Asthalia 31

731 32 1
                                    

Axine.

Pangatlong bato na ang inihulog ko sa tubig ng sapa. Naglikha ito ng ingay oras na yumakap ang tubig sa tuyong bato sanhi ng pag bagsak nito.

Sa malawak na kadiliman ng paligid, at tanging sinag ng buwan ang nag isilbing ilaw ko at repleksyon sa tubig. Sa pagiingay ng malawak na katahimikan, ang mahinang pag kaluskos ng mga dahon at ligaw na hayop.

Malayo sa kaharian. Damang dama ko ang sarili ko. Ang pangungulila habang naka upo sa itaas ng bato, kitang kita ko sa harapan ang walang ingay na pag bagsak ng tubig sa talon, ang nagliliwanag na mga itim na dahon, ang malamig na simoy ng hangin na humahalik sa akin balat.

Huminga ako ng malalim.

"May balak ka nanamang tumalon?" Natigilan ako sa biglang nagtanong. Napaangat ako ng tingin at doon tumambad sa akin ang isang lalaki na may itim na maskara.

Umupo siya sa tabi ko. Pamilyar ako sa aura niya pero hindi ko masabi kung sino ito. Hindi pamilyar ang tinig nito. Itim ang kanyang mga mata at tama lang ang pangangatawan.

"Ang lungkot mo," hindi siya patanong. Ang paraan ng pananalita nito ay para bang siguradong sigurado at komportable sa tabi ko.

"Hindi ka ba natatakot na patayin kita ngayon?" Mariing tanong ko dito. Lumitaw sa labi nito ang ngisi, mula ilong hanggang mata kasi ang natatakpan ng itim na maskara. May highlight itong puti na dalawang linya vertically.

"Natatakot akong hindi mo magawa" nagngitngit ang ngipin ko dahil sa sinabi niya. Mabilis pa sa kisap mata na itinutok ko ang isang palaso sa leeg nito. Alam ko at ramdam ko ang pagka gulat nito.

"Hindi ka parin nagbabago. Sige, patayin mo ako kung gusto mo." Bahagyang lumungkot ang boses nito kaya naibaba ko ng konti konti ang patalim.

Pagkatapos, sa isang iglap, napamura nalang ako ng maitulak niya ako ng malakas pahiga, hindi ko kaagad maigalaw ang katawan ko. Kaya inasahan ko na ang malakas na impact ng ulo ko sa bato at maari pang kumalat ang utak ko dito.

Napahinga ako ng malalim at nanlalaki ang mga matang napatitig sa itim nitong mga mata, nag simulang kumalat sa paligid ang pamilyar at kumportable nitong aura. Imbis na bato, nagawa niyang iharang ang mga palad niya at doon bumagsak ang ulo ko.

Nagmukha tuloy na naka-kubabaw siya sa akin sa mga oras na ito. Malakas ang tibok ng puso ko dahil sa kaba.

"Papatayin talaga kita." Mariing banggit ko ng makabawi. Imbis na matakot tumawa pa ito.

"Kahinaan mo yang puso mo, Asul. Kung kalaban ako, hindi ka na sana humihinga ngayon. Sa laban ng buhay, hindi pweding pairalin ang awa at emosyon. Kung sasabak ka sa Arc Circle, itapon mo ang emosyong iyan sa puso mo. Kung hindi, iyon mismo ang magiging dahilan ng pagkatalo mo." Natulala ako sa sinabi nito at nagsimulang manginig ang mga kamay sa nag uumapaw na emosyon.

"Y-.. y" hindi ko alam kung paano sasambitin ang pangalan nito. Malakas ang tibok ng puso ko. Hindi ko alam kung paano mag re-react.

"Y-ya.. Y-yarind.." nanlaki ang mga mata nito at nakita ko kung paano siya mawalan ng emosyon. Nakita ko kung paano naging blanko ang mga mata niya. Umupo siya kaya napaupo na rin ako.

Nangingilid ang mga luha ko at hindi ko na napigilan ang pag luha ng mga ito.

