Asthalia 32

724 29 0
                                    

Axine.

Nanatili akong nakatingin sa kawalan habang hinihimay himay kung ano ba talagang nangyari. Hindi ko alam pero yung puso ko, parang nawawasak. Ang gulo. Hindi ko alam kung saan ako lulugar. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman.

Mula sa ibaba ng veranda ng kwarto ko, nakita ko si Azer na kasalukuyang nakaupo sa isang kahoy na upuan na para bang malalim ang iniisip.

Wala sa sariling napatitig ako dito. Pinakiramdaman ko ang sarili, yung kakaibang nararamdaman ko sa puso ko. Nandoon parin. Ipinikit ko ang mga mata at doon nag echo ang mga salitang binitawan ni Zero nung gabing iyon.

Si Yarind ang mahal mo, Asul.

Pero sa kabila nito, lumitaw sa isip ko ang mukha ni Yarind suot nag mayabang na ngisi nito sa labi. Iminulat ko ang mga mata at bumungad sa harapan ko mismo si Azer, nakangiti ito sa akin.

Hindi ako makagalaw, at nanatiling nakatingin sa mga mata niya. Hindi ako sigurado sa nararamdaman ko. Kusa akong yumakap sa kanya at isinubsob ang mukha ko sa dibdib niya.

Nakakapanghina at nakakatanga. Malamig ang simoy ng hangin, tahimik, at payapa. Naramdaman ko ang haplos niya sa buhok ko na para bang pinapakalma ako. Mas hinigpitan ko ang yakap sa kanya na para bang ayoko siyang pakawalan.  Damn it. Naguguluhan na ako sa sarili ko.

"Nanlalambing ka ba?" Kahit nakapikit, alam kong nakangiti siyang nagtatanong.

"Masama ba?" Marahang tanong ko dito at bahagya siyang tiningala. Nagtama ang tingin naming dalawa.

"Konti nalang, Azer. Konti nalang." Halos pabulong na sambit ko dito. Hinalikan niya ako sa noo.

"Handa akong maghintay, hanggang ang konti na yan ay maging buo." Siya na ang yumakap sa akin ngayon.

"Hindi ka mag sasawa?" Rinig na rinig ko ang malakas na tibok ng puso nito. Mabilis at marahas.

"Bakit naman ako mag sasawa?" Ipinikit ko ang mga mata.

"Baka makahanap ka ng bago at mapagod kang maghintay sa akin." Mas humigpit  ang yakap ko sa kanya.

"Makahanap man ako ng bago, ikaw parin ang pipiliin ko." Napangiti nalang ako.

Ngayon, mas pinili kong panghawakan ang mga salita ng isang Rayver Azer. Napangiti nalang ako ng wala sa oras.

Tahimik ang paligid. Maganda ang ambiance ng paligid. Inilibot ko ang tingin, lahat ng Asthalians sa kanya kanya nilang mga cloak ay nagtipon tipon. Pinaliligiran kami ngayon ng mga studyante sa Etrunatic.

Walang nagtangkang mag salita. Lahat sila ay blanko ang mga mukha na ipinahahatid ang mensaheng hangin lang ang may alam.

Sabay sabay silang yumuko at lumuhod bilang paggalang. Walang nag salita sa kampo naming Black Asther. Maging si Icey ay na walan ng imik at hindi makapaniwala sa nakikita.

Ibinuka ko ang mga pakpak at lumipad paitaas. Lalo akong namangha ng makita ang view mula dito sa ere.

Lahat ng mamamayan ng Asthalia ay nakatayo at nakatingala. Ang pag asa sa mga mata ng nanghihirap na mamamayan ang nakatingin sa amin ngayon. Kaming lima, sa kanya kanya naming mga pakpak, at sa lawak ng Asthalia.

Nakakamangha. Hindi ko alam kung ano ang pweding maramdaman. Yumuko ako bilang hudyat at doon sila sabay sabay na nag salita. Chini-cheer ang Black Asther, ang nakakuyom na mga kamao ang naka angat sa ere, hawak ang ibat ibang klase ng patalim.

Hindi ko inaasahan na kaya nilang magkaisa ng ganito sa kabila ng paghihirap na nararanasan ng bawat isa. Ang pagka survive sa paggising sa umaga. Nakamangha.

"Tara na."

Puno ng determinasyon akong lumipad palayo. Nag si-sunuran naman ang mga kasamahan ko. Unti unti naring humihina ang mga boses ng mga Asthalians hanggang sa wala na kaming narinig. Mabilis ang ginawa naming paglipad.

Dala ang kanya kanyang layunin na manalo sa palaro. Naglakbay kami papuntang Arc Circle. Tama. Ngayon na ang nakatakdang paglalakbay namin patungo sa Arc Circle para makipag sapalaran.

Hindi ko alam kung ano ang kahihinatnan ng palaro, hindi ko alam kung anong kalalabasan. Kung makakauwi ba kami ng buhay o uuwi na kaming bangkay.

Nakakatakot, nakakakaba at nakakapanghina. Walang kasiguraduhan. Na sa bawat pagaspas ng mga pakpak namin ay ang pag asa na kaya naming lampasan ang pagsubok na to. Humugot ako ng lakas sa mga mamayan ng Asthalia at maging ang pagka muhi ko sa Hari na walang ibang ginawa kundi ngumisi at matuwa pa sa mga nangyayari.

Kay Ama at kay Yarind. Hindi ko alam pero sana.. sana magkahimala at mayakap ko manlang si Ama bago ako sumabak sa palaro. Sana.

Ilang oras ang lumipas hanggang sa tuluyan kaming makarating sa Arc Circle. Sobrang lawak ng lugar. Nag tataasan ang mga puno. Bumungad sa amin ang isang malaking gate, nasa harapan nito ang kalansay na nag babantay.

Tumingin ito sa amin pero dahil kalansay ito at hindi ko makita kung saan ba ito nakatingin, nagkibit balikat nalang ako.

Tumingin ito sa listahan na hawak niya at pabalik balik ang tingin sa amin. Isa isa niya kaming tiningnan bale sa galaw ng ulo nito na halos matanggal ang pagkakakabit sa spinal cord niya.

Lumapit siya sa amin at nagitla nalang kami ng isa isang may karayom na bumaon sa leeg namin. Napapikit ako sa hapdi nito na para bang binubutas ang leeg ko.

Sana manlang nag pasabi sila diba? Diba?

Narinig ko pa ang pag daing ng mga kasamahan ko pero hindi ko na pinansin iyon. Saglit lamang ang hapdi at sakit sa leeg ko na pinagbaunan ng karayon at lumipat iyon sa palapulsuan ko.

Nakita ko ang pangalan na unti unting umuukit sa balat ko na para bang sinusunog iyon para mag marka. Black Asther na cursive word. Maliit lang iyon at sa ibaba nito ay limang makakapal na linya.

Napaangat nalang ako ng tingin ng unti unting bumukas ang maingay na gate. Nagtataka kaming pumasok doon at natigilan kaming lahat sa bumungad sa amin.

Nakakapanindig balahibo.

--

Rye's note: 8 more chapters to go. Keep supporting kahit paubos na ang readers ko. Hehe.😂

Asthalia [NOT EDITED]Where stories live. Discover now