Asthalia 12

1.2K 55 2
                                    

Asthalia 12

Nagising ako ng makaramdam ng tingin. Nanatili akong nakapikit at pinakiramdaman ang paligid. Nakakarinig ako ng mga tawa at asaran na alam kong nag mumula sa labas ng kwarto ko.

Iminulat ko ang mga mata at bumungad sa akin ng malapitan ang kulay itim na mga mata niya. Malapit na nakakaduling. Bahagyang nanlaki ang mata ko dahil sa gulat at alam kong ganuon din siya.

"A-anong ginagawa mo?"

Hindi ko alam kung bakit ako nautal at bakit biglang nanuyo ang lalamunan ko. Gumapang ang kakaibang kaba sa mga ugat ko. Wala sa sariling napakagat ako sa ibabang labi at nakita ko kung paano dumako ang tingin niya doon. Ilalapat ko na sana ang labi ko sa kanya ng lumayo siya kaya napaupo ako ng wala sa oras.

"No." Tila nagpipigil na sambit nito sa sarili at mabilis na umalis ng kwarto ko. What was that? Ibinagsak ko ang katawan sa malambot na kama at tumitig sa ceiling, napahawak ako sa dibdib ko, sa tapat ng mismong puso. Ano tong nararamdaman ko?

Ipinikit ko ang mga mata at lumitaw naman sa isip ko ang paraan ng pagtitig niya kani- kanina lang. Damn.

Bumangon ako at agad na pumasok sa banyo para makapag ayos. Madali ko itong natapos. Nagsuot ng angkop at pangkaraniwang kasuotan ng kababaihan dito sa Asthalia. Sinuklay ko ang kulay pula kong buhok at minasdan gamit ang asul na kulay ng mga mata ko.

Nang dahil sa mga mata ko kaya tinawag nila akong asul. Nangunguna si Icey sa pagtawag sa akin na Asul kaysa sa Axine, bukod pa doon kulay asul na kapa ang ginagamit ko magmula ng bata pa ako.

Huminga ako ng malalim bago bumaba at nadatnan sila sa sala, nag mimiryenda ng kung anong prutas.

"Asul! Tagal ng tulog natin ah." Bungad sa akin ni Azin at inaya ako sa kanila.

"Magpasalamat ka nalang at nagising pa yan" bumaling ang tingin ko kay Icey na kumakagat ng mansanas na siya nanamang nagsalita.

"Salita ka ng salita." Tipid na tugon ko at tumuloy palabas. Hindi ko na pinansin ang kung anong sabihin nila.

Itinaas ko ang hood ng cloak ko at naglakad na parang ako lang ang tao sa Etrunatic. Nagkalat ang studyante dito na nagagawi ang nagtatakang tingin sa akin.

Dumeretso ako sa gubat. Ang lugar na pinuntahan ko kahapon. Masukal pero sanay na ako sa ganitong klase ng lugar. Narating ko ang sapa, walang tao. Tahimik at payapa. 

Inalis ko ang cloak na suot ko. Tumayo sa isang mataas na bato at tinalon ang lawa. Masarap sa pakiramdam ang init ng tubig na ibinibigay nito. Ipinikit ko ang mga mata at dinarama ang kakaibang init at lamig na hatid nito sa mga ugat ko. Umahon ako mula sa pagkakalubog kasabay ng pakiramdam ng nakatingin.

"Stop watching." Iminulat ko ang mga mata at nagtama ang tingin naming dalawa. Ang malalim na mga mata niya, umangat naman ang sulok ng labi niya na hindi ko alam ang dahilan kung bakit. Parang kanina lang ay banas ito sa akin pero kung makangisi ngayon kala mo naman walang ginawa e.

Naglakad ako papunta sa bato at isinuot ang cloak ko hindi alintana kahit basang basa ako.

"Your senses are good." Nakasunod ang tingin niya sa akin, hindi ko man kita pero ramdam ko habang sinasabi ang bagay na yan. Napaharap naman ako sa kanya.

"Pamilyar ang boses mo."  Seryosong banggit ko.

"Yung mga boses na bumulong sa akin sa Saxony." Matiim ko siyang tiningnan at humakbang papalapit. Stupid me. Ngayon ko lang naalala.

"Ako iyon." Seryoso at walang halong biro. Parang ibang Azer ang nasa harapan ko. Ang matiim at malalim na titig niya. Ang malamig na mga boses at ang klase ng aura na naramdaman ko noong nasa Saxony ako. Parehong pareho. Hindi ako pweding magkamali.

Tumigil ako sa harapan niya, kalahating metro ang layo namin sa isa't isa. 

"Anong ibig mong sabihin?" Hindi siya sumagot sa akin, tanging ngisi ang naging tugon niya at iyon ang hindi ko maintindihan. Paanp niya nagawang itavo ang aura naginamit niya sa loob ng Saxony?

Sumandal ako sa bato at minasdan ang pagbagsak ng tubig mula sa itaas.  Ang pagdami ng mga fairies na may itim na kasuotan at mga buhok maging mga mata. 

Ipipikit ko na sana ang mga mata ng makaramdam ng ibang prisensya.  Palihim na iginala ko ang mga mata sa paligid.  Napansin ko ang biglang pagalerto ni Azer na nakabantay din sa maaring mangyari. 

Ilang sandali tulad ng inaasahan lumitaw mula sa  malalagong damo ang higit sa sampong mga tao na nag aktong ninja dahil sa  itim na kasuotan.  Balog na balot na tanging mata lang ang nakikita.  Hindi ba sila naiinitan? 

"Ikaw pala ang pumalit kay Alon." Malamlam na sambit nung isa sa nakaitim.

Hindi ako sinagot at nanatiling kalmado habang nakatitig sa kanya. Ipinapakita na wala akong pakialam s akung anumang pakay nila sa akin. Alam ko naman na natigilan sila base sa galaw ng hangin naihatid nito ang pagtataka na nararamdaman nila. 

"Ikaw nga," Matigas na sambit ng may hawak na matalim at mahabang espada.  "At mamatay ka ngayon." Itinutok niya sa akin ang espada niya na agad namang natunaw?  Nabaliko eh. 

"Walang gagalaw sa kanya." Nabaling ang tingin ko kay Azer na galit na galit ang emosyon na pinakikita sa mga mata. Hindi na ako nag komento. Siya pala ang dahilan kung bakit nabaliko ang espada. 

--

Asthalia [NOT EDITED]Where stories live. Discover now