"B-bakit.. bakit ngayon ka lang?" Mahinang tanong ko sa kabila ng pagkagulat. Ayaw gumalaw ng katawan ko.

Nakatitig lang ako sa kanya na malayo ang tingin pagkatapos ay tumawa ito.

"Hindi ko alam kung anong tinutukoy mo." Biglang nawalan ng emosyon ang mga boses nito at tumayo na. Nakita ko ang intensidad ng katawan niya.

Tumayo din ako.

"Ikaw yan hindi ba? Yarind naman." Pagmamakaawa ko.

"Si ama? Nasaan siya? Ayos ka lang ba? B- bakit ngayon ka lang nagpakita sa akin? B-bakit.." hindi ko matuloy tuloy ang sasabihin ko ng magsimula itong humakbang palayo, kasama ng pag alulong ng mga lobo.

Huminga ako ng malalim at ikinalma ang sarili.

"Sandali." Madiing banggit ko. Tumigil naman siya kaya humakbang ako palapit. Pinihit ko ito paharap sa akin.

"Kung hindi ikaw si Yarind, wala akong mararamdaman." Mabilis na tumingkayad ako para pagtagpuin ang mga labi namin. Ipinalibot ko ang mga braso sa batok nito ng hindi humihiwalay sa halik.

Ramdam ko ang pagkagulat niya, ang panlalaki ng mga mata niya at nanginginig niyang kamay na humawak sa bewang ko. Kumakalat ang kakaibang amoy sa paligid, amoy ng isang bulaklak habang iginagalaw ko ang labi sa kanya.

Kasabay ng pagtulo ng luha ko, ay ang pagbalik niya sa tamang wisyo at mabilis akong inilayo sa kanya. Dahil doon, napangisi nalang ako. Habang tumutulo ang luha.

"K-kung hindi.. mali.. paano ba?" Napatawa ako habang nakatitig lang siya sa akin at tulala. May kung anong emosyon sa mga mata nito.

Sa madilim na gabi, kasabay ng pagkahulog ng maskara nito, nakita ko ang kabuuan ng mujha niya. Gulat lang siyang nakatitig sa akin habang dahan dahan akong napaupo dahil sa panghihina.

"Y-yarind.. bakit?" Napahagulgol ako dahil sa labis na lungkot. Unti unting bumigay ang aura nito na kumakalat sa paligid. Mas nanaig ang kayabangan na matagal ko ng gustong maramdaman.

Niyakap ko ang mga tuhod, hindi alintana ang malamig na simoy ng hangin, ang pagtingkad ng ilaw ng buwan, ang paglakas ng tunog ng pagbagsak ng tubig sa talon, ang muli ring pag tingkad ng kulay ng itim na mga dahon, ang kulisap sa paligid.

Nanatili siyang nakatayo at nakatingin sa akin sa kabila ng paghagulgol kong nakaupo. Sa ibabaw ng bato. Hindi ko na napigilan.

"You love him. Si Yarind ang mahal mo. Asul." Mas lalo akong napaiyak ng maging normal ang boses nito.

"K-kaya pala, wala akong naramdaman. K-kaya pala ganito. Akala ko... akala ko ikaw siya.. akala ko makikita ko na siya.." nanatili siyang walang imik.

"Hindi ako siya, Asul. Kailanman hindi ako magiging si Yarind." Mababang tono na banggit niya. Nag angat ako ng tingin, kita ko ang sakit sa mga mata nito.

"Z-zero.." banggit ko sa pangalan niya. Gumuhit ang mapait na ngiti sa labi niya.

"Asul, hindi ako naging masaya na hinalikan mo ko lalo na't ibang tao ang nasa isip mo. Tanggap ko Asul, pero bakit nasasaktan ako?" Umiling iling siya.

"Zero.." pinigil ko ang pagiyak.

"Malakas ka, Asul." Huminga ito ng malalim. Kapansin pansin ang pagkakakuyom ng kamao nito.

"Umuwi ka na. Maraming naka kalat na taga ibang Eras para patayin ka."

--

Asthalia [NOT EDITED]Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz