Asthalia 11

1.3K 54 0
                                    

Asthalia 11

Kapwa kami nag handa at nakiramdam kung sino ang unang susugod. Hindi siya gumalaw ganoon din ako at nanatiling nagmamasid habang pumapagaspas ang mga pakpak namin.

Napangisi nalang ako ng magsimulang lumutang ang mga patalim at sandata na nasa paligid. Tumalim ang tingin niya sa akin kasabay noon ang pagkiskisan ng mga talim na ngayon ay pabulusok na sa'kin.

Ikinumpas ko ang mga kamay at mabilis na ikinumpay ang mga pakpak para iwasan ang mga patalim. Mabilis na alam kong hindi nila masusudan.

"A-Ang bilis.."  bulong ni Avier sa gilid na rinig na rinig ko. Oh well, hindi ko pala maiwasan na hindi marinig.

"Ano pa bang aasahan mo kay Asul? Hindi yan marunong makipag laro."

Nabuntong hininga nalang ako sa sinabi ni Icey, alam kong masama ang makinig sa usapan ng iba pero kusa ko itong naririnig at wala akong magagawa.

Nahulog sa sahig ang mga patalim, prente akong tumayo sa ere at tiningnan si Azer na nakakunot ang noo.

"Ako naman."

Iniangat ko ang kanang kamay at sumunod na umangat ang mga patalim na nasa sahig at siya namang kinontrol ko patungo kay Azer na nanlalaki ang mga mata pero madali niyang naiwasan ang mga binabato kong ataki. Marahil ay hindi niya inaasahan na magagawa kong kontrolin ang mga bagay bagay sa paligid.

Mabilis akong nakalapit sa kanya, kalahating metro at nginitian siya na ikinagulat at ikinatigil niya. Ginamit ko ang pag kakataon para sipain siya ng malakas. Tumalsim nama  siya at tumama sa lamesa kung saan nakaahelera ang mga sandata kanina.

"Nandaya ka."  Tumayo siya at masamang tingin ang ipinukol sa akin pero nginisihan ko lang siya. Inis siyang lumipad papalapit sa akin. Tinaasan ko naman siya ng kilay.

"Hindi ko alam na ang isang Rayver Azer ay hindi marunong tumanggap ng pagkatalo." walang pakialam na sabi ko. Lalong sumama ang tingin niya sa akin,

"Ngumiti ka! Pandaraya iyo."  Nagiwas siya ng tingin na siyang ikinatawa ko, dahan dahang bumaba sa ere at itinago ang mga pakpak ko.

"Paano naging isang pandaraya ang pangngiti?" lumapit ako sa kanya. Natuod siya ng tayo sa hindi malamang dahilan, at bigla nalang naging seryoso ang mukha.

At sa isang iglap, nakita ko ang katana na inch nalang ay masusugatan na ako sa leeg, hindi ako nagreact at nanatiling nakatayo. Unti unti lumitaw ang ngiti ko sa labi at ang bahagyang pagtawa ko na siyang ikina- noot ng noo niya.

"Itong ginawa mo ang tinatawag nating pandaraya." Ginamit ko ang hintuturo ko para ilayo ang talim ng sandata

"Ibaba mo na yan, panalo ka" inilahad ko ang kamay ko sa kanya para makipag shake hands pero hindi niya inabot at nanatili lang nakatingin.

"Abutin mo, nag mumukha akong tanga dito."  Asar na banggit ko, inabot niya ang kamay niya sa akin.

"It's good playing with you." Bumalik ang mga patalim sa lamesa na para bang hindi nagalaw.

"Well, hindi naman ako nakipag laro," nag kibit- balikat lang ako at tumalikod. Bumungad sa akin ang papalapit na si Icey, Austin, Azin at Avier na kapwa may ngiti sa labi. Ibahin mo nalang si Icey kasi wala itong pakialam.

"Ang ganda ng labanan niyo," tumaas ang kilay ko sa sinabi ni Azin.

"Dayaan at kopyahan" napailing iling nalang ang iba.

"Ayoko ng mag training, tara sa bahay mag luluto si Asul" kumunot ang noo ko sa siningit ni Icey.

"Wala akong sinabi" sagot ko sa kanya. "Ako ang nagsabi, hindi ikaw." Pabiro niyang inikot ang mga mata.

"Aba't!" Tumakbo siya palayo at nag belat. Childish things, umiling ako ng ilang ulit at minasdan ang iba na umalis. Naiwan ako at si Azer sa silid na to, akmang aalis narin ako ng magsalita siya.

"I win." Humarap ako sa kanya.

"Yeah, so about the deal?" Lumapit siya sa akin, sa harap ko. Siya na mismo ang nagbaba ng asul na hood ng cloak na suot ko.

"Kaibigan mo na ako."  Tiningnan ko siya ng maigi. Kaibigan? Ngumiti ako sa kanya.

"Okay then." Tumalikod ako at naglakad paalis, alam kong sumusunod siya kasi ramdam ko ang prisensya niya. Hindi ko ito pinansin at nagpanggap na hindi alam ang pag sunod niya, wala naman kasi akong balak na makipag usap o ano sa kanya. Trip niya yan at bahala siya sa buhay niya.

Tuloy tuloy ako sa paglakad hanggang sa mapasok ko ang isang gubat, matarik na gubat  na nasa loob ng Etrunatic. Wala namang nagkalat na Thalians dito kaya itinuloy ko na. Ang pagpasok.

Iniiwasan tong gubat na to bukod sa matarik , delikado pa dahil sa nagkalat na ibat ibang klase ng nilalang na kakaiba ang kapangyarihang taglay.

Hinawi ko ang mga baging at malalaking dahon ng halaman para tuluyang makita kung ano nga ba ang nasa likod nito.

Malawak na open area. May malalaking bato na pweding upuan at sandalan. At isang falls, na bumabagsak sa malalim na lawa? Sa gilid naman makikita na pinalilibutan ng puno na may kulay itim at malalaking dahon, na siyang tumatakip sa lugar na to.

Lumapit ako sa tubig at hinawakan ito, malinaw, at nagkukulay asul kapag nagagalaw ng sinuman. Maligamgam ang tubig, hindi masyadong malamig. Hindi masyadong mainit.

"Pumasok ka sa gubat para dito?" Bumaling ang tingin ko sa likuran.

"Sabi na nga ba't sinusundan mo ako." Pumunta ako sa isang malaking bato at isinandal ang katawan ko doon. Napaka sarap sa pakiramdam. Ibinaba ko ang hood ng kulay asul kong cloak para tuluyang makita ang kabuuan ng lugar.

"Yeah, and it's worth it." Hindi na ako nag komento pa. Ipinikit ko ang mga mata at hinanap ang tulog ko.

"You don't really remember me," dumampi sa tenga ko ang bulong niya sa hangin at ang malungkot na tawa nito.

Ako ba ang kausap niya? O ang sarili niya?
--

Asthalia [NOT EDITED]Where stories live. Discover now