Asthalia 23

862 35 0
                                    

Asthalia 23

Axine.

Sunod sunod na pagkalembang ang umalingaw ngaw sa paligid. Mga helias na naging abo nalang bigla.

Matalim na tiningnan ko ang natitira pang mga helias na punong puno na ng takot ang mga mata dahil sa nakita. At sa isang iglap, katulad ng mga kasama nito, naging abo na din sila. Mariing ipinikit ko ang mga mata dahil sa bahagyang pagkahilo-- kaya ko pa.

Bumaling ang tingin ko sa taong nakabitin ngayon. Naikuyom ko ang kamao habang tinitingnan ang sitwasyon ni Azer na nagawa pang ngumisi sa kabila ng malalim na galos at sugat nito. At talagang nagsalita pa ito.

That king! Mabilis akong ibinaba ang hood ng asul kong cloak at hinaplos ang pisnge ng binata. Napailing iling nalang ako at ibinaba siya sa pag kakabitin.

Sandali ko siyang inihiga, tumingin lang naman siya sa akin, at ngumiti nanaman siya. Tsk. Baliw ka na.

Sinubukan niyang abutin ang pisnge ko pero pinigilan ko iyon. Bahagya ko siyang pinainom ng tubig at napailing iling. 

"Hindi mo dapat ginawa iyon." Sambit ko nalang. Habang mariing nakatitig sa mga mata niya. Malabong tulungan siya ng mga healer ng Etrunatic.

"A-atlease.. y-you c-c-came.." halos walang boses na banggit niya. Muli akong bumuntong hininga at pinawala ang emosyon na makikita sa aking mga mata.

"Pero ipinahamak mo ang sarili mo. You shouldn't done that, Azer. Kung gusto mong mahirapan ng ganyan, punta ka sa akin at ako mismo ang bubugbog sayo."

Walang ganang banggit ko bago siya inakay  sa balikat at mabilis na dumaan sa bintana  at makalipad.

Nakayuko na siya at hindi parin pantay ang paghinga. Halata ang sakit kung makikita ang katawan niya. Sira ang damit niya pang-itaas.

Mababakas ang pagtama ng latigo at may ilan pang paso sa katawan niya. Nagaapoy yata ang idikit doon. Mas malaki nga lang sa paso ng sigarilyo. Dumudugo ang noo nito na parang hinampas at buti nalang hindi pa siya nawawalan ng malay. Tibay mo din.

Mas binilisan ko ang paglipad, hindi ko na pinansin ang mga Thalians na nakatingala at minamasdan ang mga pakpak ko. At bago pa ako makalayo-- alam ko. Ramdam ko ang ngisi at titig ng haring may pakanan nito.

Huminga nalang ako ng malalim hanggang sa marating ang bahay na tinutuluyan ko sa dulo ng abandonadong lupa. Isang kubo pero sapat lang ang istraktura para protektahan ka.

Sumalubong sa akin ang mga valkeries at faries na itim ang mga pakpak, walang kasuotan at matatalim na mga pangil. Hindi ko sila pinansin.

Mabilis ko siyang inihiga sa kama. Lumappit naman ang mga valkeries na may healing power  at nagtulong tulong sila para gamutin si Azer. Nanatili akong tahimik at nag mamasid. Umupo ako sa isang tabi habang minamasdan ang unti unting paghilom ng sugat niya sa katawan.

Umiling ako.  Ang tanga mo din e no?  Paano kung hindi ako nakalusot sa nakakalasong usok na iyon? Paano kung hindi ako nakaligtas? Edi hanggang ngayon pinapahirapan parin siya ng hari.

Bumuntong hininga ako at nagtungo sa kusina para maka inom ng tubig.

"Asul. Asul. Asul. Ikay nanghihina. Ika'y nanghihina. Ikay nanghihina. Delikado. Delikado. Delikado."  Lumapit sa akin si Olly. Isang babaeng valkeries na sa kabila nito ay sabihin na nating may mabuting kalooban.

