Asthalia 15

1.1K 38 4
                                    

Asthalia 15

Ako na mismo ang pumutol sa halik kasi mahirap na kapag lumalim pa ng lumalim. Nagtama ang tingin naming dalawa, seryoso at walang halong biro.

"Bakit.." lumarawan ang pagtataka sa mukha niya. Naguguluhan at para bang di makapaniwala sa ginawa ko. Ako nga din, hindi makapaniwala. Umiwas ako ng tingin at tumayo na.

"Hindi ko alam." Sambit ko at pinagpaggan ang suot ko. Pilit kong binalewala ang naramdaman ko ng halikan ko siya. Something na hindi ko ma explain but it's nothing! Wala lang iyon. Hindi dapat ako maapektuhan.

Lumabas ako ng training room at saktong paglabas ko,  doon ko pinakawalan ang malalim na buntong hininga. Napahawak ako sa dibdib ko. Weird.

Binalewala ko iyon at nagtuloy tuloy sa paglakad. Dumeretso ako sa tinutuluyan ko, binuksan ko ang ilaw at bumungad sa akin ang magulong tinitirhan ko. Natigilan ako ng wala sa oras. Hindi maayos ang mga gamit,  iba rin ang pwesto ng sofa na nandito.

Pumunta ako sa harapan ng salamin na nandito sa sala. Huminga ako ng malalim bago ipinikit ang mga mata . Ilang sandali lang ay naramdaman ko ang paglakas ng ihip ng hangin. Ang malamig na ihip nito na yumakayakap sa katawan ko.

Buksan mo ang iyong mga mata
   tingnan ang hindi nakikita
Mga aninong nagtatago sa dilim
    na papatay sayo ng lihim

Kinilabutan ako sa narinig at kasunod nito ang mga image. Sunod sunod na imahe ng nangyari. Kung bakit nagkaganito ang tinutuluyuan ko,  mga hindi malamang nilalang na nag tangkang hanapin ang kung ano. Anong kailangan nila?

"Asul!"

Nakarinig ako ng pamilyar na boses. Lalong lumakas ang ihip ng malamig na hangin pero hindi ko idinilat ang mga mata. Nakakahilo ang paggalaw ng mga imahe sa utak ko. Nakakalito. Hindi ko alam kung ano ang gusto nitong ipahatid.

"A-Asul.." Nagmulat ako ng mga at lumungon kung saan ko narinig ang pamilyar na boses.

"Icey." Tulala siya at para bang gulat na gulat sa hindi ko malaman na dahilan.

"H-hindi maaari" garagal na sambit nito.

Yung boses niya na para bang takot na takot na may haling pagkalito, galit at pangamba maging ang pag aalala. Hindi ko alam, nakakalito.

"What the fuck?!" Nadako ang tingin ko sa mga bagong dating. Ang Black Asther.

"A-asul,  a-anong.. Yung mata mo.. Hindi." Putol putol na sambit niya. Hindi ako nagbigay ng kahit na anong emosyon. Kahit na anong ekspresyon.

Kusang lumitaw ang mga pakpak ko. Lumabas na para bang nawala ako sa kontrol. Naramdaman ko ang kakaibang sakit at hapdi dulot ng biglaang paglabas nito sa likod ko.

"Stop it Asul."

Nagtama ang tingin namin ni Icey na pilit pinapakalma ang sarili. Ano bang nangyayari?  Bakit wala akong marinig? Bakit wala akong makilala?

Tiningnan ko sila isa isa. Bumubuka ang mga bibig nila na para bang may sinasabi pero hindi ko malaman kung ano. Hindi ko masabi kasi nanatili akong walang naririnig. Hindi ko maintindihan. Gumapang ang kaba sa katawan ko.

What's happening on me?!

Lumakas ang ihip ng hangin, nakita ko kung paano tumalsik sa balat ko ang mga salamin na basag galing sa bintana.

It was like I'm nothing. Wala akong maramdaman. At sa isang iglap-- hindi ko na sila makita. Nawala na ang mga taong nasa harapan ko kanina lang. Mula sa kung saan lumitaw ang isang babae. Nandito parin ako sa bahay ko pero nawala na ang kanina lang naa nandito.

"You can't love him!"

Nanatili ang tingin ko sa babaeng naka gown ng pula. Pulang pula kaya lumitaw ang maputing kutis niya. Ang mahabang buhok na tinatangay ng hangin. Ang boses niyang napakadelikado at puno ng poot.

"Sino ka?" Ang tanong na lumabas sa bibig ko. Tiningnan niya ako ng galit na galit. Ano bang naging kasalanan ko?

"You can't love him!  That's the forbidden rule. You can't love someone!" Sigaw niya. At forbidden rule?  I can't love someone? Halos magecho ang boses nito sa lugar kung nasaan ako. Masyadong malakas at mariin.

"Anong ibig mong sabihin?"  Muli kong tanong.

"Just.. Don't love him Axine. Or else both of you will Die. " Hindi ko talaga maintindihan. Ngumisi siya sa akin na siyang nakapagpatayo ng balahibo ko.

"The show is yours Axine. Don't love him."

Unti unti kong iminulat ang mga mata. Paulit ulit na narinig ko ang mga huling kataga. Nagitla nalang ako ng biglang may mga bisig na yumakap sa akin.

"You scared me." Bulong nito. Hindi ako yumakap pabalik. Nanatili along nakatingin sa kawalan habang pilit inaalala kung ano ang mga nangyari.

"You can't love him!  That's the forbidden rule!  You can't love someone! "

What does she mean? At sino ba siya? Bakit biglaan nalang lumilitaw at nagpapakita? Napapikit ako ng mariin. Forbidden rule?

"Iwan mo muna ako." Bulong ko habang nakayuko. Kumalas siya sa pagkakayakap sa akin. Hindi nagsalita at umalis nalang. Napatitig ako sa pintuan na nilabasan nii Azer.

Bakit bigla bigla nalang akong may kakaibang nararamdaman?

Huminga ako ng malalim at tumitig sa bintana. Napansin ko na nandito pala ako sa kwarto ko. Tanaw ko ang mataas na tore ng Asthalia.

At duon lumitaw ang mga imahe at larawan ng mga taong minsan ko ng nakasalamuha.

Bakit ba ako nakakaramdam ng ganito? Si Yarind,  si Ama,  si Icey at iba pa.

Hindi naman ganito dati. Ugh!

--

Rye's Note: Thanks for waiting Thalians! 

--
    

Asthalia [NOT EDITED]Where stories live. Discover now