Asthalia 08

1.4K 62 1
                                    

Asthalia 08

Hindi ko masabi kung dapat ba akong natuwa kung palaging nag iilagan ang mga tao sa akin o maiinis dahil sa mga tingin nila na parang may ginawa akong krimen.

Huminga ako ng malalim. Tanging ako--- ako lang ang gumagamit ng asul na cloak. Dito sa Etrunatic, limang kulay ang nagsasabi kung anong class ka nabibilang.

White para sa Class E,  green para sa Class D, orange para sa Class C, brown para sa Class B at pula para sa Class A, ang pinakamalakas na Class.

Itim naman sa Black Asther, hindi kabilang ang kulay ng mga cloak ng Black Asther kasi sobrang common nito.

Maging sa labas ng Etrunatic walang gumagamit ng itim na kapa dahil isa daw tong kalapastanganan na gamitin ang kulay na sumisimbulo sa pinakamalakas na grupo sa buong Etrunatic.

Hindi ako gagamit ng itim na kapa, sapat na sa akin ang asul. Huminga ako ng malalim at napahinto ng makasalubong ko si Azer. Nagkatinginan kaming dalawa, huminto siya sa mismong tapat ko.

Tinaasan ko siya ng kilay ng hindi siya gumalaw sa kinatatayuan niya at nanatiling nakatingin.

"Bakit ba ganyan ka makatingin?" Tanong ko, alam ko naman na narinig niya.

"Bakit ba ganyan ka makatingin?"tanong niya sa akin ng pabalik. Nagkibit balikat nalang ako at hindi siya pinatulan. Naglakad ako at parang hangin na nilampasan siya.

"Hindi lang ako makapaniwala na nasa harap na kita."

Nahinto ako ng marinig ang bulong niya sa hangin. Kumunot ang noo ko, gusto kong magtanong pero pinili kong tumuloy at maglakad ng diretso.

"Asul."

Humarang sa harapan ko ang sangkaterbang mga Helias at mabilis na pinalibutan ako. Nanatili akong nakatayo roon at tiningnan ng diretso ang namumuno sa kanila.

"Sumama ka sa amin" sambit ng isa sa mga kawal, tiningnan ko lang ito. Hindi ako sumagot.

Tumango ang isa sa kanila at hindi na ako nakapalag ng mabilis na dumampi sa palapulsuan ko ang bakal na kadena. Kasabay ng paghawak nila sa magkabilaang mga braso ko. Mahigpit ang mga iyon at sinisigurado na hindi ako makakatakas.

Nakakainis. Wala ba silang balak o hindi lang talaga marunong makipag usap ng matino?

Pinagtitinginan ako pero hindi ko nalang pinansin.

"Saan niyo siya dadalhin?" Lumitaw sa harap namin si Avier na madilim ang aura. Kusang umangat ang hood ng cloak ko para takpan ang mukha ko.

"Pinatatawag siya ng hari at reyna ng Asthalia. Maging kayo at ang iba pang miyembro." Paliwanag ng Helias na nagsisilbing pinuno.

"Bakit kailangan pa siyang lagyan ng kadena?" Wala sa sariling napangisi ako.

"Ayaw pa naming maging abo." Nawala ang emosyon sa mata ni Avier. May kakayahan akong makita ang lahat kahit na nakatakip man sa mukha ko ang cloak.

"Sa tingin niyo ba epekto ang kadena sa kanya?"

Nagkibit balikat nalamang ako bago tumuloy sa nilalakaran. Naglalakad na parang may ipinararada silang bibitayin. Ang kukupad kumilos, walang kwenta.

Hanggang sa nakarating kami sa Kastilyo, pumasok at bumungad ang mga alipin na nagta-trabaho sa mga Hari at Reyna.

Marahas na ipinasok nila ako ulit sa itim na silid, napakunot ang noo ko ng makita ang isang malaking salamin? Parisukat ang hugis at kita ko ang loob nito.

Walang kahit na ano. Nakita ko sa gilid ang hari at reyna maging ang mag prinsesa na nanunuod sa mga Thalians na ekspertong gumagalaw ang kamay sa makina na nasa harapan nila.

Hindi na ako nakapalag ng ipasok nila ako sa kahon na iyon pero bago pa nila maisara, nakita ko ang gulat na ekspresyon ng Black Asther na kararating at ang galit na mga mata ni Azer.

Nanatili akong kalmado. Hindi nagpakita ng emosyon. Wala akong makita na kahit na ano. Buong akala ko ay malaki ang kahon at hindi masikip ngunit mali ako.

Mula sa kinalalagyan ko, wala akong makita na kahit na ano. Ngunit rinig ko silang lahat. Ramdam ko ang bawat pagkilos sa labas ng kahon na ito. Bawat emosyon na naguumapaw sa paligid.

Napapikit ako ng mariin ng makaramdam ng init. Hindi ko alam pero ang init ng pakiramdam ko. May kung ano akong kuryente sa katawan ko dahilan para maalis ang cloak na suot ko, maging ang itim kong maskara ay nawala.

Kasabay ng pagdilim ng paligid ay ang pagsakit ng buong katawan ko. Mariin akong napapikit ng makaramdam ng matinding hilo. Pinilit kong imulat ang mga mata pero talagang hilo na ako. Umiikot ang paningin ko at ramdam ko ang pamumuo ng pawis sa noo ko.

"D-damn" wala sa sariling napaluhod ako dahil sa pagsakit ng dibdib ko. Ang h-hirap huminga. Shit talaga.

Napaluhod ako dahil sa panghihina, damn. Ano bang ginagawa nila?

"Arghhh!!" Napasigaw ako dahil sa  biglaang pagsakit ng buong katawan ko. Hindi ko alam kung saan nanggagaling idagdag pa ang pagka hilo na nararamdaman ko at ang panghihina.

"Ahhhh! Shit!" Naging habol ang hininga ko na hindi ko alam pero parang sumabak ako sa gyera, tangina. Gagawin ko talaga silang abo.

Nanlalabo ang paningin ko at wala akong magawa roon. Sinubukan kong labanan ang enerhiya na kumukuha ng lakas ko ngunit wala akong magawa. Nakakabwisit. Asar!

"Stop this! Damn it!"

"Nahihirapan na siya, baka ikamatay niya"

"Huwag kayong mag alala, maayos lang siya"

"Maayos sa lagay na yan? Damn."

Iniyuko ko nalang ang ulo at huminga ng malalim, tiniis ang sakit ng katawan, na hindi ko alam kung sana nag mumula. Mariing  ipinikit ko ang mga mata.  Nanghihina at anytime pweding bumitaw. Shit talaga.

"Damn.." mahinang bulong ko sa sarili ng mas lalong lumala ang init, sakit, hilo, at panghihina sa katawan ko.

"Arghh!! T-tigilan niyo na.." 

Itinukod ko ang kamay sa lapag para manatiling nakaluhod at hindi matumba ng tuluyan. Mahigpit na ikinuyom ang kamao.

"A-ayoko na.."

"Anak.. Axine Anak, huwag kang sumuko"  narinig ko ang boses ni ama na hindi ko alam kung totoo o echo lang.

"A-Ama.." napadura ako ng dugo. Damn it,  nanghihina man ay pinilit kong tumayo, ginawang hawakan ang glass na pader.

Hindi pa ako tuluyang nakakatayo ng may mga bisig na yumapos sa akin ng mahigpit. Wala akong ibang nagawa kundi ipikit ang mga mata.

"Axine..."

--

Asthalia [NOT EDITED]Where stories live. Discover now