Asthalia 10

1.4K 55 0
                                    

Asthalia 10

"Mamili ka." 

Nasa harapan ko ang nakahelera at libo libong uri ng patalim, maging ng mga sandata. Nasa isang malawak kaming kwarto. Walang kahit na ano na makikita kundi pawang kawalan lang.

May matatalim na katana, mahahaba, makakakapal, maiiksi, pati ang mga punyal na may iba't ibang disensyo, ang Ice peak na matatalim din. Maging ang mga hindi ordinaryong karayom na ginagaamit sa pakikipag laban. Nag lakad lakad ako at pinakikiramdaman kung anu nga ba ang nababagay sa akin.

"Anong weapon mo?" Tanong ko ng hindi tumitingin kay Azer na sumusunod. Sinubukan kong haplusin ang mga talim ng espada.

"Here." Pinakita niya ang tatlong piercing sa tenga niya.

"Needle"

Kalaunan ay humakbang ako palayo mula sa mga sandata. Nagtatakang tumingin sa akin si Azer. Umiling lang naman ako bilang tugon.

"Bakit ayaw mong mamili?" Gulong tanong nito sa akin. Hindi ako nagbigay ng kahit na anong emosyon bago bahagyang ikinumpas ang mga kamay ko at unti-unting lumitaw sa balikat ko ang isang bugkos ng arrows. 

"Hindi ko na kailangan pang muling pumili ng sandata, Azer." Sambit ko at ipinakita ang bow na hawak na ngayon ng kaliwang kamay ko. Ngumisi lang sa akin si Azer at nagkibit balikat. Muli kong itinago ang sandaa ko at hinarap namin ang Black Asther na naghihintay.

"Hindi mo naman sinabi agad na may sandata ka na palang magagamit, Asul." Inakbayan ako ng nalangiting Azin na sinamaan ko ng tingin, tumawa lang siya ng awkward bago alisin ang pagkaka-akbay sa akin.

Tumikhim naman si Azer sa gilid at nakita ko ang pagsama ng tingin nito kay Azin na para bang nagbabanta. At hindi na bago sa akin ang ganuong klase ng tinginan.

Si Azer ang nag sisilbi naming leader na siyang mag sasanay sa amin. Sino nga bang kokontra? Ang kapangyarihan niya ay ang komontrol ng lahat. Kahit ano ay kaya niyang kontrolin. Ang pag daloy ng dugo mo, ang pag tibok ng puso mo, ang isip mo o kahit na anu pa mang bagay sa mundo. Maging ang sarili mong paghinga. Kaya niyang iparamdam sa iyo ang mga bagay na hindi mo naman dapat maramdama-- natigil ako sa pagiisip ng mapansin na nakatingin silang lahat sa akin.

Isinenyas lang ni Avier na lumapit ako at doon piahelera kami sa gitna. Magkakasunod at may sapat na distansya sa bawat isa.

"Ipakita niyo sa akin ang mga pakpak niyo."

Natigilan ako sa sinabi nito, sunod sunod na naglabasan ang pakpak nila na parang agila. Iba't iba at angkop ang kulay sa bawat pakpak ng sinuman.

Sunod na naglabas ng pakpak si Icey, it is a pure white, at parang balahibo lang na kung titingnan ay malambot, pero doon ka malilinlang, matatalim ang pakpak ni Icey, matalim na hindi mo aakalain.

"Show me your wings." Nabaling ang tingin ko kay Azer, napansin ko na lahat sila nakatingin at nag hihintay. Para bang nanguutos ito habang nagbabanta ang mga mata.

"Ayoko nga." Walang ganang banggit ko.

"Kailangan kong makita ang pakpak mo para alam ko kung anong klaseng pagsasanay ang makakayanan mo." Umiling ako at hindi kumbinsido.

"Ganito nalang, ipapakita ko ang pakpak ko ganuon rin ang iyo."

Bahagya akong napahinto bago kusang tumango. Lumitaw sa likod niya ang isang pakpak na tulad ng agila, patulis ang dulo nito sa ibaba, at kulay brown ang kulay na may halong pula, napaka ganda.

Hindi ko maalis ang tingin ko rito. Parang nangaakit na ewan. Ngayon lang ako nagandahan ng ganito sa isang pakpak.

"Now, show me your wings." Nabalik ako sa wisyo ng lumitaw siya sa harapan ko. Nakangisi ngunit nanatiling nagbabanta ang mga mata.

Pumikit ako at pinakiramdaman ang sarili. Naramdaman ko ang kakaibang sakit sa likod ko habang unti unti itong lumalabas. Ilang araw ko na bang hindi napapalabas ang mga pakpak ko? Hindi ko na maalala kung kailan ko ito huling nagamit.

"Beautiful.."

Nag mulat ako ng mga mata, itsura ng pakpak ko? It was black na may halong neon blue at nagmumukha itong highlight, matutulis ang bawat dulo at animoy isang sandata, bahagya pang lumitaw ang kidlat dito pero agad ding nawala.

"Ang ganda ng pakpak mo Asul." Hindi ko pinansin si Avier na malaki ang ngiti sa akin habang si Azin ay marahang naiiling.

Alam ko rin kung gaano tumingkad ang kulay ng mga mata ko, huminga ako ng malalim.

"Hanggang ngayon hindi parin ako sanay makita ang mga pakpak mo Asul." Inirapan ko lang si Icey.

"Dalawa o tatlong beses mo palang yata ito nakita" sagot ko naman tumango siya. Naramdaman ko ang pagtikhim ni Azer kaya nabaling sa kanya ang atensyon ko.

"Now, gusto kong lumipad kayo at kontrolin ito sa kahit na anong aspeto."

Tumango ang lahat, sinimulan naman iyon ni Austin habang tinatamaan ng kapangyarihan nito ang mga dummy na nakalutang at nakadikit sa gilid. Sinundan siya ng iba pa, maging si Icey ay sumabak din.

At nakita mismo ng mga mata ko kung gaano sila kagaling, magaling talaga na hiindi mo kayang biruin.

"Ikaw naman Axine."nakapagpataas ng balahibo ko ang pagbulong niya sa akin sa tenga mula sa likod. Damn it.

"Labanan mo ko." nakita ko kung paano mawala ang ngisi niya, alam ko na iba ang iniisip niya pero pasensyahan kami.

Halos sabay na bumuka ang pakpak namin at umangat sa ere na siyang nakapagpatigil sa iba.

"Balak yata nilang maglaban" rinig kong sambit ni Avier na nakaupo sa sulok at nag babato- bato pick kasama ni Azin.

"Axine, sigurado ka ba?" Mataman ko aiyang tiningnan. "Narinig ko ulit ang totoo kong pangalan." Ngumiti ako sa kanya.

"Gusto ko labanan mo ko ng seryoso at huwag kang mag atubiling saktan at sugatan ako dahil ganoon ang gagawin ko." Ngumisi siya.

"Yun lang pala, pero dapat may consequence." Kinunutan ko siya ng noo, walang gumagalaw sa amin at nanatiling nakalutang sa ere at magkaharap.

"Kapag natalo kita, magiging kaibigan mo 'ko." Tiningnan ko siya ng maigi at sinariwa kung nag bibiro ba siya o ano pero seryoso ang mukha niya.

"At kapag nanalo ako?"

"Hindi ka naman mananalo sa akin, Axine." Nakangising balik saad niya.

"Pagnanalo ako, gagawin mo ang lahat ng utos ko."

"Deal."

--

Asthalia [NOT EDITED]Where stories live. Discover now