Asthalia 30

792 32 0
                                    

Axine.

Magkasunod kaming bumaba ng hagdan para tingnan kung anong dahilan ng kalabog kanina. Masyado itong malakas para sa normal na pagkalabog ng nahulog lang na bagay.

"Icey," walang gana kong banggit ng makita siya sa kusina. Hindi pala iyon isang kalabog kundi isang pagsabog.

Pagsabog sa kusina.

"Opps! My bad. Sorry" ang mga mata nitong may halong kislap kahit nakasimangot.

"Hindi ko na kasi kayang i contain yung mga pagsinghap mo habang nag mi-make out kayo. Sorry" nanlaki ang mga mata ko sa sinabi nito.

What the fuck?!

"Icey!" Pinanggigilan ko siya ng tingin. Ngumiti siya sa akin ng awkward. Hindi ko alam kung paano ko itatago ang hiya, kasi sa totoo lang, gusto kong lumubog ngayon sa kinatatayuan ko.

I forgot na isa iyon sa senses niya na hindi niya pa lubusang nako-control kaya kahit ano naririnig niya.

Bigla na lamang bumalik sa dati ang kaninang sunog na kusina. So, it was her illusion again. Damn her ability! Naririnig niya ang mga bagay na hindi niya dapat marinig! Ugh!

"Rayver, may tatlong araw tayo para magpahinga at mag ensayo." Humahangos na sambit ni Avier ng makita kami.

Lumitaw sa likod nito sila Azin at Austin na may hawak na pamingwit. At isang timba. Sinilip ko naman ang laman ng timba at napagtanto ko na isda ang laman nito.

"Namingwit kayo?" Tanong ko rito. Inilapag nila ang dala sa lamesa at agad naman itong kinuha ni Azin para linisan ang isda na mag sisilbing hapunan namin.

"Oo e. Wala na tayong pagkain." Sambit lamang ng mga ito. Tumango tango ako at dumeretso sa upuan sa sala. Nag si- sunod naman sila habang naiwan sa kusina si Azin dahil sa ginagawa nito.

"Tatlong araw nalang ang meron tayo." Pag bubukas ng usapan ni Avier. May kung anong kinakalikot ito sa isang dahon na hindi ko malaman kung ano.

"So, mag sisimula na pala ang laro" tumango tango ako at hindi nakitaan ng pagkabahala. Hindi dahil hindi ako natatakot kundi dahil magaling lang akong mag tago.

"Free kill." Wala sa sariling sambit ni Austin. Tiningnan ko siya na para bang humihingi ng eksplinasyon sa sinabi nito. Hindi maganda ang kutob ko sa sinambit niyang mga salita.

"Laban ito sa labas ng Arc Circle. Tinatawag na free kill ang tatlong araw bago ang palaro. Bibigyan ng chance ang bawat kalahok na pumatay ng ibang grupo maki pag 'deal' ng kung ano. Its either, mag tutulungan sila para pabagsakin ang isang grupo para sila ang magharap sa huli o kaya naman sila ang papatay sa Asther na nag sisilbing gemstone at lakas ng isang grupo."

Ngayon, malinaw na sa akin ang lahat. Ang kailangan namin ngayon ay mag handa kasi anumang oras ay may maaring sumugod sa amin at mag deklara ng digmaan sa pagitan ng bawat grupo.

Bumuntong hininga ako.

"Asul, tulungan mo muna ako dito" tumayo ako dahil sa pagtawag ni Azin sa kusina. Walang nag abalang sumunod o maki alam. Nanatili silang nag uusap sa mga bagay bagay.

Dumako ang tingin ko kay Azin na naka halukipkip.

"Pwedi bang tigilan mo na to, Axine?" Nahinto ako sa pag iihiwa ng mga sangkap hindi dahil sa seryosong boses nito kundi sa pagtawag niya ng Axine at hindi Asul. Ito ang kauna unahang pagkakataon na magkakausap kami ng matino kung sakali.

"Ang alin? Ang pagluluto? Ikaw pa diba ang humingi ng tulong sa akin?" Nakangising banggut ko at dinahan dahan ang pag baon ng kutsilyo sa isang mansanas na nakita ko lang sa isang tabi.

Dumako ako sa kalan para tingnan kung kumukulo na ba ito. Inihalo ko ang mg kasangkapang hiniwa ko, at inilagay naman sa bibig ko ang hiwa ng mansanas.

"Hindi ako nakikipag biruan, Asul. Kung wala kang balak saluhin si Rayver, tigilan mo na siya." May halong tigas at pagmamakaawa ang boses nito. Ni hindi ko alam na maari palang maghalo iyon sa iisang tono.

"Ano bang sinasabi mo?" Nagkibit balikat ako at minasdan ang iba na nag tatawanan na sa sala. Kasama na doon si Azer.

"Huwag ka ng magkaila. Simula ng makita kita,na kinuha ang bracelet na iyon sa palasyo, alam ko ng ikaw ang sisira ng lahat. Maging ang pagkatao nila ay sisirain mo." Napatango tanfo naman ako na para bang naiintindihan ito.

"Kapangyarihan mo?" Walang ganang banggit ko dito at tinapunan siya ng tingin. Nginisihan ko ito ng tumango siya.

"Wala ka parin bang tiwala sa akin hanggang ngayon? Alam mo bang hindi ko ginusto na magpakilala bilang Asul at lumitaw sa Saxony. Hindi ko ibubuwis ang buhay ni Yarind at ng Ama ko kung may balak lang akong paglaruan kayo."

Umupo ako sa stool at inubos ang mansanas. Ramdam ko ang mata nitong hinihimay kung nag sasabi ako ng totoo.

"Hindi ako ganuon katanga para hayaan na ikulong ang sarili ko sa itim na silid na iyon, Azin." Naging malayo ang tingin nito.

"Kailanman hindi nagkamali ang nakikita ko. Alam ko ang koneksyon mo kay Zero. Alam ko ang alam mo sa Hari. Alam ko ang mga balak mo, Asul. Alam ko maging ang takbo ng utak mo." Napatawa ako ng mahina sa sinabi nito. At namamanghang tiningnan siya na ngayon ay nakakunot ang noo.

"Alam ko na sisirain mo ang pagkatao ni Rayver. Alam ko na ta-traydurin mo si Icey. Alam kong sasama ka sa Hari." Tuluyan akong natawa ng malakas sa sinabi nito. Binasa ko ang mga labi ko, at nakangising tiningnan siya.

Hinawi ko ang pula at nakalugay kong buhok gamit ang mga kamay ko at natatawang tiningnan siya.

"Nag o-overthink ka yata." Sambit ko at pinatay ang apoy sa kalan. Tumayo ako sa harapan niya, at nakita ko ang gulat sa mga mata nito. Mataman kong tiningnan ang mga mata niya at hindi humiwalay dito. Isang ruler lang ang layo ng mukha namin sa isa't isa.

"Azin, kung tama ang nakikita mo. Sabihin mo sa akin." Mapanganib na banggit ko. Lumakas ng konti ang hangin at naramdaman ko ang malamig na paglapat nito sa katawan ko.

Kita kong nawalan ng kulay ang mga mata niya habang titig na titig sa mga mata ko. Ramdam ko ang tensyon, ang pagkuyom ng kamao niya, ang pag daan ng galit at paghihinayang na emosyon sa mga mata niya.

"Yan.. yan ang totoong mangyayari, Azin." Pinat ko ang ulo nito at nginitian siya ng matamis bago tumalikod at dumeretso sa kwarto ko ng may ngisi sa labi.

Napailing iling nalang ako.

--

Asthalia [NOT EDITED]Where stories live. Discover now