Asthalia 13

1.2K 50 0
                                    

Asthalia 13

Axine's POV

Pinalibutan kami ng mga naka itim na kasuotan.  Hindi naman ako nag pakita ng kahit na anong emosyon kasi alam ko hindi naman iyon makakatulong. And besides nandyan naman si Azer na makikipaglaban and I'm sure kaya niya naman siguro.

Pinakiramdaman ko lang si Azer na naghahanda at unti-unting tumataas ang aura na nakapaligid sa kanya na tila ba naghahanda ng makipaglaban.  Nakiramdam ako sa bawat galaw ng dahon,  sa bawat yapak na naririnig ko at kaluskos.  Isa lang ang sigurado ko.  Hindi lang sila ang nandito.

Palihim na iginala ko ang paningin. Kakaiba ang paligid at ramdam ko meron pang iba bukod sa amin.  Tumalim ang tingin ko sa isa sa kanilang may hawak na tila ba karayom,  kitang kita iyon dahil sa pagkislap ng matamaan ng kaunting sinag ng araw. Huminga ako ng malalim. Bago ipinikit ang mga mata at walang kahirap hirap na naging abo silang lahat.

Nagulat naman si Azer,  ramdam ko at kitang kita na natigilan siya.  Hindi ko naman siya masisisi kung ganoon ang magiging reaksyon niya. Napahawak ako sa bato na nasa likod ko ng makaramdam ng hilo. Side effect. Ugh.

"Axine." Akmang lalapit siya ng pinigilan ko siya.

"Huwag kang lalapit. Okay lang ako." Pilit kong pinakalma ang boses ko at tuluyang napaupo sa bato.  Sumandal nalang ako dito at huminga ng malalim.  Bigla akong nanghina. 

"Axine..."

Tinapunan ko siya ng tingin at hinintay kung ano nga ba ang sasabihin niya pero wala akong narinig. Umiwas siya ng tingin. Marahil siguro ay napapansin niya na palaging mata ang tinitingnan ko.

"Isang rason kung bakit walang gustong maging Asther ng grupo." Pagsisimula niya at umupo sa tabi ko. Sapat lqng ang layo niya sa akin para hindi siya ma-apektuhan ng kapangyarihan ko.

"Ano naman?" Kunwari interesadong tanong ko.

"Kapag naging Asther ka kasi,  hindi impossibleng mamatay ka ng maaga. Atsaka kailangan ng lakas ng loob sa kung ano man ang kahaharapin. Kagaya nalang kanina. Hindi iyon inaasahan pero dumating. Parang ikaw,  dumating nalang bigla." Lumingon ako sa kanya saktong nakatingin siya sa akin.

Nahigit ko ang hininga. Ayoko ng paraan ng pagtitig niya. Ayoko rin ng epekto ng prisensya niya sa kain.. Ayoko sa lahat sa kanya. Hindi ko maipaliwanag. Hindi ko alam.

Natigil ang pagtititigan naming dalawa ng umalingawngaw ang tunog ng kampana. Pinilit kong tumayo kahit na nanghihina ako,  wala akong pakialam. Kailangan kong malaman kung ano ang nangyayari.

Ang nasa isip ko lang ay may pinarurusahan sa Saxony at hindi ko iyon mapapatawad. Kailangan nilang sumunod sa napagkasunduan. Sa napagusapan. 

Natigilan ako ng inalalayan ako ni Azer.  Ayoko man pero wala akong magawa kasi nandyan na siya at alam ko naman ilang minuto lang babalik na sa dati ang lakas ko.

Nilipad niya ako hanggang sa Saxony. Nilipad niya ako gamit ang pakpak niya habang ang mga braso ay nakayapos sa bewang ko para alalayan ako.  Hindi ko nagawang mag reklamo kasi iyon naman ang gusto ng katawan ko at baka ihulog niya pa ako ng wala sa oras kapag nagpumiglas ako.

Narating namin ang Saxony, tumalim ang tingin ko ng makita na may dalawang tao ang nakatali sa loob ng Saxony. Sariwa pa ang dugo na dumaragdag sa mantsa sa sahig nito.

