Asthalia 09

1.4K 51 0
                                    

Asthalia 09

Unti unti kong iminulat ang mga mata. Hindi ko maigalaw ang katawan ko, hindi ko rin ito maramdaman. T-teka. Kompleto pa ba ang katawan ko? O ulo nalang ang natira sa akin?

Huminga ako ng malalim at inilibot ang tingin sa paligid. Sa gilid, nakita ko ang pamilyar na bulto na natutulog sa tabi ng kama ko. Gusto kong magsalita pero walang lumalabas na boses sa bibig ko.

Sinubukan kong iangat ang mga kamay at nagawa ko naman iyon, marahan na hinaplos ang buhok ni Azer na tumatakip sa mata niya. He's sleeping.

Mas maayos siyang tingnan kapag natutulog, at sana palagi nalang siyang tulog.

"Uhmm." Nakita ko ang pagmulat ng mga mata nito. Nagtama ang tingin namin. Hindi naman na ako umiwas.

"Gising ka na." Umayos ito ng upo.  "Kumusta ang pakiramdam mo?" Lumarawan sa mata nito ang pagaalala.

"Ayos lang." Huminga ako ng malalim.

"Isa ka ng Asther, at oras na umayos ang pakiramdam mo, sisimulan natin kaagad ang pagsasanay." Napatingin kami sa pinto kung saan pumasok si Azin. Kasunod nito si Icey, Avier, at Austin.

"Ayon yan kay Rayver."

Binalingan ko ng tingin si Azer. Mas sanay akong tawagin siyang Azer kaysa sa Rayver at hindi ko alam o masabi kung ano ang dahilan.

Tumango nalang ako at tumahimik.

"Kailan ba ako makakalabas?"  Tanong ko at dahan dahang umupo. Salamat naman at naigagalaw ko na ang katawan ko, nakokontrol ko narin kung ano ang mga gagawin ko ayon sa gusto ko.

"Dipende." Kumunot ang noo ko sa sinabi ni Icey.

"Dipende kung hanggang kailan ka tatagal sa higaang yan, halos wala ka na nga yatang balak bumangon."

Sinamaan ko lang ito ng tingin at isa isang inalis ang nakatarak sa kamay ko, marahas akong umiling at bumuga ng hangin para ikalma ang sarili.

"Ayan. Ayos na ako, pwedi na bag lumabas?" Tumayo ako na parang walang nangyari at doon naman sila natigilan.

"O-oo naman." Ngumisi lang ako.

"Ayos." Lumabas na ako ng silid na iyon at mabilis na tinungo ang tinitirhan ko. Hindi ko na pinansin kung ano ang sinabi nila.

Ng marating ko ito ay naglinis muna ako ng katawan bago tuluyang humiga sa kama at ipiinikit ang mga mata. Namiss ko to.

Pero bago pa man ako pumikit ay sunod sunod na jatok ang narinig ko kaya't napabangon ako sa inis.  Binuksan ko ang pinto at bumungad naman sa akin si Icey na walang sabi sabing pumasok.

"Sinong may sabing pumasok ka?"taas kilay na tanong ko.

"Papasukin mo rin naman ako kaya huwag kang magreklamo." Prente siyang humiga sa kama ko.

"Anong kelangan mo?" Umupo ako sa mini sofa na na nandito at tiningnan siya.

"Gusto mo bang makita si Ama?"

Ama narin ang naging tawag niya kay ama kasi lumaking walang kinilalang magulang si Icey kaya pinahahalagan niya ang kung anong meron sa kanila ni Ama.

"Tinatanong pa ba yan? Si Ama ang pinaguusapan natin dito."

Huminga naman siya ng malalim at bumangon bago ako tiningnan.

"Kung ganoon tatakas tayo."  Halos sabay kaming napangisi dahil sa sinabi niya.

"Mamayang gabi." Bahagya lang siyang tumawa bago lumabas ng kwarto ko ng walang paalam. Napailing iling nalang ako at humarap sa full body mirror. Minasdan ang sarili ko bago ko naisipang bumaba.

Isang bahay ang binigay sa akin at kasama ko dito si Icey. Malawak at magara tulad ng sinabi niya. Pumunta ako sa kusina at agad na nag hanap ng makakain. May bigas naman, may mga karne, gulay at prutas din sa ref, hindi to pangkaraniwan kasi hindi nauubusan ng laman.

Marunong naman akong magluto, hindi magaling pero kayang pag tiisan. Naglagay ako ng bigas sa kaldero at hinugasan ito bago lutuin.

Sunod naman na ginawa ko ay naghanda ng mga kakailanganin sa iluluto ko. Naghiwa ng sibuyas, kamatis at kuung ano ano pa.

Sarsadong isda. Iyan ang iluluto ko, keri lang kasi maggigisa ka lang at ilang minuto ay ayos na. Nag luto ako ng marami kasi may pakiramdam ako na may darating sa bahay na to at makikigulo sa buhay namin ni Icey.

Ilang minuto lang ng sinimulan kong mag luto ay natapos din kasabay ng pagtunog ng pinto sinyales na may pumasok-- ng hindi kumakatok. Ibang klase ang senses ko kayaa madali kong marinig ang kung ano hindi tulad ng normal na tao.

"We're home!"  Napairap ako sa kawalan. Hindi parin ako sanay na makarinig ng wikang ingles sa paligid ko. Inalis ko nalang sa kalan ang kanin ng sa ganoon ay hindi masunog.

Matapos nun ay umalis naman na ako at pumunta sa sala at tulad nga naman ng inaasahan, FEEL AT HOME silang nanunuod sa sala.

Tumikhim ako at seryosong tiningnan sila ng seryoso.

"Hindi nakamamatay ang pag katok."

Nagsiiwas sila ng tingin at nag sitayuan naman sa sofa. Ramdam ko ang pag pipigil nila ng hininga kaya kumunot ang noo ko.

"Uso ang huminga. Try niyo, hindi nakakamatay iyon."  Sabay sabay silang napabuga ng hangin kaya tinaasan ko naman sila ng kilay.

"Labas, ulitin ninyo at siguraduhin ninyong kakatok kayo."

Hindi ako umalis sa kinatatayuan ko at tiningnan lang silang magkandarapa palabas ng pinto liban kay Azer na nakuha pang itaas ang paa sa lamesa sa may sala. Inirapan ko lang siya. Alam ko naman na hindi yan susunod.

Kusang bumukas ang pinto ng marinig ko ang tatlong beses na pag katok nila, napangiti naman ako.

"Good"

Saktong bumaba si Icey na nakakunot ang noo.

"Kumain na kayo?"

"Nag luto si Asul, masarap yan magluto,"

Natakam naman yata sila. Napabuga ako ng hangin ng pumunta sila sa kusina at nilantakan ang luto ko.

Ni hindi manlang nagyaya. Nangunguna doon si Icey. Pumasok din ako sa kusina at nagsandok ng pagkain bago magtungo sa sala. Nanunuod naman doon si Azer, inabutan ko siya ng pagkain.

"Eat." Kusa naman niya itong inabot samantalang na upo ako at binuksan ang TV.

"Kailan ang start ng training?" Tanong ko.

"Bukas, at magiging madugo iyon. "

--

Asthalia [NOT EDITED]Where stories live. Discover now