang iyong kondisyon." 

Ngumisi ako bago binigyan ng tingin ang mga patalim na nasa gitna ng hapag. Kahit na puro pagkain ang nandito  may mga patalim sa pinakagitna na ginagamit nila pang hiwa ng mga pagkain.

"Pumapaya--" napatingin ako sa bagong dating. Kumunot ang noo kong nakatingin sa kanya. Nagkatinginan kaming dalawa at nagulat pa siya pero agad ding nakabawi. Hindi ito umimik katulad ng nakasanayan.

Anong ginagawa ni Icey dito? At kung nandito siya nasaan si Yarind at ama?

"Papayag akong maging kapalit ni Alon sa isang kondisyon." Namuo ang tensyon sa hapag.

"Bakit may kondisyon pa? Hindi ba pweding pumayag ka nalang kasi isang karangalan na maging miyembro ng Black Asther?" Masama ang tingin sa akin ni Avier. Oo. Kilala ko siya, kilala ko lahat ng miyemro ng Black Asther.

"Sa totoo lang wala namang kwenta ang grupo niyo." Walang ganang sambit ko bago tiningnan silang lahat. Kitang kita ko ang gulat sa mga mata nito.

"Lima-- este apat nalang kayo kasi umalis si Alon at hindi na nag pakita. Kulang kayo sa miyembro unless kasali si Icey sa inyo edi lima na kayo. Idagdag niyo pa na kailangan niyo ng Asther para makasali sa tournament sa Arc Circle tama ako diba?"  Nginisihan ko silang lahat na natahimik. Hindi ako maglalakas loob na magsalita kung wala akong nalalaman.

"Sabihin mo na ang kondisyon Asul." Nagtama ang tingin namin ni Azer.

"Huwag na huwag kayong papatay ng mga Thalians. Palayain niyo lahat ng nakakulong at walang sala. Ititigil ninyo ang pagpaparusa sa loob ng Saxony at hahayaan niyong mabuhay ng tahimik ang Thalians." Hinampas ng reyna ang lamesa, malakas na kalabog ang narinig namin.

"Hindi mo maaring gawin yan! At sino ka para pakialaman ang pamumuno namin?!"  Kusang umangat ang mga patalim na nasa tapat niya at kanya-kanya ang tutok nito sa mga nakaupo. Marahas ang bose sng reyna.

"Limang buwan mula ngayon, gaganapin ang palaro sa Arc Circle, maikli ang limang buwan para sa inyo na maghanda." Kinuha ko ang isang patalim na nakalutang sa ere at nilaro iyon sa kamay ko.

"Huwag kang mag alala Mahal kong Reyna." Nginisihan ko ito. "Hindi ko pinakikialaman ang pamumuno mo. Ang gusto ko lang ay sa loob ng limang buwan maging malaya ang mga Thalians sa gusto nilang gawin, maging masaya at mabigyan ng bagong kulay ang Asthalia."

"Matalino ka.." Tumawa ang Hari na para bang isang malaking kalokohan ang narinig.

"Masaya? Mapayapa? Nanaginip ka ata."

"But, she can't do that."  Nagsalita si Azin na kanina pa tahimik isa rin siyang miyembro ng Black Asther.

"Ginawa ko na, Azin." Natigilan ito ng magsalita ako.

"S ainyo ang desisyo."  Tiningnan ko sa mata ang Hari na parang walang pakialam. Pinipilit kong itago ang ngiwi dahil sa sakit at panghihina ng katawan ko. 

"Pumapayag ako" Malaki ang naging ngisi ko ng magsalita ang hari. Nakarinig ako ng iba't ibang pagtutol pero wala din silang nagawa.

Bumaba at bumalik sa kinalalagyan ang mga patalim na kanina pa nakalutang. Umalis ng padabog ang Reyna at mga Prinsesa, tumayo narin ako,

"Ngayon, papasok ka sa Etrunatic, Doon mamamalagi hanggat hindi natatapos ang Palaro. May sarili kang silid na nakahanda, maging ang pera na pang gastos ay wala kang aalahanin." Tinapunan ko ng tingin ang Hari.

"Rayver, bilang pinuno ng Black Asther, ikaw ng bahala kay Asul." Hindi ko na pinansin ang mga sunod nilang pinag usapan.

Wala naman na akong pakialam basta susunod sa kasunduan ang Hari, hahayaan ko ang sarili ko na sumali sa Black Asther at maging Asther ng Grupo.

Hahayaan ko na gamitin namin ang isa't isa sa aming mga plano.

--
Edited.

Asthalia [NOT EDITED]Where stories live. Discover now