Asthalia 28

789 30 0
                                    

Axine.

Mula sa dilim, unti unti akong nakarinig ng yapak na nanggagaling sa kung saan. Hindi ko matanto kung saan ito nanggagaling. Wala akong makita sa paligid kundi ang dilim pero nararamdaman ko ang lamig na kinasasadlakan ko ngayon.

Lumitaw tatlong metro mula sa pwesto ko ang isang pamilyar na imahe. Ang kayabangan ng aura nito ang nangingibabaw. Ang nakakaloko niyang ngiti at ang kakaibang kislap sa kulay lupang mga mata nito.

"Asul." Ang boses na matagal ko ng hindi naririnig. Nakikita ko siya, pero hindi ko makita kung anong itsura ko ngayon.  Nagsimulang manginig ang mga kamay ko at nag karoon ng gyera sa loob ng tiyan ko.

Huminga ako ng malalim. Para akong kinakapos. Ngumiti ito sa akin ng nakakaloko at napako ang tingin ko sa kanya.

Tumayo ako at unti unting humakbang palapit. Hindi alintana ang kapahamakan, na maaring ihatid ng kadiliman.

"Huminto ka." Lumitaw sa gilid nito yung babaeng nakapula. Minsan ko na itong nakita. Nung mga oras na paguwi ko galing sa paglalaban namin ni Azer. Yung mahaba niyang buhok at pulang damit na sumasayad sa sahig.

Dumudoble ang pagsasalita nito na tila ba nag e-echoe sa buong paligid. Nakakapangilabot.

"Huminto ka." Muling pagsambit niya. Nakakatakot. Nakakapanindig balahibo ang mahaba at pula nitong kuko. Ang pulang damit niyang sumasayad sa lapag. Ang maputing kutis niya at ang bilugan niyang mga mata.

"Sa pangatlong pagkakataon, huminto ka!" Natigilan ako sa paghakbang at nanlaki ang mga matang napatigin sa kanya ng higupin ang paligid sa isang dimensyon. Hindi ko alam. Hindi ko alam kung anong nangyayari. Mahirap mai paliwanag.

Ni hindi ko napansin ang paghakbang ng mga paa ko. May kumokontrol ba sa akin? Bakit naririnig ko ang boses ko kahit hindi naman ako nagsasalita?

"Dahil sayo, mamatay siya!" Hindi ako makahinga. Bigla nalang sa isang kisap mata, natagpuan ko ang sarili ko sa isang bola na puno ng tubig. Sinubukan kong lumabas at sirain ito pero hindi ko magawa.

Nakita ko sila sa labas,  mula sa dilim nakita kong sabay sabay na lumitaw si Avier, kasabay nito si Austin, sunod Azer  at Azin. Ang sa likod nilang lahat-- ako.

Wait. Ano? Nakita kong humakbang ang sarili ko, ang pula nitong buhok, ang mahaba nitong kuko, ang pakpak nitong nakalabas na tila ba handa ng lumipad, ang palaso sa mga kamay nito, ang asul niyang cloak.

Ako yun! Akong ako yun! -- hindi. Hindi ako yun. Tangina nababaliw na ba ako?! Alam ko sa sarili ko na hindi ako yun! Kasi eto ako, sinusubukang kumalas sa tubig na bola na ito.

Nanlaki ang mga mata ko ng sumugod ako-- no. Yung kamukha ko sa lalaking walang kamalay malay. Sinubukan kong kumawala at sumigaw pero hindi ko magawa!

Huli na, tumarak ang matalim na palaso nito sa batok nung lalaki. At doon ko muling nasilayan ang ngiti nito.

Mabilis akong umiling iling, no hindi to pwedi. Anong ibig sabihin nito?!  Hinabol ko ang hininga at napaluhod sa sqhig ng mawala ang bilog na tubig.

Basang basa at may mga pasa. Napatigin ako sa kamay ko at doon nanlamig ang buong pagkatao ko. Hawak ko ang palaso at nakaratay sa harap ko ang lalaking iyon.

Pinalilibutan ako ng black asther at may naririnig akong kung ano anong sinasabi nila. Ang tingin nilang mapanghusga. Nanliliit at galit dito.

Mabilis akong umiling.

