Asthalia 01

3.6K 115 5
                                    

Asthalia 01: Her POV

"Bilisan ninyo! Huwag niyo siyang hahayaang makatakas!" Isang sigaw ng kawal ng nangingibabaw sa lahat. Mabilis naman ang ginawa kong pagtakbo. Hindi alintana ang mahabang asul na cloak na siyang suot ko na siyang sumasayad sa lupa.

Kumpol ng kawal ng Reyna ang humahabol sa akin, palaging ganito ang scenario na maabutan ninyo. Palagi akong hinahabol ng mga kawal na hindi naman mahuli huli. Nagpapagod lang sila sa ginagawa nila.

Tumalon ako ng mataas para iwasan ang kariton na naka harang sa harapan ko. Kusang humahawi ang dinaraanan ko na para bang ayaw nilang madamay sa kung ano mang gulo na dala ko. Nanatili silang nagmamasid.

"Makakarating to sa Reyna!"

Napangisi ako bago mabilis na inakyat ang isang puno at doon sa sanga tumuntong. Minasdan ang mga kawal ng reynang bumalik sa Kastilyo.

Inalis ko ang pagkakahood ng cloak upang masilayan ng buo ang Asthalia. Napailing-iling nalang ako bago ibalik ang mga mata sa kamay ko. Nandoon ang gintong bracelet na kinuha ko mula sa kastilyo.

Tumalon ako paibaba at isinuot muli ang hood  ng asul na cloak ko. At walang pakialam na naglakad na parang walang nangyari. Sanay na sila sa akin.

"Asul!" Napahinto ako sa paglalakad ng may mga kamay na humawak sa braso ko para pigilan ako.

"Anong nanamang ginawa mo?" Hinihingal na tanong nito. Magulo ang itim na buhok niya at matingkad ang kulay kahel na mga mata niya. 

"Yarind," pagtawag ko sa pangalan niya at sinalubong ng malamig na kulay asul kong mga mata ang tingin niya.

"Ibigay mo nalang to kay Icey." Kinuha ko ang kamay nito at inilagay ang gintong bracelet.

"Paano napunta to sayo?"  Kunot noong tanong niya. "Yan ang dahilan kung bakit ako hinabol ng mga kawal ng reyna." Walang ganang banggit ko,

"Oh sige. Ako ng bahala." Sumabay siya sa akin sa paglalakad. Ibinaba ko ang hood ng cloak ko para bumalandra ang pula at mahaba kong buhok.

Napahinto kami sa paglalakad ng biglang tumunog ang kampana. Kusa kaming napatingin sa kastilyo ng Asthalia. 

"May napaparusahan nanaman sa Saxony"

"Mukhang napapadalas na yan.."

"Tara tingnan natin."

"Saxony.." nagkatinginan kaming dalawa na para bang alam na kung ano ang gagawin.  Hinigit niya ako sa kamay at tumakbo papunta sa likod ng Kastilyo kung nasaan ang Saxony.

Agad kaming nakarating doon at kumpulan ang Thalians na nagbubulungan. Hindi kami makadaan dahil sa grabeng siksikan.

"Tabi! Sabing tabi!"

Itinulak lamang ni Yarind ang mga Thalians na nakaharang sa daan namin. Napairap ako sa kawalan. Wala talagang galang ang isang to at wala na akong magagawa tungkol doon.

Napunta kami sa pinakaharapan. Isang pabilog na ring na halos mabalutan na ng mga tuyong dugo. Nandito kami sa itaas, parang arena ang itsura nito ang kaibahan lang ay mas malalim ng kaunti ang kinalalagyan ng ring at walang upuan. Pinalilibutan ito ng wires para hindi basta basta makapasok ang sinuman.

Napatingin ako sa taong pinapahirapan nila. Kumunot ang noo ko. Pamilyar pero hindi ko alam kung saan at kung kailan ko siya nakita.

"Ito! Ito ang mangyayari sa inyo sakaling lumabag kayo sa kautusan!" Malupit na pagkakabanggit ng Reyna mula sa terrace ng kastilyo at nasisiyahan sa panunuod ng ganitong eksena.

Ang Reyna na walang ibang ginawa kundi pahirapan ang mga Thalians. Mag pakasaya sa salapi ng Thalians na kanilang ninanakaw at sapilitang kinukuha.

"M-maawa kayo.. patayin niyo na ako." Ang mahinang daing nito na narinig ko kahit ilang metro ang layo nito sa akin. That's how my senses works.

