Asthalia 14

1.1K 53 2
                                    

Asthalia 14

Huminga ako ng malalim bago i-atras ang kaliwang paa para sa final attack na gagawin ko. Nandito ako ngayon sa tinatawag nilang training room. Walang ibang tao kundi ako lang. Hating gabi na at panigurado lahat ay tulog at nagpapahinga na.

Kumawala ang kulay puting usok mula sa palad ko at tuloy tuloy ito sa pader ng training room. Inabsorb lang naman ito ng pader na walang nalikhang kahit na anong fracture.

Huminga ako ng malalim. Butil ng pawis ang tumutulo mula sa noo ko at hindi narin normal ang paghinga na ginagawa ko. Hinubad ko ang cloak na suot ko at hinayaang mahulog iyon sa sahig. Naalis narin ang maskara ko.

Mahigpit na hinawakan ko ang bracelet na siyang nagsisilbing sandata ko. Umilaw ito ng tatlong ulit at  kasabay ng pagpikit ko sa aking mga mata ay ang paglitaw ng bow and arrow sa mismong palad ko na nagsisilbing sandata ko. 

Isang dummy na limangpong metro ang layo sa akin ang balak kong tirahin. Pinakawalan ko ang arrow. Rinig ko pa ang tunog na likha nito bago pilit na tiningnan kung umabot pa ito and shoot! bullseye!

Pumikit ako at sinimulang ibuka ang pakpak ko. Miss ko rin to. Ang makapagsolo kami ng pakpak ko,  ang malaya ko itong maibuka ng walang taong nakaka-kita. Walang taong nagmamasid at namamangha.

Lumipad ako paitaas, malawak ang training room kaya wala iyong problema. Kung baga puti ang makikita mo na para bang kawalan.

Lumipad ako at sunod sunod na pinakawalan ang arrow ko sa bawat dummy na mahahagip ng mga mata ko.

Sa panahon ngayon, kailangan ko itong seryosohin kasi wala naman akong mapapala kapag nilaro mo lang amg mga bagay bagay. Kailangan kong patunayan na kahit isa lang akong Asther, may ibubuga ako. Hindi ko na hahayaang mangyari ulit yung nangyari kanina.

Kasalanan ko kung bakit nagkaganuon. Kung bakit lumala lahat. Kung bakit namatay ang mga inosenteng mamamayan. Dapat hindi na ako nangealam.

Pinakawalan ko ang pang labing limang arrow at bumaba ng habol ang hininga. Bullseye lahat. Walang mintis o daplis.

Napahinto ako ng makarinig ng sunod sunod na palakpak. Tiningnan ko naman kung saan ito nanggaling, nakatayo sa pintuan si Azer na siyang pumapalakpak at nakangisi.  Tumayo ako ng maayos.

"Gumagaling ka.." Puri niya. Nanatili akong nakatingin sa kanya.

"Anong ginagawa mo dito?" Sinundan ko siya ng tingin,  pumunta siya sa sulok kung nasaan ang mga sandata.

"Pinapanuod ka."

Iba ang lamig ng boses na pinapakita niya. Nakangisi parin siya habang isa isang hinahawakan ang matatalas na sandata na nandito.

"Huwag mo akong pinaglololoko Azer." Binalingan niya ako ng tingin. Alam ko ang emosyon na naglalaro sa kanyang mga mata.

Walang emosyon na sinalubong ko ang tingin niya. Tapos bigla nalang siyang natawa.

"Gusto kitang makalaban. Gusto ko ng totoong laban." Unti unting umangat ang sulok ng labi ko dahil sa sinabi niya.

"Walang nakakakita,  walang maitatago. Yung tipong totoo lang at seryoso." Dagdag pa nito.

Umangat ang cloak ko at kusa iyong sumuot sa katawan ko. Isinuklay ko ang kamay sa buhok ko at tiningnan si Azer,  seryoso at walang halong biro. Mukhang talagang mapapalaban. Kapwa kami nagtitigan at walang balak humiwalay ang tingin sa bawat isa. Parangpilit na binabasa ang mga susunod na kilos. Nahagip ng mata ko ang kislap ng mata niya.

Kasabay din nun ang sunod sunod na paglipad ng mga sandata na nasa sulok kanina papunta sa akin.  Mabilis na sumalo ako ng isang espada at iyon ang binato ko sa kanya.