Pag nakita kasi ang itsura niya, matatakot ka. Pangit. Oo napakapangit pero ang kalooban niya'y mabuti basta't huwag mo lang gagalitin.

"Okay lang ako, Olly. Huwag mo akong alalahanin." Hindi sila nakakaintindi ng ibang salita. Greek ang gamit nila pero nagawa din nilang matutunan ang tagalog.

"Pero. Pero. Pero. Masama. Masama. Masama." Paulit ulit na sambit niya. Hindi mo siya mapapasambit ng isang salita lang, uultin niya ito ng tatlong beses gamit ang singkit at masakit sa tengang boses niya.

"Kamusta siya?" Iyon na lamang ang tanong ko. Sinubukan kong iligaw ang usapan. Iyan din ang isa sa kahinaan ng valkeries na katulad niya, isang maliit na nilalang. Madali silang utuin or magaling lang talaga akong mang uto.

Tsk. Bad.

"Ayos na. Ayos na. Ayos na." Tumango ako at tumayo, pinuntahan ang kamang kinahihigaan ni Azer. Nakapikit na ang mga mata nito at halatang natutulog.

Bahagya akong lumapit at kusang humaplos ang mga kamay ko sa buhok niya.
Ang mahaba niyang pilik mata, ang katamtamang tangos ng ilong at ang manipis niyang mga labi.

Kahit sa ganitong kalagayan, hindi maikakaila ang kakisigan nito. Lalo na't nakapag padagdag ng appeal nito ang tatlong itim na hikaw sa tenga niya.

Ang ilang sugat niya ay naglaho na pero meron ding naiwan dahil hindi na kaya ng mga healers. Ang hihintayin ko nalang ay ang paggising niya.

Ang alam ng lahat ay namatay ako sa usok. Pero hindi. Bago pa ako tuluyang mawalan ng malay doon. May kumuha sa akin at pinalitan ng clone ang katawan ko bago ako inilayo sa pangyayaring iyon.

Yun din ang dahilan kung bakit naging abo rin ang clone. Ang isang clone ay hindi makakatagal ng isang linggo unless ang original ay namatay na. Gets?

Napansin ko ang pag galaw ng lalaki sa kama ko. Unti unti naman niyang idinilat ang mga mata. Tumingin lang naman ako sa kanya hanggang sa mapako ang tingin niya sa akin.

"Y-you're real." Huminga lang ako ng malalim at inalalayan siyang makaupo.

Hindi na kaduda duda ang mabilis na pag ka recover niya. He's Rayver Azer afterall.

"Gusto mo ng tubig?" Saktong sambit ko ay pumasok sa eksena si Olly, dala dala ang isang basong tubig na dible ang laki sa kanya. I wonder how she manage to get that.

Inabot ko ito at umalis naman siya kaagad. Umiling nalang ako habang tinitingnan si Azer. I didn't even put an effort to start a conversation.

"Are you mad?" Umupo ako sa tabi.

"Am i?" Balik tanong ko. Nagka titigan kaming dalawa. I dont know kung anong tumatakbo sa isip niya.

"Ramdam ko lang na galit ka." Bumaba ang tingin niya sa mga kamay ko at kusa akong napatingin doon. Agad ko namang kinalas ang pagkakayukom ng kamao ko na halos hindi ko mapansin.

"Hindi mo dapat ginawa iyon." Walang emosyong banggit ko.

"Hindi mo kailangang gawin kung ano man ang ginawa ko at ugali ko sa hari. He's still the king, Azer. Kita mo ang ginawa niya sayo. Paano kung hindi ako dumating? Paano kung hindi ako nakaligtas? Paan--"

"Are you worried?" Napahinto ako at tiningnan siya ng masama.

"No."

--

Asthalia [NOT EDITED]Where stories live. Discover now