"Sinabi kong huminto ka ngunit hindi ka nakinig" nag angat ako ng tingin,

"S-sino k-ka?" Utal na banggit ko dahil sa labis na panlalamig at pagkagulat.

Imbis na sumagot ay ngumisi ito sa akin. At  kinuha sa akin ang palaso na hindi ko mabitawan. Saliwat ang sinasabi ng isip ko sa ginagawa ng katawan ko.

"Maraming mapapatay ang palasong ito." Isa isa niyang itinuro ang Black Asther maging si Icey at Ama na nasa gilid.

"Mapapatay mo silang lahat gamit lamang ang bagay na ito. Ngunit hinding hindi mo mapapatay ang taong nagpasimuno ng laro kung saan  nabibilang."

Hindi ko maintindihan. Basta ang alam ko, sunod sunod na tumulo ang luha ko, habang nanginginig ang mga kamay at nasa harapan ko ang unang biktima nito.

Halos magimbal ako ng makita ang mukha na nasa harapan ko. No! Hindi to totoo!

"Yarind.. No! YARIND!"

"Yarind!" Napabalikwas ako ng bangon at mabilis na hinabol ang hininga. Tumutulo ang pawis sa noo at kusang nakalabas ang mga pakpak.

Napatingin ako sa suot ko, iba na. Nasan ba ako? Inilibot ko ang tingin, mag uumaga na sa tingin ko. Ang asul kong cloak ay naka tupi sa lamesa ng maayos kasama ang ilang prutas kung saan may mga fairies na na nakaupo.

Nadako ang tingin ko sa bintana. Nakabukas ito at hinahangin ang kurtina. Dahan dahan akong tumayo at lumapit sa bintana. Napatingin sa papaangat na araw.

Ano ba yung panaginip ko? Wala sa sariling napatingin ako sa mga palad ko at lumitaw ang imahe sa isip ko ang dugo dito maging ang hawak kong palaso.

"Yarind! Nasaan ka na ba?!" Malakas na sigaw ko mula sa bintana. Wala na akong paki alam kung may makarinig sa akin.

Alam ko sa sarili kong hindi ko magagawa ang bagay na nakita ko. Ginawa mo nga sa 50 na inosenteng Thalians. No. Alam ko sa sarili ko. Sinabi mo rin yan noon.

Napatingala ako at mariing napapikit. Ng masagana ang naging pag agos ng luha ko. Bakit ba ganito? Hindi ba ako pweding maging masaya?

Yarind, nasaan ka na ba? Ama, ligtas ka ba?

Lalo akong napahikbi ng may yumakap sa akin mula sa likod. Nawawalan ako ng balanse. Nakakapanghina ang labis na kalungkutan. Nakaka asar. Bakit ba ganito?

Gusto ko ng bumalik sa dati. Yung dati. Yung masaya lang. Yung kasama ko pa sila ama. Hindi yung ganito.

Ayoko ng ganito.

"Axine.." humarap ako sa kanya at mahigpit na isinubsob ang mukha ko sa dibdib niya at doon umiyak ng umiyak.

I dont care kung may makakita man sa amin. Kung anong isipin nila pag nakita akong yakap si Azer. Wala na akong paki alam doon.

"Ayos lang yan. Wala kang kasalanan"

Hindi ko magawang maniwala sa mga salita nito. Ang paghaplos niya sa likuran ko. Ang walang kapaguran ng pagbulong niya sa akin ng kung ano ano mapagaan lang ang loob ko.

Mas lalo akong napaiyak dahil sa bigat ng nararamdaman ko. Hindi ko magawang paniwalaan ang sarili ko na pumatay ako ng Thalians, na pinatay ko si Yarind sa panaginip ko-- kung panaginip man yun.

Hindi ko alam. Masyadong magulo. Sobrang gulo.

Ayoko na.

"Ayoko ng ganito, Azer."

--

Rye's note: 11 more chapters bago mag end ang Asthalia. Feel free to follow me on twitter _janryei and use the official hashtag #Asthalia much better kung tag niyo ko para makita ko. Feel free to express your thoughts about this book at the comment box. Just no Hate okay? Love lots!

Asthalia [NOT EDITED]Where stories live. Discover now