Asthalia 27

923 46 1
                                    

Axine.


Ipinalibot ko ang tingin sa paligid. Nagwawala ang mga tao. Nagkakasiyahan. Nagpupustahan. Yung halo - halong ingay nila ang pumupuno sa paligid. Sa gitna ng makulimlim at malamig na panahon. Nakakahilo sila sa sobrang gulo. Kita ko rin ang ibang mag aaral ng Etrunatic maging ang mga taga ibang Eras na nanunuod.

Ang mga ngisi sa mukha ng ilan sa kabila ng gusgusin nilang itsura, madungis at puno ng grasa. Yung lungkot sa mga mata at sakit. Hindi ko alam kung kakayanin ko pang maniwala at magpatuloy.

Nakakawalang lakas ang itsura nila ngayon. Ang amoy ng malansang dugo ang nanaig sa paligid, sumasabay ito sa ingay ng mundo. This eerie feeling. Nakakatakot, nakaka- kaba, nakakaubos ng lakas.

Halos makulayan ng pula ang dating gintong itsura ng Saxony. Kinakalawang din ang ibang bakal nito, at nababalutan ng mga natuyong dugo na nag susumigaw kung gaano kahirap ang dinanas ng mga taong mag mamay- ari nun.

Halos dumoble ang paningin ko at manginig ang nakakuyom kong kamao.

"Magandang Gabi sa ating lahat! Handa na ba kayong saksihan muli ang madugong pagtatanghal sa gitna ng pinakamamahal nating Saxony? Ang pag paslang sa mga kriminal ng pinaka- sikat at pinaka hihintay nating si Asul!"

May ilang nagbato sa akin ng tubig, dahilan para mabasa ako, ilang mga bagay pa ang binato sa akin hanggang mag sawa sila.

"Siya yung tumataliwas sa patakaran diba? Nung nakaraan?"

"Oo siya yun."

"Bakit lalaban siya ngayon? Bakit papatay siya ng kalahi niya?"

"Tsk. Pamilya niya yung hinuli noong nagpakilala siya bilang Asul. Malamang ganun ang gagawin niya"

"Akala ko naman may pag asa na ang Asthalia dahil sa kanya. Plastic din pala."

"Tama. Tama. Paano niya nagagawang sikmurain na yung dati niyang pinaglaban e siya mismo ang papatay dito."

"Wala rin siyang kwenta"

Mariin kong ipinikit ang mga mata ng umalingaw ngaw sa pandinig ko at nangibabaw ang mga salitang ito sa kabila ng paghanga na naririnig ko. Usapan iyon ng ilan sa mga nanghihirap na purong Thalians.

Dahilan para lalong madiin ang pagkakakuyom ko sa kamao. Halos maramdaman ko ang pagbaon ng mahaba kong kuko sa palad ko. Lalo na yata ng malasahan ko ang laway ko na naglalasang kalawang ngayon.

Ilang saglit pa, lumakas ang ingay ng bakal na para bang binubuksan. Iyon ang nagpatahimik sa lahat. Iwinaksi ko sa isip ang pag aalangan at nagtago sa maskarang walang pakialam.

Lumabas doon ang itinutulak na mga purong Thalians, nakalabas ang ka-awa awa nilang pakpak na halos wala ng balahibo dahil sa sugat at hiwa na nangingibabaw doon.

Mahigit 50 silang inilabas, ganuon ang itsura, kaawa awa ang pakpak nila at nanghihina ang mga itsura. Punit punit ang damit at puno ng pasa at galos ang katawan.

Nagsusumigaw ang aura nilang gusto na nilang mamatay kaysa maranasan ang hirap na nararanasan nila ngayon. Huminga ako ng malalim. Hanggang sa ang mga mata nilang lahat ay nakatuon sa akin. Pag mamakaawa ang nababasa ko dito. Pag mamakaawa na sana maka laya na sila sa bawat kadena sa mga paa at kamay nila.

Asthalia [NOT EDITED]Where stories live. Discover now