"Ibaba mo ako sa miamong gitna ng Saxony."  Malamig na utos ko. Alam kong nagalangan siya pero sumunod din. Naagaw namin ang atensyon nilang lahat lalo na ang itsura ng pakpak ni Azer.

Taas noo akong tumingin sa Reyna gamit ang matalim na tingin.

"Ilang beses na natin tong napagusapan,  akala ko ba malinaw na ang lahat sa inyo? Hindi ko alam na ganyan kakikitid ang mga utak ninyo." Diretso sa matang banggit ko.  Nakita ko kung paano mag tagis bagang ang Hari maging ang Reyna.

"Wala kang karapatang labagin ang kautusan. Sila ay nagkasala!  Dapat silang mamatay!" Pagpupumilit ng Reyna na pilit nag tatapang tapangan sa harapan ko.

"Nagkasala? Sa paanong paraan? Ang labagin ka? Ang gumawa ng mabuti na masama sa inyong paningin? Wag niyo kong pinaglololoko." Nagtitimping banggit ko. 

Nararamdaman ko ang mabibigat na paghinga ni Azer sa likod ko. Base sa galaw ng hangin, hindi lang siya ang mayroong ganuong klase ng paghinga. Maging ang mga Thalians sa paligid ko ay nagsisimula naring kabahan at matakot.

"Kung hindi niyo kayang sundin ang kondisyon ko. Mabuti ng walang Asther ang manatili sa inyo." Pinal na banggit ko. Halos mawalan naman ako ng balanse ng biglaang may tumamang kung ano sa balikat ko.

Umagos roon ang masaganang pulang likido pagkatapos ng ilang saglit. Tumulo iyon sa sahig ng Saxony dahilan para bahagyang magliwanag ang buong Saxony.

"Umalis ka. Umalis ka kung iyan ang gusto mo, Asul. Pero hindi ko masisiguro ang kaligtasan ng lahat ng nandirito."

Biglang singit ng hari at doon biglang nawalan ng buhay ang pinarurusahan nila. Dumanak ang dugo nito sa templo at wala akong nagawa roon. Dumako sa akin ang mapanghusgang mata ng mga Thalians. Naikuyom ko ang kamao.

"Nakita mo na? Ikaw mismo ang nagsabi na iligtas sila pero sa ginagawa mo, inilalagay mo ang buhay nila sa kapahamakan, Asul." Ngumisi sa akin ang hari kasabay ng muling pagtumba ng isa sa mga Thalians na bigla nalang lumitaw sa loob ng Saxony.

Muling sumenyas ang hari at ipinasok sa loob ng Saxony ang isang batang babae. Inosente ang marungis nitong pagmumukha na para bang anumang oras ay iiyak na.

Nagtama ang tingin namin ng bata. Ang mata niyang punong puno ng determinasyon, yumuko ito sa akin.

"Pabagsakin mo ang Hari at Reyna. Kahit ang ibig sabihin man nito ay ang pagguho ng buong Asthalia, matatanggap namin."

Pilit kong itinago ang gulat na naramdaman ko ng marinig ko ang seryosong boses nito sa utak ko. Parang hindi bata, diretso ang tingin nito sa akin.

"Aviera." Mahinang banggit ko.

"Pakawalan mo siya!" Sigaw ko ng akmang puputulan nila ito ng leeg.

"At sino ka para sundin ko, Asul?" Tuluyan ng humiwalay ang ulo nito sa katawan niya. Nakakuyom ang kamao at halos hindi ako makahinga. Napayuko ako dahilan para  tumabon sa mukha ko ang pulang buhok ko.

"Ako ang Hari ng Asthalia. Asther ka lang, Asul. At anumang oras ay pwede kang palitan." Natatawnag sambit nito sa akin.

"Sa katigasan ng ulo mo at pagmamagaling mo, tingnan mo ang nangyari. " naramdaman ko ang prisensya ng hari sa harapan ko at ang biglaang pagtalsik ni Azer palayo sa akin.

"Ikaw ang may kagagawan ng lahat. Kasalanan mo ang lahat."

--

Asthalia [NOT EDITED]Where stories live. Discover now