Huminga ako ng malalim bago muling tingnan ang nilalang na paulit ulit pinapalo ng latigong may mga tinik na bumabaon sa katawan ng pinarurusahan. Napailing iling ako bago tahimik na ikinumpas ang mga kamay. At sa sandaling iyon, tuluyang nawalan ng buhay ang kawawang nilalang.

"Salamat Axine."  Napaiwas ako ng tingin ng umecho sa pandinig ko ang boses nito. Tumalikod at tuloy tuloy sa paglakad paalis sa Saxony.

Ang bigat sa pakiramdam pero wala akong paki- alam. Hindi dapat ako maapektuhan sa ganitong mga pangyayari. Dapat sanay na ako. Dapat masanay na ako.  

"Sandali lang naman Axine!" Hinabol ako ni Yarind.

"Ayon sa sinasabi ng iba wala naman talagang kasalanan yung lalaki, aksidente lang daw nitog natapunan ng tubig ang damit ng Prinsesa." Wala sa loob na banggit ni Yarind.

Napangisi ako dahil sa labis na galit. Hindi ko alam na umaabot ng ganoong kababaw na dahilan upang pumatay ng Thalians.

Ang babaw ng isip nila. Sobrang babaw. Napailing iling ako, sumosobra na. Pilit nilang ipinaglalaban ang nagiisang batas ng Asthalia. At iyon ang

'Ang sinumang lumabag sa utos ay mamatay'

Pero iba ang patakaran nila. Sobrang hirap na kahit konting pag kakamali mo ay ihahatid ka nila sa iyong sariling hukay. Lahat ng Thalians hawak sa leeg ng Hari at Reyna.

Sila ang nakatira sa Kastilyo ng Asthalia.  Habang ang mga Thalians ay nakatira sa maliliit na kubo at tagpitagping sako at kawayan.

Walang makain at naghihirap sa pagta-trabaho pero ang reyna at hari ay mas lalo pa silang pinahirapan.

Yan ang mali sa mga mamamayan dito, takot sila. Takot kay kamatayan. Takot sa paghihirap, takot sa mapanghusgang mga mata, takot sa paglaban dahil alam nila na oras na gawin ang mga ito, mamamatay sila.

Kailan ba namin mararanasan ang totoong pagbabago?

Nagpunta kami sa tambayan, sumuot sa dikit dikit na puno at doon tumambad ang isang ilog. Malinis na ilog. Ito ang tambayan naming magkakaibigan.

Nadatnan namin si Icey na nag babasa ng isang libro na wala namang kahit anong letra, tahimik at pinalilibutan ng paro paro. Walang emosyon, iyan si Icey, siya yung tipo na hindi nagpapakita ng emosyon pero kung makapagbara wagas na para bang walang bukas.

"May naparusahan nanaman tama ba?" Tanong nito bago ilipat ang pahina ng libro.

"Paano mo nalaman?" Inirapan niya si Yarind na nagtanong.

"Duh. Kahit sino alam ang bagay na yan. Marinig ba naman namin ang nakakarinding kampana ng walang kwentang pinuno" tila wala sa kanya ang mga sinasabi niya.

"Sa susunod talaga kapag nagkaroon ako ng pag kakataon ako mismo ang magnanakaw sa kampana at tutunaw dito." Kalmadong banggit niya.

"That time will never come Icey" seryosong banggit nii Yarind.

"Tumahimik ka diyan." Ni hindi manlang niya ito tinapunan ng tingin.

"Nga pala." Inabot ni Yarind ang gintong brace let dahilan para mapahinto ito.

"Saan mo nakuha to?! Sabi na nga ba't may hidden agenda ka sa bracelet ko." Kinunutan niya ito ng noo.

"Nakalimutan niyo nanamang nandito ako.." singit ko sa kanila bago umupo sa damo. Inalis ang pagkaka hood ng cloak ko.

"Hoy Asul. Wag ka na magselos. 'Kaw lang mahal ko." Sinamaan ko ng tingin si Yarind.

"Sasamain ka talaga sa akin." Nag babanatang sambit ko pero tinawanan niya lang ako.

"Ako ang kumuha nyan sa mga Helias kaya ako hinabol kanina." Seryosong sambit ko.

"Kaya ngayon Wanted ka nanamang Asul ka." Pambabara niya sa akin. Kita mo to. Imbis na magpasalamat nagawa pa akong barahin.

"Tigilan mo nga ako sa pag tawag ng Asul. Hindi yan ang pangalan ko"

--

Asthalia [NOT EDITED]Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum