Asthalia 02

2.2K 94 10
                                    

Asthalia 02

Iminulat ko ang mga mata at agad na tumayo. Ginawa ko narin ang mga dapat gawin sa umaga. Lumabas ako ng kubo, at minasdan ang mga Thalians na nagsisimula nang magtrabaho.

Muli akong pumasok sa kubo para itupi ang banig na hinigaan ko kasabay no'n ang pagpasok ni Ama na galing sa pangangahoy.

"Magandang umaga, anak." Napatingin ako sa pinto ng kubo.

Nandoon si Ama pawis na pawis. Agad ko siyang tinulungan sa dala niyang kahoy bilang panggatong. Napatitig nalang ako sa kanya habang inaayos ang mga panggatong sa tabi ng maliit na lutuan. 

"Ama, pahinga ka muna, kina- career mo ang pangangahoy." Biro ko sa kanya at inalalayan siyang umupo sa papag. Ako na mismo ang nagpunas sa pawis nito sa noo. Napangiti siya dahil sa ginawa ko.

"Ikaw talagang bata ka." Umiling iling siya.

May katandaan na si Ama. Purong puti ang buhok nito, payat at kulubot ang balat. Actually siya ang lolo ko pero ama ang tawag ko kasi siya ang nagpalaki sa akin, ang nagturo ng ng iba't ibang taktika sa pakikipag laban. Hindi ko kasi nakilala ang totoo kong mga magulang.

Pero malakas siya, hindi iyon maikakaila. Kahit ganyan ay may angking bilis at lakas pa siya sa pakikipaglaban. Iyon nga lang ay hindi na tumatanggap ang kastilyo ng mga manggagawa na may edad na.

"Ama, alis muna ako." Isinuot ko ang asul na cloak at inayos ang buhok ko. Nagangat ito ng tingin sa akin at nagtanong.

"Kasama mo sila Yarind at Icey?" Tumango ako bilang tugon.

"Ako lang naman ama ang nakakatiis sa dalawang yun."   Biro ko kay ama. Ako lang ang nakakatagal sa dalawang may sayad na yun.

"Kapag narinig ka ng dalawang yun mababatukan ka nanaman." Lumabas na ako ng kubo matapos kong mag paalam.

Dumeretso ako sa tambayan. Sa may ilog at umakyat sa puno doon. Ang paborito kong puno. Umupo ako sa isang sanga at sumadal sa puno. Isinuot ang hood bago ipinikit  ang mga mata at kampanteng natulog. Malapad ang sanga kaya walang dapat ipagalala.

Itong puno na ito ang pinakapaborito ko sa lahat. Mula kasi dito sa sanga kita ko ang kabuuan ng Asthalia. Mataas ang puno at kapag hindi ka sanay hindi ka makakakyat kasi makinis ito at wala kang maapakang kahit ano. Ang unang sanga ay tumubo 10feet ang layo sa lupa kaya mahirap akyatin. Bukod pa doon, malayo ito sa mga Thalians at tahimik.

Ang Asthalia ang lupaing kinalakihan ko. Dito ako isinilang, nabigo, nadapa, umiyak, at bumangon. Dito rin ako natutong makipaglaban, mahasa ang kapangyarihang taglay sa pamamagitan ni Ama.

At dito ko rin nakilala si Yarind at Icey.  Sa pamumuno ng Reyna, walang ikinaunlad ang Asthalia. Naghihirap parin ang Thalians. Wala naman kasing kwenta ang Hari at Reyna. Ang Reyna dito ay sakim, masama, maitim ang budhi hindi katulad ng mga reynang nasa libro. Iba ito. Ibang iba.

"Asul! Asul! "

"Axine Asul! Nasan ka ba?!"

Napamulat ako ng mata at natigil sa pagiisip. Narinig ko nanaman ang nakakarinding boses ni Yarind. Ano nanaman kayang kailangan nito sa akin?

"Yarind" pagtawag ko ng pansin. Napatingin siya sa kinalalagyan ko.

"Bumaba ka diyan!" Singhal niya sa akin ng nakakunot ang noo. Kapansin-pansin ang apwis na namumuo sa noo nito. Maging ang pamumutla ng kanyang mukha. Napakunot ang noo ko dahil doon.

Tumalon ako mula sa puno at nilapitan siya.

"May problema ba?" Niyakap niya ako ng mahigpit. Humiwalay rin naman siya kaagad. Ramdam ko ang nanlalamig na mga kamay nito.

Asthalia [NOT EDITED]Where stories live. Discover now