Asthalia 17

1K 48 0
                                    

Asthalia 17

"Anong ginagawa ng mga traydor dito?" Nanggagalaiting tanong ni Azin. Madiin ang pagkakayukom ng kamao nito at hindi maipinta  ang mukha pero isa lang ang masasabi ko. Napakatindi ng galit nila sa isa't isa.

"It's been a while Azin. Hindi parin pala kayo nagbabago." Nakangiting sabi ng nagngangalang Draku. 

"Back off Draku!" Mariing sambit ni Avier at pakiramdam ko konti lang ay magsasalpukan na ang dalawang grupo. Pakiramdam ko sasabog sa tensyon ang buong lugar.

Tumingin ako kay Zero at doon ko napansin na hawak niya na ang malaking tipak ng bubog mula sa nabasag na baso. Hindi ako nagpakita ng kahit na anong emosyon kahit nagulat ako kasi hindi ko namalayan ang pag kuha niya sa akin nun.

Matiim ko siyang tiningnan. Meron siyang mapanlinlang na kulay itim na mga mata. Nakangiti ito na para bang nagbibiro lang.

"Hanggang saan ba ang kaya mo?" May tuwa ang boses ni Zero habang ang mga mata ay nakatutok sa akin. Nilabanan ko ang mapanlinlang na tingin nito.

"Gusto mong subukan?" Malamig na tanong ko. Lumuwang ang pagkakangiti niya na para bang nasiyahan siya sa narinig niya.

Hindi siya nagsalita at walang sabi sabing bumuka ang pakpak nito dahilan para makarinig kami ng ilang pag singhap at mabaling sa aming dalawa ang atensyon nila.

"Huwag mong subukan Asul." Nagbabantang sambit ni Azer. Nginisihan ko lang siya bilang tugon bago naunang lumipad kay Zero paalis dito na agad naman niya akong sinundan.

Tumigil ako sa paglipad at nanatiling nakalutang sa hangin. Magkaharap kaming dalawa at kita ko ang pag ka mangha sa mga mata niya ng makita ang mga pakpak ko.

"I admire your wings a lot." Nginisihan ko lang ito.

"Simula pa noong una. Napakaganda ng mga pakpak mo." Sabi pa niya habang titig na titig sa mga pakpak ko na para bang kinakabisa kung anuman ang itsura nito. Ibinaba ko ang hood ng cloak ko at inalis ang maskara ko.

"It's good to see you again. Zero." Nakangising sabi ko.

--

Third Person POv

Lalong kumawala ang napakalakas na tensyon sa pagitan ng Spade Seagles at Black Asther. Mga matang puno ng galit at pagkamuhi.

Tila ba ang bawat isa ay naghihintay lang kung sino ang unang kikilos at agad silang madidiklara ng napakalaking gyera.

"Binabaliktad niyo ang sitwasyon." Nakangisi ngunit malamig na sambit ni Draku. Nagsusumigaw ang napakadilim na aura nito.

"Kayo ang unang tumaliwas sa kasunduan!" Akmang susugod si Avier ng pigilan ito ni Azin. Mahigpit ang pagkakahawak niya sa braso nito dahilan para mapatigil siya.

"Naduduwag ba kayo?" Magsasalita na sana si Rayver ng makarinig sila ng malakas na pagpagaspas ng pakpak. Nadako ang tingin nila kay Zero na para bang natutuwa at sa walang ekspresyon na si Asul. Pero halata ang kislap sa mga mata nito. 

Labis silang nagtaka sa kinilos ng dalawa. Lalo na ng maunang lumipad si Asul at sinundan naman ito ni Zero.

Akmang susunod na ang iba pang kasapi ng Spade Seagles pinigilan ito ni Draku.

"Hayaan niyo sila." Seryosong sabi nito dahilan para mapatigil ang miyembro niya.

"Alam ni Zero ang ginagawa niya." Paninigurado niya.

Nanatili silang nagmamasid sa dalawang taong nakalutang sa ere gamit ang mga pakpak nila na tila ba walang balak makipag laban sa isa't isa.

Hindi rin nila magawang marinig kung anuman ang pinaguusapan nito dahil sa enerhiya at mahika na nakapalibot sa kanilang dalawa.

Nagtataka na nakamasid si Rayver sa maaring mangyari. Nakakunot ang noo nito at nakakuyom ang kamao habang minamasdan si Asul na nakikipag usap sa isa sa mga traydor.

"Trust Axine. Alam niya ang ginagawa niya." Malamig na sambit ni Icey. Sa kauna-unahang pagkakataon tinawag niyang muli si Asul sa tunay nitong pangalan.