Napabalikwas ako sa ere dahil sa dami ng needles ngayon ang nagkalat. Pilit ko itong iniwasan at bahagyang napadaing ng matamaan ng needles ang pakpak ko. Ugh. His weapon!

Napapikit ako dahil sa hapdi at sa muling pagdilat,  iba na ang setting namin. Nandito na kami ngayon sa isang malawak at patag na lupain.

Si Azer na sa tingin ko ay hindi pa umaalis  sa kinalalagyan niya kanina pa.  Bumaba ako sa lupa at walang emosyon na tiningnan siya.

"Huwag ka ng maglaro pwedi ba? Gusto ko ng totoong laban." Nakangising sambit ko na sinuklian niya rin ng isa pang ngisi.

"As you wish." Bumuka ang mga pakpak niya at bahagyang lumakas ang hangin sapat na para liparin ang buhok ko.

Magandang training din ito kung sakali. Kaya nagiba ang kinalalagyan namin ay dahil sa switch na meron ang training room na to. May kakayahan itong ibahin ang kinalalagyan namin dipende sa kagustuhan mo,  pweding isang tulay, hardin, paraiso,  syudad o kung ano pa man na pweding paglaanan ng lakas mo bilang isang magsasanay.

"Ang layo yata ng narating ng isip mo?"

Nabalik ako sa reyalidad ng tumalsik ako ng isang metro dahil sa kanya. Agad naman akong tumayo hindi ininda ang gasgas na natamo ko.

"Hindi naman masyado." Sagot ko at sinimulan siyang atakihin. Nagbatuhan kami ng sipa, suntok, sapak. Kahit ano na nasasangga naman namin. Dumako ang mga mata ko sa kamay niya ng biglang sa isang iglap may hawak na siyang espada.

Marahas akong napaaatras. At tiningnan siya ngayon na hawak ang isang espada,  I forgot. Nakokontrol niya pala ang lahat. Lahat lahat.

Pumulot ako ng isang dagger, twin dagger. Sumugod siya sa akin gamit ang espada na agad kong sinangga ng dagger. Sa lakas ng impact napaatras ako.

"Easy.." Nakangisi kong sambit. At pinwersa ang dagger dahilan para mapaatras siya. Mabilis akong lumipad pataas at akmang aataki ng bigla akong mapaluhod. At bumagsak sa lupa.

"Argh. Cheater."

Tiningnan ko siya na ngayon ay tumatawa sa harapan ko. Ginamit lang naman niya ang kapangyarihan niya. And I know wala akong laban

"Sabihin mo yan sa pwedi mong makalaban Axine."

Tumitig ako sa mga mata niya. Since ang kapangyarihan ko ay kayang makapatay sa isang sigundo, syempre I know my limits.

"Cheater." Madiin na bigkas ko. Naglaho ang mga pakpak ko at tumulo ang pawis mula sa noo ko.

Nakita kong umiling iling kaya napangisi ako sa isip ko. Inilahad niya ang kamay niya at hindi ko naman to magawang abutin kasi hindi ko maigalaw ang katawan ko. Lalo ko siyang simaan ng tingin na ikinatawa niya lang.

"Sabihin mo munang gwapo ako." Bahagya siyang lumuhod para maging katapat ko. One thing is sure, pinaglalaruan niya ako.

"I don't utter lies." Walang ganang sambit ko. At tinitigan siya,  nagtitigan kami na kapwa masama ang tingin sa isat isa-- no. Masama ang tingin niya sa akin na nakangisi while walang gana ang tingin ko sa kanya.

"Pakawalan mo na ako Azer." Nangangalay na kasi ako. Ugh. Umiling iling siya

"Say it first." Inirapan ko siya. Hindi lang hangin ang dala into, bagyo. Hindi ako nagsalita. Kahit saang anggulo,  panalo siya sa laban naming dalawa.

Sa isang iglap,  ng maramdaman ko na wala na ang kapangyarihan niya sa akin, tiningnan ko siya sa harapan ko,  nandoon parin ang ngisi niya.

Sa hindi inaasahan,kasabay ng malakas na ihip ng hangin ang kusang paggalaw ng mga kamay ko para hilahin siya at halikan sa labi na ikinahinto naman niya.

--

Asthalia [NOT EDITED]Where stories live. Discover now