Asthalia 21

914 39 1
                                    

Asthalia 22

Axine.

"I-i didn't do anything." Mahinang bulong ko habang nakatingin parin sa taong gulat na gulat. Walang nagsalita sa amin hanggang sa gumalaw yung nga letra sa salamin.

Escape.

Run.

Hide.

Tatlong salita na iisa lang ang pinapahiwatig. Doon nagsimulang lumakas nag hangin. Nagkatinginan kaming dalawa at agad naman kong tumakbo papunta sa pwesto niya.

We need to escape. We need to.  Palabas na ako ng biglang bumalot sa buong lugar ang usok. Hindi ko na tuluyang maaninag si Avier. Maging si Austin. Wala na.

Pinilit kong maglakad ng maayos pero hindi ko kaya. Nagsimulang dumoble ang paningin ko. Umiling ako at pinilit ko hanggang sa tuluyan akong matumba at manghina. Hindi ko maigalaw ang katawan ko. Unti nalang pintuan na, bakit di pa ako umabot?

Hindi na ako makahinga ng maayos. At unti unti nilalamon nitong tuluyan ang lakas ko.

Bumagsak na ang talukap ng mga mata ko at nawalan ng malay.

--

Avier POV

Napamura nalang ako ng makita ang nangyari. Dahil sa makapal na usok hindi ko magawang makapasok sa bahay na iyon.

Isa lang ang alam kong gumawa ng bagay na ito.  HEARTS.  Sila lang ang alam kong may ganitong kapangyarihan. Ito rin ang ang kapangyarihang pumatay kay Alon- no! What the hell?!

"Austin! Damn it! Tawagin mo si Rayver!"  Tarantang sabi ko, bago sinubukang mag-isip ng solution. Hindi to pweding mangyari.

Not again.. not with Asul. Hindi ang Asther namin. Ilang segundo ang lumipas at doon, unti unti kong naaninag si Asul. Halos mawalan ako ng dugo dahil sa nakita. H-hindi ako makahinga. Pamilyar ang senaryong ito.

Ganito rin ang nangyari kay Sireina. Parehas na parehas.

"N-no. Not again.." napako ako sa kinatatayuan ko at hindi ko na nagawang makagalaw.

Wala akong ibang marinig. Ang malakas at kabadong pintig lang ng puso ko. Nagsimulang manginig ang mga kamay ko, maging ang mga tuhod ko.

Anytime pwedi akong mawalan ng balanse.

"Move Avier! Move!" Hindi ko maintindihan. Nanatili akong naka tulala sa walang malay niyang katawan. Ang namumutla niyang mga balat.

Halos matumba ako ng may bumangga sa balikat ko at doon ako natauhan. Tiningnan ko kung sino ito at ang masamang tingin lang ni Azin sa akin.

"Keep Calm, Avier. Hindi na pweding maulit ang dati." Sambit niya sa seryosong boses.

"B-but.." ni hindi ako makapagsalita ng diretso.

"Trust Rayver. Hindi na pweding mangyari ang noon." Tumango nalang ako at tinapik niya naman ang balikat ko.

Sinundan ko ng tingin si Rayver na mabilis inilipad si Asul. Alam ko kung saan siya pupunta. Sa lugar na kung saan matatagpuan ang pinaka-magagaling na healer.

Huminga ako ng malalim at ikinalma ang sarili. Bago lumipad pabalik sa silid ko. Nahiga ako sa kama at doon tumitig sa ceiling.

Hindi dapat nangyari iyon. Hindi dapat. Hindi na pweding maulit ang dati, hindi na pweding malagasan ulit kami. Hindi ko na matatanggap.

Sapat na ang buhay ni Alon. Sapat na iyon. Si Alon ang Huling naging Asther ng grupo sa loob ng tatlong taon. Hanggang sa mapatay siya ng usok na iyon sa loob mismo ng laro.

Hearts. Yan ang grupo ng mga babaeng nakikipaglaban din. Binubuo sila ng pitong miyembro na kapwa babae. Sila ang kumalaban sa grupo at malaki ang galit nila sa amin dahil sa isang pribadong dahilan.

Kaya sa lahat ng Asther at Thalians na nasa loob ng laro, si Alon ang pinuntirya nila dahil alam nila na siya ang nagsisilbing hiyas ng grupo. Kapatid na ang turing namin kay Alon pero pinatay siya.

Pinatay ng walang laban. At wala kaming nagawa para pigilan iyon. Matapos ng panngyayaring iyon, dalawang taon na walang naging Asther ang grupo. Dalawang taon na puno ng kalungkutan at hanggang ngayon hindi parin kami masanay na wala si Alon.

Hanggang sa dumating si Icey at Asul. Silang dalawa. Silang dalawa kahit na kapwa malamig ang pakikitungo, natuto na kami sa kanila.

Hindi biro ang pinagdaanan ng bawat isa. At ngayong nalalapit na ang palaro-- patayan at sulutan nanaman ang magaganap.

Hindi na iyon maiiwasan pero halos lahat kami ang kinakalaban. Pinupuntirya at pinagtutulungan.

ISANG linggo ang lumipas at ngayon ang alam kong balik nila. Nandito kami nakaupo sa sala ng dormitoryo nila Asul. Tahimik na naghihintay. Tahimik na nag aabang.

Nakarating sa Hari ang nangyari at pawang wala naman itong pakialam. Wala itong sinabi na kung ano at walang ginawang aksyon. Sabi lang niya na laban namin ito so bakit siya makekealam? Walang kwenta. Tsk.

Bumukas ang pinto at iniluwa nun si Rayver. Halos mapatayo kaming lahat. Hinanap sa likuran niya si Asul pero wala.

"Nasaan siya?" Tanong ni Azin. Blankong tumingin sa amin si Rayver.

"Naging abo ang katawan niya, nung isang araw pa. Wala silang nagawa." Mahinang sambit nito. Walang mababakas na emosyon sa mga mata niya pero mahigpit ang pagkaka-yukom ng kamao niya.

"No. Hindi pwedi iyon!" Nagitla kami sa sigaw ni Icey.

"Hindi siya mawawala dahil sa isang simpleng usok lang. Damn it!" Walang nagsalita ni isa.

Nanghihinang napaupo ako. At inihilamos ang sariling nga kamay sa mukha ko. Katahimikan ang bumalot sa silid. Kapwa tulala at hindi matanggap ang nangyari.

Asul.. Tumakas ang isang butil ng luha sa mga mata ko. Damn it! Nagpakawala ako ng malalim na hininga at wala sa sariling lumabas.

Hindi pwedi.

Hindi pweding mamatay siya. Siya nalang ang pag asa namin.

"Naging abo ang katawan niya."

Napatawa ako ng walang buhay.

"Fuck it!" Pinagsi-sipa ko lahat ng bagay na makita ko.

Bakit ba namin nararanasan to?

"It wasn't her will." Napahinto ako dahil sa isang boses.

"Alam ko, babalik siya. Hindi siya pweding mamatay ng ganun nalang. Hindi ganun si Axine." Axine..  Napalingon ako sa nagsalita.

"Icey." Tumingin siya sa akin ng blanko.

"Hindi siya marunong sumuko lalo na't hindi pa tapos ang laban. Babalik siya. Babalik si Axine." Sambit pa niya na malayo ang tingin.

"Oo. Maghihintay tayo. Babalik siya."

--

Asthalia [NOT EDITED]Where stories live. Discover now