Bago pa man makapagtanong ang sinuman sa kanila, tumalikod na ito na parang walang pakialam at naglakad palayo. Walang emosyon, malamig ang mga tingin at kayang ipakita at iparamdam sayo kung anu man ang kintatakutan mo.

Sinong Axine? Naiwan ang katanungan sa isip nila maliban kay Rayver na nawalan na rin ng emosyon. Nakapamulsa na ang mga kamay nito at hindi na nakakunot ang noo.

Nagitla nalang sila ng bumalik si Asul sa lugar na kinalalagyan nila at walang emosyon na naglaho ang mga pakpak niya. Habang naiwan namang nakatulala si Zero na nanatiling nakalutang at hindi gumagalaw.

Ang reaksyon nitong wari'y gulat na gulat at takot na takot. Nawala narin ang mapanlinlang niyang mga ngiti at ang mga mata niyang napupuno ng halo halong emosyon. Nang hindi mapigil, kasabay ng malakas na ihip ng hangin ay ang pagkuyom nito ng kanyang mga kamao na tila ba doon siya humuhugot ng lakas.

"H-hindi.. Hindi maaring siya ang taong yun. Hindi si Axine." Nanginginig na bulong nito bago tuluyang lumipad palayo para maiwasan ang pag tatanong ng kasamahan niya.

"Umalis na kayo." Malamig na sambit ni Asul dahilan para mabalik sila sa Ulirat. Bumaling ang tingin ni Draku kay Asul.

"A-anong ginawa mo sa kanya?" Tanong nito na nakapagpatigil kay Asul. Lumitaw ang ngisi sa labi nito na agad namang naglaho bago bumaling kay Draku.

"May nakita ka bang ginawa ko?" Balik tanong nito. Walang pinagbago ang tono ng boses ni Asul pero mababakas doon na nakikipaglaro siya.  Natahimik ang Black Asther at iba pa.

"Alam kong may ginawa ka." Giit ni Draku at mabilis pang kwenelyuhan si Asul na naisandal niya ng mariin sa pader.

"Bakit? Sa tagal niyang kasapi ng Spade Seagle, hindi niyo parin ba alam kung sio talaga si Zero?" Tanong nitong muli at ngumisi na nakapagpasindak kay Draku. Sa unang pagkakataon, nakaramdam siya ng takot. Takot lalo na ng tumitig sa asul na mga mata nito.

"Anong sinasabi mo?" Hinawakan ni Asul ang braso nito dahilan para mapabitaw siya.

"Ano bang sinasabi ko Draku? Huwag kang magkunwaring walang alam dito." Nakangisi paring sambit ni Asul. Doon tuluyang natigilan si  Draku at matiim na tinitigan si Asul.

Labis naman na nagtataka ang miyembro ng Black Asther at Spade Seagles kung ano ang pinaguusapan ni Draku at Asul. Hindi nila ito maintindihan at walang ideyang pumapasok sa isip nila. 

Tumitindi ang tensyon sa pagitan nilang dalawa. Ngayon kay Asul at Draku naman. Parang may alam si Asul na hindi alam ng lahat pero hindi yun sapat para pag dudahan nila si Asul.

"Umalis na kayo. Bago pa dumating ang mga Helias." Pero ang mga paa nila ay nakapako sa sahig. Wala ni isang gumalaw dahilan para tumalim ang tingin ni Asul sa kanila.

"Kung gusto niyo akong makalaban. Hintayin niyo ang tournament at doon tayo magpatayan." Delikado ang pagkakasambit nito. Nakakapangilabot. Lalo lamang nanigas ang Spade Seagle.

Mas tumalim ang tingin ni Asul.

"Umalis na kayo bago ko pa kayong gawing abo"  walang emosyon na sambit nito dahilan para mag unahang umalis ang natitirang kasapi ng Spade Seagle.

Unti unting umangat ang sulok ng labi nito habang minamasdan ang pagalis ng kanyang 'kaibigan' . Lumuwang ang pagkakayukom nito sa kanyang kamao.

P-paano niya nagawa ang bagay na yun? Ang tanging tanong nalang ng nakakita sa ginawa ni Asul.

Mas lalong lumamig ang pagtrato nito sa kanila. Walang emosyon at ni tingin ay hindi sila binigyan.

"Umalis na rin kayo." Sambit nito habang malayo ang tingin. Pero litaw na litaw ang nakakapangilabot na ngisi nito.

"Wala ka paring pinag bago Zero."  Bulong nito sa hangin.

--

Asthalia [NOT EDITED]Where stories live. Discover now